Tulog na mahal ( One shot)

267 2 0
                                    


Tulog na, Mahal (One Shot)

Nung oras na bigla nalang nagvibrate ang phone ko. Agad ko namang binuksan. Nung oras na yon, sobrang saya ko. Nagreply ka din. Halos isang buwan kitang kinulit. Abot-tainga ang pagngiti ko nang mga oras na yon, Mahal.

"Hello." reply mo saakin.

Agad naman akong nagreply.

"Kamusta? Salamat sa pagreply ha?"

At nagtuloy-tuloy naman na ang usapan natin, mahal. Ang saya pala talaga kapag napansin ka nang matagal mo nang gusto.

Gabi-gabi tayong nag-uusap, mahal. Minsan nga inaabot pa tayo nang madaling araw. Pero wala satin yung pagpupuyat, kasi nga nagiging close na tayo sa isa't isa.

Hanggang sa naging malapit na nga tayo sa isa't isa, mahal. Tapos naaalala mo pa ba yung inaya kita na manood nang sine, mahal? Sobrang saya ko non kasi pumayag ka.

Ayaw mo pa nga nung movie na gusto ko, mahal. Kasi ang gusto mo yung Finding Nemo na movie. Pumayag naman ako, kasi gusto ko ikaw yung lagi kang nakangiti, mahal.

Hanggang sa dumating na din yung oras na umamin ako sayo, mahal. Umamin ako na gusto kita. Kinabahan pa ako nung oras na yon mahal. Baka kasi layuan mo na ako. Pero nagkamali ako, sinabi mo din saakin mahal, na gusto mo na rin ako.

Niyakap kita non mahal. Napakasarap sa pakiramdam na yung dating babae na tinititigan ko lang, may gusto din pala sakin.

Isang linggo lang pagkatapos non mahal. Pinapunta kita sa park, tinalian ko pa yung mata mo non mahal. Tapos nung nakarating ka na. Inalis mo na yung panyo na nakatali sa mata mo. Ramdam ko yung saya mo non mahal.

Kasama ko ang mga kaibigan ko, at may dala dala silang tarpaulin na may nakasulat na "Will you be my girlfriend?"

And your answer is Yes! Napatalon ako sa tuwa non mahal. Then, niyakap kita nang sobrang higpit non mahal.

At isang buwan pagkatapos non, dumating satin yung balita na dun ako mag-aaral sa Canada nang one year, mahal. Umiyak ka non sa harap ko mahal.

Pinilit ko man sila mommy na dito nalang ako mag-aral pero ayaw nila. Kaya wala na akong nagawa mahal.

At dumating na nga yung araw na aalis na ako. Hinatid mo ako sa airport non mahal. Tapos, niyakap mo ako nang sobrang higpit. Bigla nalang tumulo ang luha ko non mahal.

Iniwan kita non mahal. Sobrang sakit saakin non mahal.

Hanggang sa nakarating na nga ako sa Canada mahal. Ang hirap din pala nang ldr mahal. Sana kasama nalang kita non mahal.

Chinat kita non mahal.

"Umaga dito, mahal. Gabi na dyan ha? Tulog ka na, mahal." chat ko sayo.

Nagreply ka naman agad.

"Opo, mahal. Tutulog na po ako. Miss na kita mahal!"

Tumulo naman yung luha ko nung nabasa ko yung reply mo. Miss na miss na din kita non mahal. Gustong gusto kitang mayakap nung mga oras na yon.

At paulit ulit kong sinasabi yon sayo mahal. Na kapag umaga don sa Canada, at dito ay gabi. Lagi kong chinachat sayo na "Tulog na, Mahal" ayoko kasi nang nagpupuyat ka mahal. Baka magkasakit ka.

At dumating na yung balita na uuwi na din ako mahal, sobrang saya ko non mahal. Dahil sa wakas, makikita na ulit kita.

Isang linggo lang ang nakalipas mahal. Uuwi na din ako. Masusulyapan na ulit kita mahal. Abot tainga yung ngiti ko non mahal. Ang saya.

At yung araw na nakarating na ako sa pilipinas mahal. Sinalubong mo ako mahal hawak hawak pa yung banner na may nakasulat na "Welcome Back Mahal!"

Sa sobrang saya ko non mahal. Bigla nalang tumulo yung luha ko. Sinunggaban kita nang yakap non mahal. Namiss kita eh.

Tapos inaya moko non sa condo mo mahal. Nagulat ako nang pagbukas ko nang pinto, nandoon yung mga pictures naten together mahal. Nakasabit at puro bulaklak.

Niyakap kita nang mahigpit non mahal. Super swerte ko kasi ikaw yung kasama ko. Salamat mahal.

Simula nung araw na yon, nagpatuloy na lalo ang love story natin mahal. One time pa nga mahal nung nagdate tayo sa gilid nang dagat. Humiga tayo sa buhangin at pinanood ang mga kumikinang na bituin.

Tapos, sinandalan mo yung braso ko non mahal. At may sinabi ka saakin. "If I die in my sleep tonight mahal, I'll never forget you."

Nagulat ako sa sinabi mo mahal. At agad ko namang sinagot yung sinabi mo mahal.

"Mahal, bakit mo naman nasabi yan?"

"Wala lang." sagot mo naman mahal.

Halos hatinggabi na pero gising ka pa mahal. Nagising ako nang maliwanag pa ang buwan at naaninag kita non mahal. Gising ka pa. Agad ko namang sinabi sayo na "Tulog na, Mahal." at niyakap kita nang sobrang higpit.

Ngumiti ka lang mahal, at hinalikan mo ako. Pagkatapos non, unti unti nang napikit ang mga mata ko.

Kinaumagahan, kinabukasan non mahal. Naaninag ko yung araw. Kinakalabit kita non mahal, pero ayaw mong sumagot. Niyakap kita nang sobrang higpit non mahal, pero ayaw mo paring magising.

Hanggang sa napansin ko na namumutla ang labi mo at parang hindi ka na humihinga mahal. Doon na nagumpisang tumulo ang luha ko mahal.

Pinilit man kitang dalhin sa ospital mahal. Pero wala na. Halos gumuho ang mundo ko nung nalaman ko na wala ka na mahal. Ang sakit sakit mahal.

At ngayon, nakatitig ako sa nakahimlay mong katawan mahal. At tinititigan ang maganda mong mukha. Mahal na mahal kita mahal. Pasensya na kung di kita agad nadala sa ospital. Mahal na mahal kita. At ngayon. Pwede ka nang matulog mahal. Katulad nang pangako mo saakin bago ka mawala. Hinding hindi mo ako makakalimutan ha? Salamat sa kaonting panahon na napasaya mo ako. I love you mahal! Hanggang sa muli.

Wakas..

***********
Vote and comment

One shot (collections)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon