#WA_STORY
Title: Hanggang dito na lang
Genre: one-shot story
Author: me / Sammyprettygirl
~~"Kamusta na?"
"Kumain ka na ba?"
"Huwag kang magpapagod, magpupuyat at magpapagutom. Mahal na mahal kita."
Ilan lamang sa mga salita na narinig ko sa aking nga kapatid, pinsan, kaibigan at jowa. Aaminin kong bata pa lamang ako ay nagkaroon na ako ng kasintahan.
Si Jerome. I was only 10 years old noong ligawan niya ako. Siya naman ay 16. Napakabait, maalagain, at sweet niya. Umabot din ng 7 months ang panliligaw niya.
Sa loob ng pitong buwan ay nahulog ako sa kaniya. Kahit ayaw ko ay nahulog ako. Hindi ko alam ngunit sa kaniya ko lang naramdaman at narinig ang mga salitang hindi pa nabigkas ng mga kapamilya ko.
Palagi niya akong tinatanong kung; Naligo na ba ako? Kumain na ba ako? Pagod ba ako? May assignment ba ako? Kailangan ko daw ba ng tulong niya. At ang huli ay mahal ko na ba siya?
Sa totoo lang ay nahihirapan ako. Kasi bata ako, binata siya.
Ewan ko nga kung anong nakita niya sa akin e. Nagtataka ako. Marami naman siyang kaklase na magaganda at matatalino. Pero bakit ako?
Habang nililigawan niya ako ay unti-unti kong narealize na hindi pala ganda at talino ang nakita niya sa akin. Kundi wala. Basta daw paggising niya ay mahal at gusto niya na ako.
Ang hirap nga intindihin e. Kasi nga wala daw siyang nagustuhan sa akin.
Pero dahil sa sinabi niyang paggising niya ay mahal niya na ako, doon na ako nagsimulang mahulog sa kaniya..
Nobyembre 15 ng magtapat ako sa kaniya.
"Tinawag kita kasi may gusto akong sabihin na importante," ani ko sa kaniya na parang nabobored na nakatingin sa akin.
"Ano 'yon?" Tanong niya.
"Ano kasi.. u-uhmm m-mahal na k-kita," pautal-utal kong pag-amin. Nanlaki ang mata niya. "Talaga?!" Tanong niya. Tumango ako.
Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa labi. Hindi maharas, halik na may respeto.
"Mahal na mahal kita, Sela. Ibig sabihin sinasagot mo na ako?"
"Oo, Jerome. Tayo na nga," sagot ko.
Niyakap niya akong muli at hinaplos haplos ang likod ko.
"Alam mo bang kinabahan ako kanina? Akala ko sasabihin mong tumigil na ako sa panliligaw sa'yo. Pero sobrang saya ng puso ko ngayon! Mahal na mahal kita, Sela. Sobra sobra!"
"Mahal na mahal din kita, Jerome."
Matapos ng pag-amin ko ay naging kami nga.
Araw-araw kaming sabay kung umuwi at pumasok. Hawak niyang palagi ang bag ko at nakahawak sa kamay ko. Kaya ang mga iba naman ay tingin ng tingin sa akin.
Ang dami-daming bulungan.
"Sila ba?"
"Kabata-bata ng babae. Pinatulan niya naman."
"Oo nga. Kalandi!"Pero si Jerome ay mas lalong lang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Don't mind them. Mahal kita. Mahal mo ako," aniya. Tumango ako at ngumiti.
Hanggang sa umabot kami ng isang taon at dalawang buwan. Graduated na ako ng elementary. Habang siya ay college na din. Medyo nahirapan na kami sa sobrang hectic ng schedule niya.
Minsan nasasabi niyang pagod na pagod na siya. Pero ako, hindi ko pinapansin iyon. Basta, mahal namin ang isa't isa.
"Pasensiya na, Selove hindi ako nakapunta ng bahay niyo. May sakit kasi si Mama. I need to take care sa kaniya. Alam mo naman.. mahal na mahal ko siya."
BINABASA MO ANG
One shot (collections)
Teen FictionSalamat po sa mga nag babasa nito sa mga hindi pa basahin niyo po siguradong mag eenjoy kayo Lovelots By:Sammyprettygirl