One shot Story = "Different Voice"
====
Your Pov
Sumikat na ang araw mula sa silangan. Bitbit ang mga libro at medyo mabigat kong bag pack ay naglakad na ako papunta sa school. Hindi naman ganoon kalayo ang eskwelahan na pinapasukan ko kaya mabuti narin na nakapag banat ako ng buto.
On the way to my school I saw a guy from afar. Nakayuko siya habang naglalakad ng mabagal. Base sa uniform niya, magka-school mate kami. Kaya naman, patakbo akong lumapit sa kaniya at bumati.
"Hi! Good morning!" masaya kong bati sa kaniya.
He looked at me with his wide eyes, na para bang big deal ang ginawa kong pagbati.
Agad siyang yumuko at umatras mula sa akin. Why is he like that? HIndi naman akong mukhang halimaw na kakain sa kaniya.
"D-Don't c-come near me," nanginginig niyang sabi.
"Ha?" Nagsimula akong humakbang papalapit. "W-Wala naman akong masamang gagawin sa-"
"I'm sorry, I'm sorry!" sigaw niya bago tumakbo paalis.
That was weird.
Pumasok na ako sa school at umupo sa desk ko. Wala pa akong assignment para sa first subject namin. Ang plano ko, kokopya nalang ako sa mga kaklase ko pagkarating ko. Pero, nawala iyon sa isipan ko dahil sa pangyayari kanina. Ano kayang problema ng lalaki na iyon?
Natapos na sa wakas ang medyo nakakaboring na klase. Average student lang ako at hindi naghahabol ng honor. Oo, nag aaral naman akong mabuti. Pero sadyang may mga bagay na tanging ang mga inborn na matatalino ang makakagawa.
Bumili ako ng fishball sa labas ng school at kumain habang naglalakad pauwi. Nang biglang...may narinig akong kakaibang ingay sa malayo.
Sinundan ko ang ingay na iyon hanggang sa mapadpad ako sa isang eskinita.
Nakita ko ang mga nag-uumpukang estudyanteng lalaki sa gilid. Agad akong nagtago at hinawakawan ang aking dibdib na biglang kumabog ng malakas.
"Ano, iyon lang ang pera na maiibigay mo?! Ha?!" ang sigaw ng isang lalaki bago nagtawanan ang mga kasamahan nito.
Huminga ako ng malalim, pilit na ikinakalma ang sarili sa sitwasyong isang maling galaw lang ay maaari akong mapahamak.
Muli ay sinilip ko ang pangyayari sa nag-aagaw liwanag na aking natatanaw sa eskinitang iyon.
Sa gitna ng mga lalaki ay nakaupo sa sahig ang isang lalaking estudyante. Nakatakip ito sa mukha at waring may iniindang sakit.
"Ano?!" sigaw ng isa sabay sinipa sa tagiliran ang kawawang estudyante na iyon.
I covered my my mouth and I almost jumped.
Pero sa malakas na sipa na iyon ay hindi ko man lang narinig na sumigaw ang kaawa awang estudyante na aking nakikita.
Ngunit hindi lang isang sipa ang tinanggap niya. Sinimulan siyang sipain, hatakin, itulak na parang gulay at walang halaga.
Ikinuyom ko ang aking palad habang nasasaksihan ang mga pangyayaring ito. HInid ako makahinga at tanging luha na lamang ang lumalabas sa aking mga mata.
Anong gagawin ko? Kailangan ko siyang tulungan pero paano?!
Nagtago uli ako sa pader at ikinakalma ang nanginginig kong katawan. Mariin akong pumikit pero rinig na rinig ko parin ang sigawa at hiyawan ng mga hayop na tuwang tuwa pa sa kanilang ginagawa!
Hanggang sa...
Napansin ko na dahan dahang nawala ng ingay. I opened my wet eyes. Naghihingalo ay sumilip uli ako.
Wala na ang mga lalaki at ang tanging persona na nakita ko ay ang estudyanteng kanilang binugbog.
He looked at me and our eyes met.
Para akong tinamaan ng kidlat nang nagtama ang aming mga mata. Hindi ako nakagalaw, at tumigil pansamantala ang pagtibok ng aking puso.
Bumuka ang kaniyang bibig na waring may mensahe siyang pinapaabot sa akin.
"Umalis ka na," ang nabasa kong mga salita mula sa kaniyang bibig.
Siya ang estudyante na nakita ko kaninang umaga, hindi ako nagkakamali siya nga iyon.
Umuwi ako sa bahay ng lumuluha. He is getting bullied! Kaya ba, takot siya sa tao?
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame.
"Ahh, what a coward," I said to myself.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para mag-jogging. Saturday naman kaya walang pasok.
Nang mapagod sa pag jo-jogging ay pumunta ako sa malapit na Playground park. Kinaugalian ko ng kumain ng ice cream sa park na yun sa ilalim ng padulasan.
Medyo weird right? Pero I found it cool.
Masaya akong kumakain ng ice cream nang bigla may narinig akong mahinang tunog sa malapit.
May tao sa paligid.
I gulped and peeked outside under my slide.
I saw a guy, wearing red shirt and jeans. may dala itong cellphone na pinanggagalingan ng music na naririnig ko kanina.
"Hmmmm," he hummed.
I tried to look at his face pero hindi ko ito makita ng buo.
Then he danced. The music is slow, soft and captivating, and his body moving along the slow beats. I was mesmirized.
Napanganga nalang ako sa napakagandang tanawin na aking nakikita.
HIndi ko na nga namalayang nalaglag ko na ang ice cream cone na hawak ko kanina at pinanood siya.
My heart is beating so fast! Hindi ako naniniwala sa love at first sight, pero, bakit pumasok sa akin ang idea na iyon kung hindi ako naniniwala? Am I falling in love ng ganito kabilis?
"Woah," I muttered.
The guy stopped dancing and looked at me.
Our eyes met and I recognize him!
Siya yung lalaki na binubugbog kahapon!
His eyes widen and turned around.
Mabilis akong lumabas mula sa padulasan at hinabol siya. "Sandali!"
Tumigil siya sa pagtakbo ngunit hindi ako nilingon.
"Anong pangalan mo?" tanong ko habang hinihingal.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paglayo.
"Gusto kitang maging kaibigan!" sigaw ko na muling nagpahinto sa kaniya.
Anong pumasok sa isip ko para sabihin ang bagay na iyon? ang sagot ay hindi ko rin alam.
Dahan dahan siyang lumingon sa akin. At sa unang pagkakataon ay narinig ko ang kaniyang malumanay na tinig, isang tinig na walang halong takot,
"Dino, Dino ang pangalan ko."
To be continued...
===
(A/N: So I try to use tagalog language sa one shot na ito. This One shot ay gagawan ko ng tatlong part, so, hindi ito tapos okay? Haha. Enjoy)
Vote and comment
BINABASA MO ANG
One shot (collections)
Teen FictionSalamat po sa mga nag babasa nito sa mga hindi pa basahin niyo po siguradong mag eenjoy kayo Lovelots By:Sammyprettygirl