IRENE's POV
Isang malakas na lagapak ng sampal ang umalingawngaw sa buong kwarto. Napabaling ang mukha niya sa kaliwa at namakas ang kamay ko sa kanyang pisngi.
Hindi na nila ako napigilan nang sugurin ko siya. Kung pigilan man nila ako ay hindi rin ako magpapapigil.
Nagsi-unahan ang tulo ng luha ko. Nanginginig na din ang kamay ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Hindi ko inakalang magiging ganito siya. Hindi ko inakalang manloloko siya. Ramdam ko ang sakit na mararamdaman ni Samantha kung sakali mang siya ang masa pwesto ko ngayon. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at ang masakit na pagpintig nito.
"H-how could you?" Yan ang tanging lumabas sa bibig ko habang tinitignan siya at ang babaeng kayapos niya kanina na nakahiga parin ngayon sa kama at gulat na gulat.
"M-magpapaliwanag ako.." Aniya at tumingin sa akin at sa mga taong nasa likod ko.
"NAPAKA WALANG HIYA MO!" Sumigaw na ako at tinulak siya sa kanyang dibdib.
"You know what? Huwag ka ng magpakita samin. At huwag na huwag mo ng lalapitan pa si Samantha. Hindi niya kailangan ang manlolokong katulad mo! Hindi namin kailangan ng traydor na tulad mo!"
Tumalikod ako at umalis sa kwartong iyon. I need to go to.Samantha.
Mabilis na bumaba ako sa building na iyon at nagpara ng taxi. Sinabi ko sa driver ang address at agad niya iyong tinanguan.
"Oh! Miss mo ako agad?" Tumawa siya. Nagsi-unahan agad ang mga luha ko.
I've been with her since I was born. I've been her bestfriend since we were still at our mother's womb. Ako ang laging tagapag tanggol niya noon, ako lagi ang sumasagip sakanya sa kapahamakan. Ako ang tumutulong sakanyan noon, pero bakit parang nabigo ko siya ngayon?
Bakit hindi ko siya nagawang protektahan sa lalaking iyon? Bakit hindi ko siya nasagip?
Mukhang alam niya kung ano ang pinunta ko dito. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata bago ako hinila papasok sa bahay nila.
Dito siya tumuloy dahil alam ko ang gusto niyang gawin. Gusto niyang magtago, sa amin, kay Jimin. Hindi siya yung taong nagpapakita ng kahinaan, malakas siyang tao sa panlabas na anyo pero sa loob? Nah, she's very, very fragile.
"Matagal ko ng alam.." Panimula niya at nanlaki ang mata ko.
Gusto ko ng sumabat at sermunan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko munang makinig sakanya.
"Nahuli ko na sila noon, sa mall. That was two months ago, sinundan ko sila hangga sa iuwi niya iyong babae sa condo niya." Humikbi siya at kumirot ang dibdib ko.
"Pangalawang beses ko silang nakita sa school. Irene, the girl was the school's best cheerleader. The most beautiful, the most popular girl in our school. Anong laban ko don?" Lumakas lalo ang kanyang iyak. Nilapitan ko siya kaagad at niyakap.
"Don't say that. Huwag mong ikumpara ang sarili mo sakanya. She's beneath you, Sam. Sa ginawa niya palang ay nasa ilalim mo na siya. You're beautiful, inside and out while she's just beautiful outside. She's probably popular just because of her money. So, please stop comparing youself to her, okay?" Tumango-tango siya sa balikat ko habang umiiyak padin.
Wala na akong ibang nagawa pa kung hindi tapikin ang likod niya. She needs to know that I'm still here, that I'm just here whenever she has a problem. Na nandito lang ako sa tabi niya kahit anong mangyari.
The next day was quiet. Ang group chat namin na madalas ay maingay kahit alas siyete ng umaga ay tahimik din. And since I am still mad of Jimin, I removed him from the group. Seryoso ako nang sabihin kong hindi namin siya kailangan. He's a total asshole.
"Irene ko, ang tahimik mo naman." Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ito.
"Lagi naman akong tahimik ah?" Sagot ko sakanya at pinanonood ang kamay niya sa kamay ko.
"Hmm, hindi din." Pinanood ko kung paano niya iangat ang kamay ko papunta sa labi niya.
Hinalikan niya ito at nilagay ito sa pisngi niya. Ngumuso siya at tumingin sakin.
"Irene ko, I need lambing.." Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang pag ngiti.
"Oh, anong gusto mong gawin ko?" Tinaas ko ang kilay ko sakanya.
"Gusto ko lambingin mo ako." Ngumuso siya lalo at umusog papalapit sa akin.
"Ewan ko sayo, Taehyung." Tunayo ako at akmang aalis doon nang hilain niya ulit ang kamay ko.
Nanlaki ang mata ko nang nalaglag ako sa mismong ibabaw niya dahil sa biglaan niyang paghila.
"Taehyung!" Pinalo ko ang dibdib niya dahil sa nerbyos na naramdaman.
Tumawa siya at niyakap ako. Kita ko ang ngiti niya na parang bata habang niyayakap ako. Ngumuso ako at hindi na nakatiis ay napangiti din ako. He's too adorable.
"You always smell so good,"
Naestatwa ako sa sinabi niya. He usually tells me this pero iba ang pakiramdam ng ngayon. Ang boses niyang malalim at lalaking-lalaki ay parang kidlat na tumama sa akin.
"Y-you smell good too.." Utal kong sagot.
Rinig ko ang kanyang mahinang paghalakhak kaya naginit ang buong mukha ko dahil don.
Hindi na kami nagsalita pa at nanatili sa ganong posisyon. It was soothing and comforting. Ang sarap sa pakiramdam, ang sarap niyang yakapin. Lalo na at hindi tigasin ang kanyang katawan, kaya malambot kapag yayakapin ko siya.
Now I wonder, may iba na bang nakayakap sakanya ng ganito? May iba na bang babaeng nakagawak sa kanya ng ganit katagal at kahigpit? May iba na bang babaeng nahalikan siya?
Dumaan sa isip ko ang nangyari kina Jimin at Sam. Nagsimulang mamuo ang pangamba sa dibdib ko. Hindi ko yata kakayanin yung sakit.
I am mean to him all the time, I admit. Pero sa loob looban ko ay takot din akong maiwan niya. Takot din akong ipagpalit niya at lokohin. Kahit hindi ko siya mahal ay naging parte na din siya ng buhay ko. Importante siya sa buhay ko.
"Tae.." Tawag ko sakanya. Narinig ko ang 'hmm' niya.
Huminga ako ng malalim at sinabi ang pangamba ko.
"Hindi mo naman ako lolokohin diba?"
Hindi ko inangat ang tingin ko sakanya pero ramdam ko ang titig niya sa akin.
"I would never, Irene." Akala ko ay tapos na siyang magsalita ngunit dinagdagan niya pa ito na nagpakabog ng dibdib ko.
"I am hella crazy for you, Irene. Palagay mo ba ay maipagpapalit pa kita kung baliw na baliw na ako sayo?"
BINABASA MO ANG
Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)
Romance"Irene koooooo, goodbye kiss ko?" "Tigilan mo ko, Kim Taehyung." Date started: May 31, 2018 Date ended: --