Chapter 1

353 20 1
                                    

IRENE's POV

"Irene ko, pagluto mo naman ako ng pagkain, nagugutom ako." Ngumuso siya sakin na para bang nagpapaawa.

Kasalukuyan kaming nasa sala ay nanonood ng Netflix. Ilang oras na din kaming nakatutok sa tv, kaya siguro nakaramdam siya ng gutom.

"Anong gusto mo ba?" Tanong ko at tumayo na.

"Noodles nalang, yung beef ha?" Aniya at ngumisi sakin.

Tinaas ko ang short ko at naglakad papunta sa kusina. Friday ngayon pero wala kaming klase dahil bigla silang nagsuspend, may biglaang meeting daw kasi sila kaya eto, sa bahay lang kami.

Habang nagpapakulo ako ng tubig ay nag-browse ako sa cellphone ko. Nakita ko pa ang picture namin ni Taehyung na pinost niya pala sa facebook niya.

May caption ito na, "I will never trade you for anyone or anything, love."

Napangiti ako, naiintindihan niya ang mga bagay na ayaw ko at alam niya ang mga bagay na gusto ko. I like this. I like him showing me off, I like him being proud of me.

Nakangiti akong bumalik sa sala habang dala ang noodles niya. Nang mabaling ang tingin niya sakin ay napangiti din siya. Hindi ko alan kung dahil sa nandyan na yung pagkain o dahil sa mukha kong masaya.

"Sarap naman ng luto mo!" Aniya. Inirapan ko siya ng pabiro.

"Instant noodles yan eh, di ko naman luto." Sabi ko habang pinapanood siyang humigop ng sabaw.

Dalawang pack iyon ng noodles dahil hindi sapat sakanya ang isa, lalo na at matakaw siya.

"Hindi pa ba tayo magpapa-sukat kay Garry?" Tanong ko sakanya.

"You wanna go now?" Tanong niya pabalik. I quickly nod my head, a smile forming on my lips.
"Okay, magbihis kana." Aniya kaya agad na akong tumayo at pumanik papunta sa kwarto namin.

Sinuot ko lang yung blue stripe off shoulder crop top ko at skirt. Nag-ayos din ako ng mukha at hinayaan nalang ang buhok kong nakababa. Pinili ko din yung pumps ko na pastel pink ang kulay, nagsuot din ako ng kwintas na pure black lang at bumaba na.

Pagdating ko sa baba ay kakatapos lang kumain ni Taehyung at agad napatingin sakin.

"Sana di ka nalang nag damit." Seryosong sambit niya at sumandal pa sa couch habang hine-head to foot ako. Tumingin naman ako sa suot ko.

"I usually wear this kind of clothes, wala namang mali sa suot ko." Depensa ko. Tuluyan akong bumaba at tumayo sa gilid niya.

Nakita ko ang paglunok niya at ang pasimple niyang pagtingin sa legs ko. Ngumisi ako, pinapa-hirapan ko na naman siya.

"Magbihis ka na nga! Ite-text ko na si Garry." Sabi ko at hinila siya patayo.

Si Garry ay isang sikat na designer na kakilala ni mommy, siya ang gumawa ng gown ko at ng suit ni Taehyung nung kinasal kami. Close siya sa family namin dahil mula pa noon ay siya na ang nagde-design sa mga damit namin in every events na pupuntahan namin.

Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon