"Teddy Bear"One Shot Story
Bata ka pa lang kasama mo na 'ko. Pero may gusto ka nang iba. Kalaro mo s'ya sa school na pinapasukan mo nung pre-school ka pa lang. Madalas kang itabi sa kan'ya kasi tumatahan ka daw 'pag s'ya ang nagpapatahan sa 'yo. Iyakin ka pa kasi noon lalo na 'pag nasa trabaho ang Mama mo at kailangan ka n'yang iwan mag-isa sa school. Dahil nga magkatabi kayo noon, lagi mo s'yang binibigyan ng baon mong Hansel, Pritos Ring, Zesto, at ilang pirasong Haw-Haw. Kahit 'di ka mahilig sa chocolate paborito mo ring magpabili ng Moo sa Mama mo bago pumuntang school para lang ibigay sa crush mo. At dahil nga sa mga effort na ginagawa mo sa kan'ya, akala mo forever na kayong magkatabi sa upuan. Pero akala mo lang 'yon.
Noong gradeschool na kayo, nagulat ka kasi 'di na kayo magkaklase; nasa section A s'ya at section C ka naman. Sabi ng Papa mo, "Dapat ka pang matuwa kasi at least nakapasa ka ng pre-school." Pero ikaw, tuloy ka pa rin sa pagmamaktol dahil gusto mo talagang magkasama kayo ng crush mo sa iisang section lang. Dumating pa nga sa puntong ayaw mo na pumasok sa school dahil sa naiinis ka sa school mo at may section-section pa silang nalalaman sa gradeschool na sa pananaw mo naman ay puwede na'ng wala. Dahil nga sa sobra kang pabebe noon, at sobrang maparaan, o sabihin na lang natin na hindi ka matiis ng mga magulang mo, gumawa sila ng paraan para maging section A ka din.
Noong unang araw ng pagpasok mo sa section na nilipatan mo, agad mong hinanap ang crush mo. Nakita mong nakapuwesto s'ya sa dulong upuan at mukhang wala pang gaanong kakilala kahit limang araw nang nagsimula ang klase. Lalapit ka na sana sa kan'ya kaso nagulat ka dahil nilapitan s'ya bigla ng mga kaklase n'yo.Napatalikod na lang dahil sa naramdaman mong disappointment. Marahan kang naglakad palabas ng pinto para makapag-moment ka mag-isa mo. Pero bigla kang may narinig na 'di mo inaasahan sa tinalikuran mo.
"Walang baon! Walang baon! Kawawa!"
Napalingon ka sa likod mo at nakita mong nagkukumpulan at pinagkakaisahan ng mga kaklase mo ang crush mo na 'di mo na makita dahil sa dami ng nakaharang. Agad kang tumakbo papunta sa kanila at sumigaw, "Tama na!" Tumigil naman ang mga kaklase mo sa panunukso sa crush mo dahil natakot sila sa sigaw mong pagkalakas-lakas. Nakatingin lang sila sa 'yo at nag-aabang sa kung ano ang susunod mong sasabihin. Dahil sa medyo dramatic ang dating mo, lumapit at tumabi ka muna sa crush mo na umiiyak na. "May baon s'ya. Hati kaya kami sa baon ko!" Tapos, pinakita mo sa kanila 'yong pagkarami-rami mong baon na nakalagay sa kulang pink mong baunan.
"Weh? 'Di nga?" sabat ng isa mong kaklase at sumang-ayon naman ang iba.
Pero pinakita mo sa kanila ang baon mong Moo at sinabing 'yon ang paborito ng crush mo para maniwala silang totoo ang sinabi mong hati kayo ng baon. Tinaas mo pa 'yong isa mong kilay para mas lalong kapani-paniwala at tumalab naman ang ginawa mo. Iniwan na nila kayo ng crush mo st inintindi na lang ang kani-kanilang mga buhay kaysa manggulo sa inyo. At iyon ang unang beses na naging matapang ka para sa crush mo.
Agad mo nang hinarap ang crush mo na umiiyak pa rin dahil sa panunuksk ng mga kaklase n'yo. Pinilit mo s'yang patahanin pero 'di mo s'ya mapatahan. Dahil na rin siguro sa iyon ang unang beses na tinukso s'ya ng mga kaklase n'yo ng ganoon kagrabe. Pero 'di ka sumuko. Sinabi mo sa kan'ya na hindi mo ibibigay sa kan'ya ang Moo na hawak mo 'pag 'di s'ya tumigil sa pag-iyak. Dahil sa sinabi mo, agad naman s'yang tumahan. At muli, sa unang beses, ikaw naman ang nakapagpatahan sa kan'ya.
Nang recess n'yo na, sabay kayong kumain ng baon mong sinabi mong paghahatian n'yo. Habang ngumunguya ka ng Icool at naluluha ka na dahil sa lamig niyon, bigla kang tinanong ng crush mo.
"Totoo bang hati tayo sa baon mo?"
Pero hinayaan mo munang maipon ang luha mo sa gilid ng mata mo hanggang sa tumulo ito bago ka sumagot.
BINABASA MO ANG
One shot (collections)
Teen FictionSalamat po sa mga nag babasa nito sa mga hindi pa basahin niyo po siguradong mag eenjoy kayo Lovelots By:Sammyprettygirl