Tagu-Taguan
-one shot"Tagu-taguan maliwanag ang buwan,pag bilang kong sampu nakatago na kayo isa...dalawa...tatlo...apat...lima...anam...pito...walo...siyam.......SAMPU!"
Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko at ni anino ng mga kalaro ko di ko mahanap.
Nilibot ko yung pinaglalaruan namin pero di ko sila makita dahil madilim na pero may liwanag padin kahit papa-ano dala ng buwan.
Nag-hanap pako ng kaunti kaso nabunggo ako dahil di ko sila makita.
"Xander!"napalingon ako sa banda nila xander ng marinig na sumigaw ang mama niya. Bumaba si xander sa puno na pinagtataguan niya kaya siguro di ko siya nakita!
Bestfriend ko si Xander siya palagi kalaro. Kalaban ko sa tex at jolens sapakan. Batuhan ng putik.
Kumaway sakin si xander at tumakbo papaunta sa bahay nila.
Pagkatapos nun umuwi nako at natulog.
Kina-umagahan nakita ko si Xander na naka-upo sa sanga ng puno kaya tumakbo ako papalapit skanya.
"Xander bat andiyan ka?"tanong ko. Napatingin siya saakin kaya bumaba siya,Ngumiti siya pero halatang malungkot siya,"anong problema Xander?"tanong ko.
"Aalis na kami"sabi niya at ngumiti.
"Kami din naman umaalis a!,kelan kayo babalik?"tanong ko.
"Di'ko alam jorrisa. Wag mo nalang akong hintayin"ngumiti siya saakin pero hindi siya masaya.
"Xander tara na!"napalingon ako sa mama niya na may dalang malaking bag at pinasok sa taxi binalik ko ang tingin ko kay Xander at yinakap siya.
"Balik ka ha!"sabi ko at tinapik siya at umuwi sa bahay namin. Pinagmasdan ko kung pano lumayo ang sinasakyang kotse nila xander hanngang sa di ko na ito matanaw.
Ilang araw,linggo,buwan,at taon ang dumating patuloy ko paring inaantay ang pag-balik ni Xander.
Siguro kaya niya sinabi na wag ko na siyang hintayin kasi di na siya babalik. Merong parte saakin na naniniwala ako na babalik si Xander pero unti-unti nading nawawala yun kada araw na lumilipas.
Hinanap ko siya tinanong ko sa papa niya kung asan sila ang natanggap ko lang ay,"wala na kaming koneksyon simula nung umalis sila dito kasi nag-hiwalay kami ng mama niya"
Nag-antay ako ng nag-antay umaasa na babalik siya tatayain ko pa siya sa tagu-taguan!
"Jorrisa bat ka umiiyak?"napatingin ako kay rian na naka-silip sa pinto ng dorm ko,"alis na tayo,tapos na'ko"bakasyon na namin at malapit na akong mag-tapos ng pag-aaral isang sem. nalang.
Dumating na kami sa sasakyan naming bus. Maya maya pa'y dumating na yung bus na sasakyan namin kaya pumasok na kami at umupo sa dulo.
Nag-vibrate ang phone ko at may nag message. Nakita ko Xander Louise. Biglang nabuhay ang diwa ko dahil ganto ang pangalan ni Xander.
Binuksan ko ang message request ni Xander at agad ni-accept iyon
Xander Louise:
Hi jorrisa akala ko di na tayo magkikita pero nakita lang kita ngayon ngayon.Napalingon ako at hinanap kung asan si Xander. Tumunog uli ang cellphone ko kaya napatingin ako doon.
Xander Louise:
Kahit anong lingon ang gawin mo di mo'ko makikita dahil wala ako sa loob ng bus na iyan."Rian!"sigaw ko kaya napa-balikwas si rian at tumingin saakin.
"Kaloka to,bat?"walang pasabi-sabi binigay ko sakanya ang bag ko at pinahawak ang maleta ko.
Tumakbo ako palabas ng bus at inikot ang paningin ko.
"XANDER!!"sigaw ko. Napatingin saakin lahat ng tao pero wala akong pake.
Tumunog ang cellphone ko kaya tumingin ako doon.
Xander Louise:
Naalala mo di moko inantay nung tagu-taguan?,laruin uli natin.Para akong baliw na tinakpan ang mata ko gamit ang kamay ko at nag simulang mag-salita.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan,pag-bilang kong sampu nakatago na kayo"
"Isa..."tatanggalin ko sana ang nakatakip na kamay ko sa mata ko ng may humawak doon,"bawal tanggalin maduga yun"narinig kong sabi ng isang boses ng lalaki.
"Dalawa..."
"Tatlo..."
"Apat..."
"Lima..."
"Anim..."
"Pito..."
"Walo..."
"Siyam..."
"Sampu..."
Naramdaman kong tinanggal na ng kung sino ang kamay niya na naka-hawak sa kamay ko.
"Dilat na jorrisa"
Pag ka baba ko ng kamay ko at pag-ka dikat ko. Tumambad sa akin ang isang lalake na mas matangkad saakin dahil hanggang ilong niya lang ako.
Tiningala ko siya at nakita ang pogi niyang mukha at ang kanyang jawline. Matangos ang ilong niya at maayos ang pag-kaka suklay ng buhok niya.
"Jorrisa"
Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko.
"Xander..."niyakap ko siya ng mahigpita t dun umiyak,"antagal mo!!"sigaw ko at tinapakan siya sa paa.
"Aray!,andito nako wag kang mag-alala di na'ko aalis uli"sinuntok ko siya sa dib-dib niya tsansing hihi.
"Muntik nang mawala yung nararamdaman ko para sayo buti nalang dumating ka!"sigaw ko at mas hinigpitang ang pag-kakayakap sakanya.
"Mahal kita Xander...."
"Ako din jorrisa"
Nag-tagpo ang labi naming dalawa. Sobrang saya ko dahil nandito na siya uli.
3rd person P.O.V
Lumipas ang 10 taon ay nag-karoon na sila ng masayang pamilya. Biniyayaan sila ng 3 anak 2 lalaki at isang babae. Sayang nga lang dahil di ito naabutan ng ama ni Xander na namayapa na bago pa manganak si Jorrisa.
The End
********
Vote and comment po
BINABASA MO ANG
One shot (collections)
Teen FictionSalamat po sa mga nag babasa nito sa mga hindi pa basahin niyo po siguradong mag eenjoy kayo Lovelots By:Sammyprettygirl