Mama I love u (One Shot)

993 11 0
                                    

Mama, I Love You
-One shot

Mama,

Alam niyo po ba masaya ako nang maipanganak ako mas lalo na at kayo po ang naging magulang ko.

Naalala niyo po ba dati ang unang taon ko sa mundo, ang saya ng birthday ko.

My mga balloon, clowns, at ang sarap ng cake, madami pa nga tayong bisita.

Naging masaya tayo mas lalo na nung limang taon na po ako, kasi magkakaroon na ako ng kapatid.

Lagi tayo naglalaro kasama ang kapatid ko na nasa tiyan mo pa lang, lagi po tayo nagtatawanan.

Pero dumating iyong araw na kailangan mo pong mag bed rest sabi ng doctor, naging malungkot tayo mas lalo na at hindi na tayo pwede maglaro kasama ang kapatid ko.

Niyayaya po kita pero ayaw niyo, umiiyak na po ako, pero pinagalitan mo po ako.

Tumayo ka para aluhin ako pero tumakbo ako, akala ko susundan mo ako pero hindi, bumalik ako sa kwarto pero nakita ko madaming dugo, nakaupo ka sa sahig habang umiiyak at nagsisigaw.

Pagkatapos ng araw na iyon hindi mo na ako pinapansin, lagi ka na po galit sakin, lagi niyo na po ako sinasaktan pero mahal parin po kita mama.

Sorry po mama, hindi ko po sinasadya. Mahal ko po kayo ng kapatid ko.

Lagi ako kinakausap ni Papa na sana lagi kitang intindihin dahil lang daw po iyan sa sakit na depression, at ginagawa ko po, kaya sa tuwing sinasaktan mo ako, pinapalo, tinatadyakan, tinatanggap ko lang po iyon.

kung iyon lang po paraan para mawala galit mo sakin at gumaling ka sa sakit na depression, mama lahat po kakayanin ko.

Pero Mas lalo ka pang nagalit sakin nung malaman mong hindi ka na po pwede magkaanak, kung noon meron pang araw na nakakapagpahinga ang aking murang katawan sa pananakit niyo pero ngayon, araw araw mo na po ako sinasaktan.

Araw araw po ako humihingi ng tawad pero naging bingi na po kayo, mas lumala po ba ang sakit ninyo?. Araw araw pinagdadasal ko na sana mapatawad niyo na po ako at gumaling na po kayo sa sakit niyo.

Mama, kahit ganito nangyari, mahal na mahal ko parin kayo, ikaw, si Papa at ang kapatid ko.

Humihingi ako ng tawad dahil sakin nag away kayo ni papa, narinig kong sabi niya na hindi lang po ang kapatid ko ang anak niyo, na andito pa ako, hindi ka umimik, akala ko magiging maayos na ang lahat, pero hindi po, mas lalo ka lang po nagalit pag nakikita niyo ako mas kumukulo ang dugo niyo, kaya sana mapatawad niyo po ako.

Ngayon mama, sana masaya ka na, ang batang kinaiinisan mo ay wala na.

Ngayon mas maibubulong ko na sa Panginoon na sana gumaling ka na, na sana sumaya ka na.

Mama, I Love You,

Hindi ko po pinagsisisihan ang pagtulak ko sainyo para po hindi kayo masagasaan sa malaking truck na pilit niyo pong pinipigilan.

Masaya ako dahil bago po ako mawalan ng malay, ako po ay iyong niyakap, umiiyak at humihingi ng tawad.

Mama, I Love you.

Alam ko pong mahal niyo din po ako. Sorry, mama, sana maging ok na po kayo ni Papa.

Salamat sa lahat Mama, hanggang sa huli po.

Mama, I Love you.

. . . End . . .

**********"

Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang" isip" lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.

NO TO COPY

Like and Comment is always welcome.

One shot (collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon