IRENE's POV
"Irene naman, kiss lang hindi mo pa ako pagbigyan." Maktol niya sakin habang nakaupo sa kama namin.
"Tigilan mo nga ako, Kim Taehyung!" Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagpahid ng lotion sa legs ko.
"Palagay mo ba madali para sakin 'to?!" Napairap na naman ako, ayan na naman siya sa mga drama niya.
"Nagbibihis ka sa harap ko at alam mong lalaki ako at may saging ako sa baba.. Kiss na nga lang hinihingi ko eh!" Napatigil ako sa pagpahid ng lotion sa paa ko at tinignan siya. Nakasimangot siya at nakatingin ng masama sakin.
Tuwalya lang ang tanging takip ng katawan ko ngayon, at hindi na bago sakin yon. Isang taon na kaming mag-asawa at isang taon na din siyang tigang para sakin pero wala akong pake.
Mag-asawa lang kami sa papel at ilang taon na lang ang titiisin ko ay maghi-hiwalay na din kami. Iyon ang napag-usapan namin nang pumayag kami sa plano ng magulang namin.
Tumayo ako mula sa pagkaupo at nilapitan siya kaya napangisi siya. Alam niyang hindi ko siya matiis eh. Bumaba ako para maabot ang labi niya.
Nang hihiwalay na sana ako ay hinawakan niya ang batok ko para pigilan ako at lalong diniinan ang halik. Nag-init ang buong katawan ko sa ginawa niya kaya sinabayan ko ang mapupusok niyang halik.
"Tae.. Male-late na tayo." Sabi ko sa pagitan ng halik namin.
"Okay.." Aniya at nilayo na ang sarili niya sakin. Nagbihis na din ako pagkatapos at naligo na din siya.
Parehas kaming may pasok ngayon. Sabay kaming papasok dahil wala namang problema samin iyon. Alam ng lahat na may relasyon kami. Which is fake. We never confirmed it though, pero iyon ang palagay nila. Kaya hinayaan nalang namin at nag go with the flow nalang.
Pagkatapis kong magbihis ay bumaba na ako at naluto ng breakfast namin, saktong pagkatapos ko ay ang pagbaba niya. Ang magulo niyang buhok kanina ay maayos na, mula sa kinatatayuan ko ay naamoy ko din ang pabango niya.
Walang salita ay kumain na kami. Hindi ko siya pinaghain ng pagkain niya o juice, hindi ako maid niya no! Tsaka may kamay at paa naman siya.
"Nakausap mo na si Prof?" Tanong niya sakin. Uminom ako ng tubig at umiling lang sa tanong niya.
Bagsak ako sa isang subject sa isang prof ko, graduating na kami pero ngayon pa ako nag-fail sa subject niya. Paano ba naman kasi, ang bilis niya magturo hindi ako maka-catch up sa mga lessons niya.
"Ako nalang kakausap?" Aniya habang nakatingin sakin. Tapos na siyang kumain at hinihintay nalang ako.
"Huwag na, ako nalang." Sagot ko na nagpa-tango nalang sakanya.
Pagkatapos kong kumain ay iniwan nalang namin sa sink ang pinag-kainan namin at umalis na.
"Malapit na pala yung College Ball.." Aniya habang nagd-drive, napabaling ako sakanya mula sa cellphone ko.
"Oo nga, ilang weeks nalang ba?" Tanong ko at tinignan agad ang calendar sa cellphone.
"Hm! Three weeks nalang pala!" Gulat kong sabi at napalo ko pa siya sa braso.
"We still have almost a month, Rene, calm down." Sabi niya sakin at humalakhak.
Inirapan ko siya, hindi niya naiintindihan. Magpapa-design pa kami ng susuotin namin at syempre, hindi naman basta basta make up lang ang kailangan ko don. I need to prepare my body too, gusto ko ay litaw ang shape ko sa gown na ipapa-design ko at gusto ko sanag backless iyon.
"We're here." Aniya kaya napabalik ako sa katinuan. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Sinuot ko ang bag ko at hinawakan ang kamay niya bago maglakad patungo sa gate ng school.
"Good morning, love birds!" Bati samin ni Seokjin nang makarating kami sa tambayan namin.
"Good morning!" Nginitian ko siya at tumabi na kay Wella na kasalukuyang nakikipag-away na naman sa jowa niyang si Yoongi.
"NAKAKAINIS KA NA HA!" Sigaw niya pa at hinampas ang braso ni Yoongi. Tinignan lang siya nito kaya mas lalong nainis si Wella.
"Tangina mo, sawang-sawa na ako sayo. Break na tayo!" Nagulat kaming lahat sa sigaw niya at sa biglang niyang pag-alis.
Kapag naga-away sila ay hindi naman siya umaabot sa punto na makikipag-hiwalay na siya dahil alam naming lahat na mahal na mahal niya si Yoongi. Tumingin kaming lahat kay Yoongi na napa-iling at bigla ding umalis, sa kabilang direksyon kung saan pumunta si Wella.
Ano na naman ba ang problema nila? Kakausapin ko nalang mamaya si Wella.
Napa-angat ang tingin ko kay Taehyung na naka-pamulsa at nakatingin ng mataman sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
"Ano bang nangyari?" Rinig kong tanong ni Jass kay Seokjin.
"Nahuling may babae ang tarantado." Sagot niya. Napailing ako at binatukan sa isip ko si Yoongi.
Napaka-babaero talaga. Ginawa niya din iyon noon pero pinatawad din siya ni Wella dahil sabi ni Yoongi ay wala lang daw ito. Tanga si Wella eh, syempre naniwala ang gaga. Wala eh, mahal niya.
Napaisip tuloy ako. Bumalik ang tingin ko kay Taehyung na nakikipag-tawanan na kay Jungkook.
Paano kung siya ang mam-babae? Paano kung siya naman ang may ibang nila-landi?
Hindi malabo dahil gwapo siya at maraming nagka-kandarapa sakanya. Maraming naghahabol at maraming luma-landi.
Bumaling ang tingin niya sakin at kinindatan ako. Ngumisi pa siya bago bumaling ulit kay Jungkook.
Malabo. Hindi naman siya yung tipong manloloko. Hindi naman siya yung tipong lalaki na bibigay agad sa simpleng landi. Hindi niya naman siguro ako iiwan.
May respeto naman siguro siya sakin diba? Hindi naman siguro niya ako bi-biguin. Hindi naman siguro niya ako ipagpa-palit.
"Tae.." Mahinang tawag ko sakanya at agad siyang humarap at umupo sa harap ko. Nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang tuhod ko at nginisian ako.
"Yes, Irene ko?" Tinitigan ko siya. Hindi naman siguro, diba?
"Huwag kang mamba-babae ha?" Seryosong sambit ko. Napangisi siya sakin at kinurot ang ilong ko.
"Ikaw lang naman ang babae ko." Napangiti ako sa sagot niya.
Mabuti at nagkaka-intindihan tayo, kung hindi ay ako mismo ang pu-putol sa ari mo.

BINABASA MO ANG
Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)
Romance"Irene koooooo, goodbye kiss ko?" "Tigilan mo ko, Kim Taehyung." Date started: May 31, 2018 Date ended: --