Umalis ng walang paalam ( One shot)

246 5 0
                                    


Title: Umalis nang Walang Paalam

Tumulo ang mga luha sa aking mata, nang malamang wala ka na. Hindi ka manlang nagpaalam.

Binuksan ko ang wallet ko at muling tinignan ang litrato. Litrato mo noong mga panahong ikaw ay nasa tabi ko.

At sa litratong iyon, bumalik ang lahat nang masasayang ala-ala at ang lahat nang pinagsamahan noong tayo ay magkapiling pa.

"Hi." chat mo saakin.

Sineen lang naman kita sa pag-aakalang chicboy ka. Kinulit, paulit ulit. Hanggang sa magreply na din.

"Hello." reply ko.

At nagsimula ang lahat. Araw-araw nang nag-uusap. Unti unting nakilala ang tunay na pagkatao nang isa't isa. Sa tawa, at sa lahat nang emosyon na nadama. Sa problema, tiyak na malalapitan ka. Hanggang sa umabot nang isang buwan. Isang buwan na walang hinto, walang hinto ang pag-uusap nating dalawa.

Dumaan na ang tag-ulan. Hindi parin nahihinto ang pag-uusap nating dalawa. Walang araw na hindi kausap ka.

Hanggang isang araw. Nalaman ko na unti unti na pala akong nahuhulog sa iyo. Nahihiya, nahihiya na baka kapag umamin ay masaktan lang. Baka kasi kaibigan lang talaga ang tingin sa akin at baka ikaw ay may natitipuhan.

Pero isang minsan, inaya mo akong manood nang sine. Sa una ay nagdalawang isip pa. Baka kasi maturn-off ka. First time pa naman nating magkikita kung sakaling sasama nga.

At oo, ang unang pagkikita, sa una ay kaba pero napalitan din nang saya. O kay sarap mong kasama, hindi ka lang pala gwapo, mahilig ka din palang magbiro. Natatawa ako sa mga corny jokes mo.

Hanggang sa maulit nanaman. Hindi parin nawawala ang saya kapag kasama ka. Tingin na nga nang iba, tayo ay magkasintahan na. Natatawa naman ang isa't isa kapag may nagsasabi.

Lumipas ang ilang buwan, sinubukan kong umamin, subalit sa aking pag-amin ay napalitan nang sakit. Aamin na sana ngunit nang makita kang may kayakap puso'y napunit.
Pero nang magkita tayo, sinabi mo na kapatid mo pala ang kayakap mo. Natawa, humalakhak. Sa wakas, may pag-asa pa. Oras na siguro para umamin, umamin sa tunay na nararamdaman para sayo.

"Gusto kita, okay lang ba?" mahinahong tanong sayo.

Napangiti ka lang naman at niyakap ako, sabay bulong nang "Gusto din kita."

Pareho lang pala tayo nang nadarama? Ang saya, abot langit ang ligaya. At oo, agad namang naging tayo. Ang turing sa isa't isa ay hindi parin nagbabago.

Lumipas ang isang taon, dumating ang masakit na balita. Nagkasakit ako. Cancer, Lung Cancer Stage 3. Umiyak, nanlata, wala na akong magawa kung hindi umiyak. Pero nandyan ka para pakalmahin at yakapin ako. At sa yakap mo, gumagaan ang pakiramdam ko.

Ikaw ang iniisip sa bawat chemo therapy. At sa bawat therapy ay nagiging succesful kapag ikaw ang iniisip.

Araw-araw mo akong niyayakap. Pinapakalma.
At sa first anniversary natin, nagdala nang mga lobo at iba't ibang regalo. Ang saya, nawala nang panandalian ang sakit na iniinda.

Isang buwan, unti unting nanghina ang aking katawan, nanlata, hanggang sa mawalan nang malay.

"Huwag kang susuko, Love" huling salita na narinig ko.

--

At sa muling pagdilat nang mga mata ko, nakatingin ka sa akin. Salamat, muli ko nanamang nasilayan ang mundo.

Isang linggo ang lumipas, dumating ang magandang balita.

"Magaling ka na."

Sobrang saya. Abot langit ang pagtawa. Salamat. Salamat sa pangalawang buhay na binigay.

Nagsimula tayo nang panibagong ala-ala. Masasaya, walang lungkot. Puro tawa at ligaya.

Pero isang minsan, bigla ka nalang nawala nang walang paalam. Umalis ka nang hindi nagpapaalam. Hindi alam kung saan ka nagtungo. Saang lupalop ka hahanapin?

Hinanap, pero walang napala. Halos mabaliw dahil sa hindi mo pagpaparamdam. Nasaan na nga ba ang pinakamamahal ko?

Isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan, tatlong buwan na walang paramdam. Nagtataka kung bakit wala paring paramdam? Naiyak, halos mabaliw. Sana naman ay magparamdam.

Hanggang ngayong kasalukuyan, nalaman kong wala ka na. Umalis ka nang walang paalam, hindi mo ako sinabihan. May sakit ka pala? Bakit hindi mo sinabi? Hindi ko manlang nasabi sayo kung gaano kita kamahal.

"Mahal na mahal kita. Sana marinig mo. Ikaw ang buhay ko." bulong ko sa sarili ko. Patuloy ang pagpatak nang mga luha.

Hindi din kita napuntahan sa burol mo, dahil ayaw mo daw ipabalita saakin na may sakit ka. At ngayon, sa harap nang iyong lapida. Nakatitig sa pangalan mo. "Luke Levanster" Love, sorry sa lahat. Alam kong magkikita din tayo, mahal na mahal na mahal kita!

Araw-araw na dinadalhan nang bulaklak. Kinakantahan at kinukuwentuhan. At sa iyong paglisan, ay unti unting natanggap, na hindi lahat nang nandyan ay laging nandyan, aalis din at iiwanan ka.

***********
Vote and comment

One shot (collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon