7

10 3 28
                                    

Gregorio's Point of View


Ang lamig. Naka-todo pa ata ang aircon dito sa office ko tapos maulan pa. Siguro dahil november na ngayon. Hayaan ko na lang sigurong naka-todo ang aircon dahil sanay na naman ako sa lamig.


'Kalamigan ni Sydney Beh.'


Nababakla na naman ata ako. Siguro dapat ko nang iwasan ang pagpapanggap na bakla sa harap ni Sydney Beh, baka matuluyan ako. Sayang ang henerasyong magmumula sa'king kagwapuhan.


Habang nakatulala sa laptop at nagmumuni-muni ay nakaisip ako ng idea.


Kinuha ko ang telepono sa gilid ng table ko at tinawagan ang secretary ko.


"Yes Greg?" napakawalang galang talaga nitong babaeng 'to porket matagal ko na siyang secretary.


"May meeting pa ba ako ngayon MISS Bella?" diniinan ko pa talaga ang pagkakabigkas ng miss dahil nakakahiya naman sa secretary ko.


"Wala na Greg. I-date mo na si Sydney Beh at baka ako pa ang mangaladkad sa'yo papunta don, torpe kasi." Hah!


"Aba't talagang hinahamon mo ko? Hindi torpe ang tawag sa'kin, may respeto! Nirerespeto ko lang friendship namin. At teka, paano mo nalamang ide-date ko si Sydney Beh ngayon? Stalker kang impaktita ka." sermon ko sa kanya.


"Wag kang pabakla bakla sa'kin, hindi ako si Sydney mo. Natutuluyan ka na ata e. Duh, malamang kaya mo itatanong kung may meeting ka pa ay dahil may gusto kang puntahan. Sino pa bang gusto mong puntahan? Si Sydney! Wag ka ngang shunga." My secretary, everyone.


"Ge bye."


Tinamad na 'kong makipagtalo dahil hindi papatalo 'yung siraulong 'yon. Ang tibay ng sikmura pagdating sa'kin e tiklop naman pagdating kay Daddy, sarap lang isumbong e.


Ang naisip kong idea kanina ay ayun nga, ang i-date si Sydney Beh. Alam ko namang free 'yon palagi as of now.


Tinawagan ko siya para ayain mag-date.


"SYDNEY BEH!" bungad ko.


"Aray ko naman Greg! 'Wag ka nga sumigaw!"


"E bakit ka din sumisigaw?" biro ko sa kanya.


"*fake cough* Sorry, nakakadala ka e, bakla ka talaga." bakit ba parang ang lamya na niya nitong mga nakaraang araw?


"Na-miss lang kita." Sinigurado kong husky yung pagkakasabi ko. 'Yun naman gusto ng mga babae e, tsh. Pakipot 'tong si Sydney Beh, kung di ko lalandiin, di ako uusad.


"Ano kelangan mo?" nasira ang lahat ng pangarap ko nung mabasag ang panglalandi ko sa kanya.


'Kakaiba nga pala 'tong espesyal na babaeng 'to. Hindi siya yung tipong nadadaan sa landi.'


"Date me, Sydney Beh." derechahan kong sabi pero hindi ko maiwasang mapanguso dahil baka basagin na naman ako nito.


"Okay. Saan?" woah, bilis a. Iba talaga aura nito ngayon.


"Mag-ayos ka na lang. Susunduin kita. Magpaganda ka, dugyot ka pa naman palagi." hindi na kelangan, maganda ka na.


"Gay. Sige na, maliligo na 'ko." binaba na niya yung tawag.


Medyo malapit na ako sa bahay nina Sydney Beh dahil nung tinawagan ko siya ay nagsimula na akong magdrive papunta sa kanila.


Hindi ko masyadong ininda ang traffic dahil alam kong matagal kumilos si Sydney.


Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon