Sorry late huehue, magu-update ako ulit bukas hehe babawi ako.
IRENE's POV
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Never a game? Punyeta eh anong ginawa niya?! Anong tawag niya sa paga-alok ng ibang date para sa ball?!
"Lie." Sambit ko at nagcross arms.
"I'm not lying! Ganyan ka naman eh! Lagi namang ganyan ang iniisip mo sakin." Umiwas siya ng tingin sakin.
"It's because that's what you show me!" Sigaw ko. Napahilamos siya ng mukha at bumaling sakin.
"Tinutukoy mo ba yung ginawa ko kay Sujeong?" Mahinang tanong niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.
"Ano?" Tanong niya ulit at humakbang papalapit sa akin.
"I don't know what you're talking about." Pagsisinungaling ko.
I hate to admit this but yes, I am jealous. I was hurt. Pakiramdam ko ay natapakan ang ego ko dahil sa ginawa niya.
"Oh come on! Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Tell me, are you jealous?" Humakbang ulit siya at napaatras na ako.
Nagpatuloy iyon hangga sa maramdaman ko nalang ang pader sa likuran ko. Ngumisi siya nang makitang wala na akong ma-atrasan.
"What now, Irene?" He smirked.
Hindi ko kinaya ang lalit ng mukha niya kaya tinulak ko siya. Huminga ako ng malalim at nilunok muna ang pagkahiya ko.
"Fuck yes, I am jealous. So what?"
Medyo nanlaki ang mata niya sa sinabi ko, napaiwas ako ng tingin at nag cross arms.
I JUST ADMITTED THAT I AM JEALOUS! THIS IS EMBARRASING!
"I'm sorry.." Napabaling agad ang tingin ko sakanya at nakita ko siyang nakayuko.
"H-hindi ko naman intensyon na pa-pagselosin ka. Nainis lang ako, sorry." Tumingin siya sakin at ngumuso pagkatapis ay hinawakan ang braso ko na parang bata.
"Irene ko sorry naaa," Yinugyog niya ng bahagya ang braso ko. Nalaglag ang panga ko.
"Babawiin ko na yung kay Sujeong, huwag kana magalit, hmm?" Aniya.
Yinakap niya ang braso ko habang yinuyugyog ako. What the hell. Parang bata!
"Pero bawiin mo din yung kay Sehun.." Aniya at bahagyang nakanguso.
Napataas ang kilay ko. I am not that kind of person. Kapag tinanggap ko na ay hindi ko na pwedeng ibalik pa. That would be rude.
"No, ayoko." Sagot ko. Bigla siyang napabitaw sakin at tinignan ako ng masama.
"Irene naman! Eh sinong ka-date ko sa ball?" Inis na sambit niya.
"Edi huwag mong bawiin yung kay Sujeong.." Kahit labag sa kalooban ko ay hahayaan ko nalang muna siya dahil wala naman akong choice. Ayokong magmukhang masama dito.
"But let me remind you, know your limits. Alam mo ang mga ayaw ko, Taehyung." Niliitan ko siya ng mata at wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango nalang.
"Okay.. Pero sayo ako tatabi sa table." Aniya kaya tumango nalang din ako.
Sakin at sakin naman talaga siya tatabi eh. Kahit umayaw ako ay sakin padin siya tatabi, sakin padin ang bagsak niya.
"I missed you." Natulala ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit naluha ang mga mata ko.
I probably missed him too. Ang kakulitan niya, ang ka-abnormalan niya, ang pagiging engot niya at siya. Buong siya. I missed him, a lot.
Pero hindi ko sinabi iyon sakanya. Nanahimik lang ako at lumunok dahil may bumara sa lalamunan ko. Marahan kong ipinikit ang mata ko at yumuko.
"Bumaba na tayo." Tumalikod ako sakanya ay mabilis na lumabas ng kwarto. Napahinga ako ng malalim at naglakad na pababa ng hagdan. Rinig ko na din ang pagsunod niya sa likod ko.
Sa huli ay inuman nalang talaga ang naganap nang bumaba kami ni Taehyung.
"Hoy wag kang masyadong iinom." Paalala ko sakanya nang makaupo kami. Nagkakatuwaan na sila pagbaba namin kaya palagay ko ay napagusapan na rin nila ang nangyari kanina.
I'm glad we're all matured about this, hindi na pinaga-awayan pa ng matagal o ginagawang issue.
"Bakit?" Tanong niya at uminom mula sa bote ng San Mig na inabot sakanya ni Jimin.
"Ayokong mag-alaga ng lasing, Taehyung." Sabi ko at sumubo sa pulutan namin.
"Ayaw mag-alaga ng lasing o ayaw malandi ng lasing?" Pang-asar ni Wella kaya pinalo ko ang hita niya.
"Why? Haven't you done it already?" Tanong naman ni Namjoon.
Napa-angat agad ang tingin ko sakanya at nag-init ang pisngi ko. Bakit ba kailangan niya pang itanong iyon?!
"Nope, never done it." Balewalang sagot ni Taehyung.
"Buti natiis mo?" Tumawa si Jimin kaya nakakuha siya ng batok mula kay Taehyung.
"Gago! Ayokong matulog sa labas ng kwarto!" Aniya at tumawa pa.
Napairap ako sa kalokohan nila, mga berde talaga ang utak ng tatlong ito. Sa kanilang pito ay sila ang nage-excel pagdating sa kalaswaan, minsan ay kasama si Yoongi pero madalas ay silang tatlo lang talaga.
"Bakit Irene? Ayaw mo ba sa ano ni Taehyung?" Tanong ni Yvonne at tumawa ng malakas.
"Oo nga naman! Choosy ka pa ba sa katawan nitong alien na 'to?!" Tawa ni Jimin.
Napailing nalang ako sa kabaliwan nila at nilagok ang alak sa harap ko.
"I don't want to rush her, pero hindi ako magsisinungaling. I want her everyday."
Halos maibuga ko ang alak sa bibig ko dahil sa sinabi niya. What the hell, Kim Taehyung!
BINABASA MO ANG
Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)
Romance"Irene koooooo, goodbye kiss ko?" "Tigilan mo ko, Kim Taehyung." Date started: May 31, 2018 Date ended: --