Chapter 17

275 10 7
                                    

IRENE's POV

Umiling ako at kumagat sa sandwich na bili ni Taehyung sa akin.

"You're not jealous?" Taas kilay na tanong ni Samantha.

"Bakit naman ako magseselos? Samantha, as long as wala silang ginagawang pagtataksil sa likod ko ay hindi ako magseselos. At isa pa, alam ko naman na loyal sa akin 'yon." Tukoy ko kay Taehyung.

Dismissal na kase namin pero nagstay kami dito ni Samantha to talk. Taehyung had to go with Jimin with something I don't know kaya umalis din sila agad. Ngayon ay sinasabi niya sa aking laging may kasama si Taehyung na babae tuwing vacant nila.

Binaliwala ko lang iyon dahil alam ko namang ang mga mahaharot na babaeng may gusto lang sakanya ang mga 'yon. Alam kong hindi interesado si taehyung sakanila kaya hindi na ako maga-aksaya pa ng oras na mainis dahil lang sa mga iyon.

"Eh ikaw? Tell me how did you had the gut to forgive what Jimin had done to you a month ago." Tinaasan ko siya ng kilay habang umiinom sa orange juice ko na bili din ni Taehyung.    

Nakita ko ang pagyuko niya at ang alanganin sa kanyang mata nang itanong ko ang bagay na kailanman ay hindi nabuksan nang malaman naming maayos na sila.

Iyan din kasi ang problema kay Samantha at Wella. Konting suyo lang ay bibigay sila agad. Isang sorry at I love you lang ay papatawarin na nila agad.

Ganon ba ang love ngayon? Yung aabot ka na sa puntong tanga ka na, na kahit alam mong mali na yung ginawa nila sayo ay papatawarin mo na at mamahalin ulit na parang walang lamat na nangyari sa pagitan niyo?   

If that's how love works now, I don't want it. Ang pinaka ayoko ay ang nagmumukha akong tanga. I was raised by my parents not to be down by those kind of jerks. Kung ganon sila ay hindi sila nararapat sa akin.

"Mahal ko siya." Aniya. "Sobrang mahal ko siya na kahit ganon ang ginagawa niya sakin ay tatanggapin ko ulit siya. To be honest, I was really mad and hurt by what he did. I was devastated for weeks when I found out. I was almost depressed by it."

"Pero despite the pain he gave me, in the end it was still him. Siya parin kahit masakit, siya parin kahit nakakadiri."

"Alam mong hindi parin okay sa amin ang nangyari Sam, but why did choose to continue after what happened? Bakit hindi mo hiniwalayan? Bakit siya parin?"

She smiled at me with a hint of pain in her eyes.

"Because I believe in second chances, Rene. I think he deserves to prove himself to me. Alam kong nagkamali lang siya, but I'm willing to take the risk to start over again. I'm giving us a second chance."

Napaisip ako roon. Kung bang si Taehyung ang nagtaksil sa akin ng ganon ay kakayanin ko kayang bigyan sa ng pangalawang pagkakataon? Kakayanin ko ba siyang tanggapin ulit? Despite the betrayal and pain?

Nang makauwi ako ay wala parin sa bahay si Taehyung. Nagluto na ako agad ng maka-kain namin at naghilamos na.

Nang natapos ako ay wala parin siya kaya tinawagan ko na. Sa pangatlong ring ay sinagot niya na agad. Nawala ang panandaliang pangamba ko dahil don.

"Pauwi na ako, wait for me." And with that, he ended the call without listening to what I'm going to say.   

Parang expect na niya ang tawag ko at ang paghihintay ko sakanya. Now, I felt relieved knowing that he's on his way home.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng mga iba't ibang putahe na nasa youtube.

Mula pa pagka-bata ko ay hilig ko na ang pagluluto. Madalas kong pinapanood magluto si mama sa kusina at madalas din na napapamangha niya ako sa masasarap niyang mga luto.

Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon