How you left me (One shot)

4.4K 10 4
                                    

How you left me
-Oneshot



Eto ako, si Axel. Isa lamang akong simpleng lalaki. Ako yung tipo na lalaki na nagbabasa ng mga libro ni Nicholas Sparks. Sa sobrang labo ng mata ko sa pagbabasa ko, nakasalamin na ako. Ako rin yung tipo ng lalaki na matulungin sa magulang, kahit may kaya kami sa buhay, gusto ko pa din tumulong sa gawaing bahay, kahit may yaya na kami. Hindi lang naman porket mayaman kayo, hindi habang buhay mayaman kayo. Ako din yung tipo ng lalaki na nagtatrabaho sa kompanya ng mga pamilya namin, bilang housekeeper. Sa totoo lang, gusto kong gusto ko maging architecto. Pero gusto ko magsimula sa pagiging maliit. Ayoko yung porket na may-ari ng kompanya ang mga magulang mo, gagamitin mo na ang kapit nila sa ikauunlad mo.

Dumating naman ang araw na biglang bumagsak ang kompanya ng magulang namin. Nagbawas na ng mga trabahador ang magulang ko, kasama na din ako. Sobrang nanlumo ang aking mga magulang. Kahit ako, nanlumo ako. Ilang taon nilang pinaghirapan ang kompanya na yun, tapos ganun ganun na lang ang pagbagsak. Hanggang sa nagplano sila na iarrange marriage ako sa iba, na hindi naman mahal. Pinilit nila ako ng pinilit, at sa hindi ko na kaya dahil dinaan sa physicalan ng tatay ko ang pamimilit. Sinaktan niya ako. At dumating ang araw na naglayas ako.

Nagapartment ako. Wala sa puder ng magulang, pero kinaya ko ang magisa. Nagtrabaho ako bilang janitor sa gabi. Halos alas-onse na natatapos ang trabaho, tapos gagawa pa ng thesis. Kaya nga alasdos na ako nakakatulog.

Hanggang sa nakilala ko ang katabi ng apartment ko. Na si Rielle. Tinulungan niya ako minsan sa homeworks ko kahit kaya ko naman. At sa hindi ko na napigilan na mahulog ang loob ko sa kanya, dumating din ang araw na umamin din siya na gusto niya ako. Niligawan ko siya ng tatlong buwan. At naging kami.

2 taon na kami ngayon. Pero tumawag sa akin ang magulang ko na aalis kami patungong Amerika.

"Axel," humihikbi si Rielle, habang hawak ang kamay ko. "'Wag.."

"Kailangan, Rielle. Intindihin mo ako, ha? Para ito sa kompanya, kapag naayos ang kompanya, para din naman si future natin ito." Hinalikan ko siya.

Humikbi siya ng humikbi, tinulak ako at umalis.

"Rielle!" Sigaw ko, pero patuloy pa rin siya sa kanyang pagalis.

Ang sakit. Ang sakit na iwanan ang mahal mo. Pero kailangan. Gusto ko siyang yapusin. Pero, umalis siya..

Hahabulin ko na sana siya pero hinila na ako ng tatay ko papasok ng airport.

Nandito na kami sa Amerika ngayon. Marami akong nakilala. Marami din namang babae.

Umaangat na ang kompanya namin, anim na buwan na kami dito sa Amerika.

*ring*

Biglang may tumawag sa cellphone ko. Number lang.

"Hello?" Sagot ko.

"Axel.." Sambit ng kabilang linya.

"R-Rielle?" Gulat kong tanong.

"Axel.. Sorry.. I didn't hear your words before you leave. I'm so stupid." Sambit niya.

"Shhh.. I understand don't cry. It hurts me freakin' hell."

Hanggang sa nagkaayos kami.

Kaya lang pabili siya ng pabili ng gamit. Pabili ng relo, damit, bag at kung ano ano pa. Pero mahal ko eh.

"Babe, may ball kami na pupuntahan. Gusto ko yung black na gown oh!" Sabay pakita niya sa akin sa video call. Ang ganda nga nung gown bagay yun sa kanya.

"Sige. Magkano ba yun?"

"12,000 eh."

"Wala bang ibang mu--"

"Baby! I want that gown! It fits me!" Pagpupumilit niya na parang bata.

Pilit akong ngumiti.

"Sige magpapadala ako diyan."

"Yeheyyy!"

Pero dumating ang araw na bumabagsak nanaman abg kompanya. Nastress ako sa paper-works. At kung ano-ano pa.

"Baby.. Gusto ko yung dress na pink na nakita ko sa mall kanina."

"Oh sige magpapadala ako diyan."

Yun na lang ang lagi kong linya sa kay Rielle.

Pabili ng ganito pabili ng ganyan.

"Ang tanga mo Axel!" Sinuntok akong tatay ko. Katangahan ko naman yun eh. Dahil sa akin biglaang bumagsak lalo ang kompanya.

Lumabas ako ng opisina ni Dad. Napagisip ko na tawagan si Rielle in video chat. Para mahimasmasan ako kahit papaano.

Inopen ko ang skype ko. At tinawagan siya. Pangalawang tawag na pero di sumasagit nakaonline naman.

Tinawagan ko ulit at biglang sumagot.

"Uhh.. Baby.. Harder.. Baby.." Narinig ko ang pamilyar na boses. Si Rielle..

"Eyy, Axel. See this huh?" Sambit sa akin nung lalaki. Nanlumo ako, galit.

"Wh-what?!"

Tumingin sa screen si Rielle. Hindi ko na kinaya. Ang sakit.

"Bab-"

Pabagsak kong sinara ang mcbook ko.

Ang sakit. Halos buong gabi ako umiyak. Inis at galit at lungkot ang naramdaman ko.

Hanggang sa hindi na ako makakain. Pumapayat na ako. Ang kaibigan kong si Lia, dito sa amerika, pilipino din nagaalala na siya.

Nararamdaman ko na din na parang lagi akong hinihingal. Masakit ang dibdib paghumihinga. Namamanhid ang kaliwa kong katawan.

At nalaman ko na may bumabarang ugat sa puso ko. Kailangang operahan.

Tumawag si Rielle.

"Hey. Do you see that video huh?" Sabi ni Rielle sa kabilang linya. "Sana ganoon tayo, kaya lang wala ka dito. Wala kang kwenta. Wala kang kwentang boyfriend. Wala kang kwenta." Umiyak ako.

"Baby.. Sorr-" pinatay na ang linya. At..

black-out..
Sa sobrang pagsusumaon ko. Nagblackout bigla.

Rielle POV

Biglang may tumawag sa akin number lang.

"Hello.?" Hindi ko kilala. "Axel's Mother."

"H-hello po."

At dumating sila dito sa Pilipinas. Pero wala siya..

Ayokong maniwala..

Ayoko na mawala siya..

Hindi ko kaya..

Nakita ko ang bahay nila na puro puting ilaw. Ang sakit, nang dahil sa akin.. Nawala siya..

Axel.. Sorry.. Baby..

"Nahimatay siya nung mga bandang 11:00." Oras yun na tinawagan ko siya. "And para sa'yo ata ito." May binigay siyang box.

BABY! FOR U! I LOVE YOU, BABY!

Kwintas na may infinity. Humagulgol ako ng humagulgol. Ang tanga ko. Tanga tanga. He deserved better than me.

Kung sana hindi ako naging tanga para maayos ang relasyon namin.. Pero wala.. Kung kailan nawala siya tsaka ako nagsisi..

I'm sorry axel..


*************
Vote and comment guys

One shot (collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon