Counting Stars(One shot)

293 1 0
                                    


Counting Stars (One Shot)

Ramdam ko ang paghaplos nang dila ni Lucky sa aking pisngi, si Lucky ang aking alagang aso.

Habang ako ay nakahiga sa damuhan at binibilang ang mga bituin ay may nagdaang falling star. Pinikit ko ang mga mata ko at humiling.

"L-lucky, come here baby!" sigaw ko kay Lucky na naglalaro.

Agad naman niya akong sinunggaban at dinilaan ulit ang pisngi ko. Ngumisi nalang ako na parang batang kinikiliti.

Ilang minuto lang ay napatingin nanaman ako sa kalawakan. Binilang ko ulit ang mga bituin na kumikinang.

I-isa, D-dalawa, T-tatlo hanggang sa umabot sa Isang Daang Bituin. Ang dami na pala nila. Ang saya nilang bilangin habang kumikislap.

Pero sa pagbilang ko sa mga bituin ay may isang tao akong naaalala. Isang tao na iniwan ako mag-isa.

**

(Flashback)

"Dylan!" sigaw saakin ni Fiel, boyfriend ko.

Napalingon naman ako sakanya. Dala dala niya si Lucky. Inilatag niya din ang isang kumot at humiga. Magbibilang nanaman kami nang mga bituin.

"I-isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima.." pagbigkas niya.

Nakatitig ako sa mga bituin habang pinapakinggan ang malamig niyang boses.

Napapikit ako. Bigla nalang uminit ang pakiramdam ko. Yakap yakap na pala ako ni Fiel. Ang sarap sa pakiramdam!

"Walang iwanan ha?" bulong niya saakin.

Napangiti lang naman ako at niyakap siya pabalik.

"Oo, hinding hindi kita iiwan." sagot ko naman sakanya.

Sa pagyayakapan namin ay sumingit si Lucky sa gitna namin. Sumiksik siya na parang anak na namin. Sabay sabay kaming tumingala sa kalawakan at pinagmasdan ang mga kumikinang na bituin.

"Sana nga, sana ay hindi niya ako iwan." bulong ko sa sarili ko.

Pamaya maya ay may tumawag sakanya. Tumayo muna siya at pumunta sa malayo. Sinagot niya ang tawag na nagmumula sa telepono. Baka kaibigan lang niya. Sana nga.

Hindi naman siguro ako lolokohin ni Fiel. Apat na taon na kaming magkasama at alam kong hindi na kami kakalas pa.

Ilang minuto din siya na nasa malayo. Tuwang tuwa sila nang kausap niya. Pamaya-maya ay bumalik din sa kinahihigaan. Muling binilang ang mga bituin.

Nakakatuwang pagmasdan na kasama mo ang taong mahal mo. Na sa kabila nang malamig na gabi ay may masasandalan ka.

**

(Kasalukuyan)

Muli kong inaalala ang mga masasayang araw na kami ay magkasama. Sana ay maibalik pa. Sana nga.

**

(Flashback)

"Dylan, tara na?" pag-aya saakin ni Fiel.

"Anong oras palang mahal? Bakit ang bilis naman?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Tinawagan kasi ako ni mommy, emergency lang." sagot naman niya.

Hindi naman na ako naka-imik pa at niligpit ko na ang kumot na aming hinigaan. Binuhat ko na din si Lucky.

Pakiramdam ko, ay nanlalamig na si Fiel saakin. Hindi ko alam kung bakit!

"Hindi na kita mahahatid mahal, bawi nalang ako sayo bukas." sambit niya saakin.

Napatango lang naman ako sakanya. Buti nalang at kasama ko si Lucky. Buti nalang may kasama akong maglakad sa dilim.

"Ingat ka mahal! I love you!" marahang sabi niya saakin.

Niyakap ko naman siya nang mahigpit.

"Walang iwanan mahal." bulong ko sakanya.

Ngumiti lang siya saakin at naglakad na siya. Umalis na parang walang kasama. Bakit parang ayaw na saakin ni Fiel? May iba na kaya siya? Ays! Pero wag naman sana.

Naglakad kami ni Lucky sa madilim na daan. Buti nalang may aso ako na hindi ako iniiwanan.

Napabuntong-hininga nalang ako habang naglalakad kami. Sana naman ay walang bago si Fiel.

**

(Kasalukuyan)

Naaalala ko rin yung mga araw na binigyan mo ako nang sakit. Sakit na ayoko nang balikan pa.

***

(Flashback)

Habang nasa biyahe kami, gabi non. Nasa kotse niya kami non. Nakasakay kami at sinisilip ang mga bituin.

May nagtext sakanya, pilit pa niyang tinatago pero nakita ko na.

"Kita tayo sa apartment mamaya?"

Nabasa ko ang mga salitang yan. Pilit ko mang itago ay naitanong ko parin sakanya.

"Sino yan mahal?" tanong ko sakanya.

"Kaibigan ko lang to mahal." sagot naman niya.

Hindi ko na pinalala pa dahil ayokong mag-away kami sa daan.

**

(Kasalukuyan)

Naaalala ko rin yung mga gabi na hindi niya ako sinamahan magbilang nang mga bituin.

**

(Flashback)

"Mahal, nasan ka na?" text ko sakanya.

Hindi naman siya nagreply at naka-ilang text na ako sakanya pero wala paren. Nag-aalala na ako.

**

(Kasalukuyan)


Naalala ko rin ang araw na ayokong binabalikan. Ang araw na gugunaw sa mundo ko. Ayoko ayoko nang balikan pa.

**

(Flashback)

Dumating siya sa tagpuan namin. Umiiyak siya , nagtaka naman ako at tinanong kung bakit?

"P-patawad Mahal." nauutal na sabi niya.

Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko.

"N-nakabuntis ako." dagdag niya.

Napaluhod ako sa damuhan. Habang kumikinang ang mga bituin ay patuloy na tumutulo ang mga luha ko.

Ang mas masakit, kaibigan ko pa ang nabuntis niya.

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko nung gabing yon. Pero salamat narin, natauhan na din ako. Nagpakamartyr ako. Hindi ko inagapan yung pagloloko niya saakin.

Tumakbo ako pauwi nung gabing yon, yakap yakap ko si Lucky.

**

(Kasalukuyan)

Ngayon, tumutulo ang luha ko. Habang inaalala ang masasaya naming ala-ala. At ang masasakit na araw na minsan kong dinama.

S-salamat kay Fiel. Ngayon, mag iisang taon na yung anak nila. Kinuha din akong ninang nang asawa ni Fiel, yung kaibigan ko.

"Hindi man naging masaya ang pag-iibigan namin ni Fiel, ay napasaya naman niya ang kaibigan ko."

Wakas..

********
Vote and comment

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot (collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon