IRENE's POV
Nagpapatuyo ako ng buhok nang biglang bumukas ang pinto ng cr. Nakatapis lang ako at nakaharap sa malaking salamin dito sa cr. Kakatapos ko lang maligo dahil may lakad kami nina Samantha.
Hindi ko binalingan si Taehyung na pumasok, tumayo siya sa may bowl. Tangina bastos talaga.
"Sana sa baba ka nalang umihi no?" Sarcastic kong sabi sakanya habang patuloy sa pagh-hair dryer.
"May cr naman dito, bakit hindi nalang dito?" Sagot niya. Napairap nalang ako.
Tangina, ang haba naman ng ihi niya. Rinig na rinig ko yung pagtulo ng ihi niya.
"Mag-flush ka." Paalala ko. Madalas kasi ay nakakalimutan niyang i-flush kaya ang panghi pag ako na ang gagamit.
"San punta mo?" Tapos na siyang umihi at nag-flush na din pero hindi pa siya umalis at sumandal pa sa may gilid ko.
"Don't know," Sagot ko. Nang tapos na akong magpatuyo ng buhok ay umalis na ako don at pumunta sa vanity mirror namin.
Sinimulan ko na ang pagl-lotion sa balat ko at nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano sundan ni Taehyung ang kamay ko habang nagpapahid ng lotion. Palihim akong napangisi.
Isang linggo na din nang huli niya akong makitang ganito. Isang linggo niya din akong inuunahan lagi sa pagpasok, kaya hindi niya ako nakikitang ganito.
Manigas ka diyan, tangina mo.
Pagkatapos mag-lotion ay nag-ayos na ako ng mukha. Sumulyap ako sa salamin at nakita kong nakatitig siya sakin. I mentally smirked.
Hi, ako nga pala yung pinag-palit mong ka-date.
Kinuha ko ang damit ko na nakapating sa kama, sa tabi niya. Sinadya kong ihampas sa mukha niya yung buhok ko bago pumunta ng cr.
"Irene." Katok niya mula sa labas habang sinusuot ko ang blouse ko.
"Ano?" Sagot ko.
"Buksan mo 'tong pinto." Aniya.
"Bakit? Nagbibihis ako, sa baba ka nalang mag-cr." Sagot ko pabalik at sinuot na ang pants ko.
"Irene!" Lumakas ang katok niya at ang boses niya kaya binilisan ko ang pagbihis at pinagbuksan siya.
"Ano ba?! Nagbibihis nga aㅡ" Nanlaki ang mata ko nang dumampi sa labi ko ang labi niya.
Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko, mas nilalapit ako sakanya. Mainit yung halik niya at madiin. Agad ko rin siyang nasabayan sa paghalik at mas lalong lumalim ang halik niya sakin.
"Si Sujeong."
Agad ko siyang tinulak palayo sakin kaya tinignan niya ako ng may pagtataka at akmang susunggaban na naman ako ng halik pero tinakpan ko ang bibig niya.
"Binubura mo yung lipstick ko." Sabi ko at agad siyang tinabig para makalabas ng banyo.
"Irene naman, huwag kang nambi-bitin." May halong pait na reklamo niya.
"Eh binubura mo nga yung lipstick ko! Ang ayos ayos na eh." Sabi ko at nilinis ang kalat na lipstick sa bibig ko.
"Fuck your lipstick, I want to kiss you." Mabilis niya kong hinala at hinalikan ulit.
Nairita ako agad kaya tinulak ko ulit siya. "Ano ba?!" Pero parang hindi niya narinig iyon at hinapit ulit ako sa bewang.
"Taehyung!" Pinilit kong inilayo ang sarili ko sakanya at tinabig ang buhok na sumagabal sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)
Romance"Irene koooooo, goodbye kiss ko?" "Tigilan mo ko, Kim Taehyung." Date started: May 31, 2018 Date ended: --