In Our Ferris Wheel Love Story"Sa bawat araw na ikaw ay kasama, tila ba mga bituin ay abot ko na."
Lagi kong sinusulat sa likod nang notebook ko ang mga salitang yan. Kelan kaya kita makikilala dream guy ko? Kelan kita makikita?
"Zyne!" sigaw saakin ni Sue.
Napalingon naman ako at hinila niya ang buhok ko. Napasigaw ako dahil sa sakit at higpit nang paghila niya sa buhok ko.
"Aray!" sigaw ko sakanya.
Tumawa lang siya na parang baliw.
"Oh? Bakit mo ba ako tinawag?" tanong ko kay Sue.
Napangiti siya, alam ko nanaman kung bakit niya ako tinawag. Aayain nanaman niya ko sa circus. Ays! Paulit ulit nalang, gabi gabi nalang inaaya ako nito.
"Okay!" sigaw ko.
Humagikgik lang siya at hinampas ako. Nakakainis man, syempre siya lang ang kaibigan ko.
Hinila niya ako papunta sa circus. Abot ngiti naman ang ngisi nya hanggang sa makarating na kami sa circus.
Katulad nang gabi-gabi naming ginagawa ay sumasakay kami sa mga rides.
Inaya ako ni Sue na sumakay sa Ferris Wheel, bibili na ako nang ticket, pero nung nakabili na ako, nawala siya sa likod ko.
Sayang naman kung hindi ako sasakay kaya sumakay na ako. Sumakay na ako, ako lang mag-isa at medyo kinakabahan ako, first time kong sumakay dito nang walang kasama.
Akma na sana akong sasakay, pero may humawak sa braso ko.
"Miss, tabi na tayo."
Napalingon ako. Hindi naman na ako makaka-angal dahil nakasakay na siya. Ngumiti lang ako sa kanya.
Nagsimula nang umandar ang ferris wheel, hindi ako kumikibo, hindi din ako umiimik. Bakit ko ba siya pinasakay? Baka may gawin siya saking hindi maganda.
"Miss, Nielree nga pala." sabay abot nang kamay niya.
Hindi ko siya pinansin.
"Miss." paulit ulit na tanong niya.
Hindi ko namalayan, nakahinto na pala kami sa tuktok nang ferris wheel. Biglang kumabog ang dibdib ko. Napapikit ako.
Pagdilat ko, nakatitig sa akin yung lalaki. Nagulat ako at agad na napabaling nang tingin sa kanya.
"Yung makina!" sigaw nang lalaki na nasa baba.
Doon na nagsimulang kumabog ang dibdib ko.
"Miss, na-stranded tayo." bulong saakin nung lalaki.
Nanggigilid na ang luha ko, nang bigla niya akong niyakap. Nanlaki ang mga mata ko. Pinipilit kong kumalas sa yakap niya, pero lalo niya pang hinihigpitan.
Ilang minuto din ang tinagal nang yakap niya.
"Bastos!" sigaw ko sakanya.
Ngumisi lang siya na parang bata. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.
"Huwag kang matakot." dagdag pa niya.
Nawala ang takot ko, pero nandon pa din yung bagot na baka mahulog kami.
"Ilang oras pa ba!?" sigaw ko.
Napatawa naman siya.
"Mukhang matatagalan pa." dagdag niya.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Natatakot ako.
Humagikgik siya. Nainis naman ako.
"Joke lang, miss!" sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
One shot (collections)
Fiksi RemajaSalamat po sa mga nag babasa nito sa mga hindi pa basahin niyo po siguradong mag eenjoy kayo Lovelots By:Sammyprettygirl