IRENE's POV
"Mag-flush ka." Paalala ko kay Taehyung nang pumasok siya sa banyo.
Kauuwi lang namin galing school at sobrang pagod kaming dalawa dahil sa isang event na sinalihan naming magbabarkada. Nagpractice kami pagkatapos ng madugong subjects na sunod sunod ang activity.
Humiga ako sa kama at pimikit. Hindi pa ako nagbibihis dahil ramdam ko na talaga ang pagod, sakit ng ulo at katawan at ang antok.
Patulog na sana ako nang naramdaman ko ang tapik sa akin ni Taehyung sa may legs ko. Iminulat ko ang isang mata upang tignan siya. Kita ko rin sakanya ang pagod ngunit nananatili parin ang ngiti niyabsa kanyang mukha.
"Bihis ka muna." Aniya at kinuha ang magkabilang kamay ko upang hilain ako patayo.
Natawa niya ako pero yumakap lang ako sakanya at isinandal ang ulo ko sa may bandang dibdib niya. Naamoy ko din ang shower gel niya na masarap sa ilong.
"Tae, mag-order nalang muna tayo ng pagkain." Sambit ko at ipinikit muli ang mata ko.
Dinamdam ko ang palad niyang dumapo sa likod ko at ang paghagod niya dito. This is soothing, nakakagaan ng pakiramdam.
"Hmm.. Okay." Sagot niya na nagpangiti sa akin.
"Matutulog muna ako, gisingin mo nalang ako kapag nandito na ang pagkain." Binitawan ko na siya at humiga ulit sa kama nang hindi pa nagbibihis.
Huli rinig ko na lamang ay ang mahina niyang "tsk, tsk" bago sinarado ang pinto.
Nagising ako nang makaamoy ako ng parang nasusunog na kanin. Nanlaki ang mata ko at agad bumaba. Hindi ko alam kung naiwan ko ba yung kanin at nakatulugan ko o kuryente iyong naamoy ko. Pero bumaba parin ako sa kusina.
"OH FUCK!"
Nakita ko ang mangiyak ngiyak na asawa ko habang hawak ang kanyang kamay na namumula habang nakatayo sa harapan ng kalan. Tinignan ko ang mesa, makalat. Pero may itlog na nakaluto, sunog pa. Tinignan ko ang sink, madaming maduming pinaglutuan at parang kasalukuyang himuhugasan ang mga ito. Tinignan ko ang kalan na may sunog na kanin. And lastly, sa asawa kong hinihipan ang kanyang napasong kamay.
The whole kitchen is a mess!
Humarap sa akin si Taehyung at agad na yumuko. Tinago niya pa ang kanyang napasong kamay sa kanyang likod.
"Nagluto ka?" Tanong ko at nilapitan ko siya. May sabon pa siya sa kanyang pisngi at kita ko ding tagaktak ang kanyang pawis.
"S-sorry--"
"Taehyung, this is a huge mess." Kalmado kong sabi sakanya. Lalo siyang yumuko at nakita kong may isang maliit na pulang marka siya sa kanyang pisngi. Natalsikan siya ng kumukulong langis.
"Dapat ay ginising mo nalang ako." Tinignan ko ang kanin na sinaing niya at nakitang medyo bigas pa ito. Kulang sa tubig.
"Tsaka diba ang sabi ko sayo ay mag-order nalang tayo? Hindi ka naman marunong magluto, eh bakit ka pa nagluto?" Sermon ko sakanya habang binibigyan ng tubig iyong kanin.
Pwede pang kainin iyon, siguradong sa ilalim lang naman ang nasunog don.
"Tsaka may rice cooker naman eh! Bakit sa kalan ka nagsaing?" Dagdag ko pa.
Pumunta ako sa may lababo at itinuloy ang hinuhugasan niya.
"Tsaka bakit ba ang dami mong ginamit na gamit? Itlog lang naman ang niluto mo."
Sobrang dami nito para sa itlog lang! Para siyang nagluto ng maraming putahe sa mga ginamit niya. Ano bang balak niyang gawin sa kusina namin?
"Ayan ang problema kasi sayo eh, ang arte mo, gusto mo lagi lutong bahay ang kinakain mo. Pero hidi ka naman marunong magluto. Paano ka nalang kung mag-annul na tayo? Paano ka kakain?"
Kailangan niya ding matutong magluto! Para na rin iyon sa sarili niya. Minsan kapag may oras kami ay tuturuan ko siyang magluto. Sisimulan ko muna sa basic, ang pagprito.
"Sorry, gusto lang naman kitang ipagluto. Lagi nalang kasi ikaw ang nagluluto para sa akin, gusto ko lang na ako naman ang gagawa non para sayo kaso nabigo ako. Sorry."
Napatigil ako sa sinabi niya. He wants to cook for me?
"Sorry itlog lang ang medyo naluto ko ng tama, hindi ko kasi kayang iluto ang mga paborito mo eh." Napalunok ako. Pakiramdam ko ay ang sama ko dahil sa mga nasabi ko sakanya.
"Sorry, ang daming kalat, balak ko kasi sanang lutuin lahat ng paborito mo kaso hindi ako marunong eh." May pumiga sa dibdib ko nang sabihin niya iyon.
Naghugas ako ng kamay at hinarap siya. Parang kinurot ang puso ko namg makitang pinupunasan niya ang pisngi niya.
I think I accidentaly hurt his feelings. Ang tanga mo Irene!
Agad ko siyang nilapitan at inangat ang mukha niya. Namumula ang kanyang mata at ilong. Kumirot ang dibdib ko sa nakita.
"Sorry, hindi ko sinasad--"
"No, okay lang. Ako naman itong makulit eh, it's fine. I'm fine." Ngumit siya sakin na pilit at mabilis na tinalikuran ako.
Hindi ko na siya napigilan pa dahil kahit ako mismo ay nabigla sa sinabi niya. Okay, this time it's my fault. Hindi ko siya inintindi, agad ko siyang pinagsabihan. Hindi ko pinakinggan ang side niya.
Napailing nalang ako sa sarili ko at itinuloy ang paghuhugas ng plato. Pagkatapos ay umupo ako sa harao ng mesa para kainin ang niluto niya.
This burnt egg is his effort. He burned himself just to make me a dinner; yet, I didn't show appreciation.
How stupid, Irene.
Masarap naman iyong niluto niya, yon nga lang ay mapait ang may parte na sunog pero magrereklamo pa ba ako? Ako na nga itong pinagluto, ako pa ang magrereklamo?
Pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko siyang nanonood ng kung ano sa cellphone niya. Kinagat ko ang labi ko at mabagal na naglakad papunta sa.l closet ko para kumuha ng damit at maligo.
Paglabas ko ng cr ay nanonood pa din siya. Naglotion na ako at lahat pero ni isang tingin ay hindi niya ako tinapunan. Nagtatampo ba siya?
Kagat ang labi ko ay lumapit ako sakanya sa kama at kinalbit siya. No response. Kinalbit ko uli siya, still no response. Ngumuso ako at inalis ang cellphone niya.
Pumatong ako sakanya at niyakap siya. "Sorry na.."
Hindi ko siya matignan pero rinig ko ang lalim ng paghinga niya.
"Sorry kaso tinalakan kita kanina at nilait ko luto mo. Hindi ko naman kasi alam na para sa akin pala iyon, akala ko ay nag-eksperimento ka lang."
Tiningala ko siya at nakitang nakatingin siya sakin. Ngumuso ako at nagpa-cute. "Sorry na, hmm?"
"Nagustuhan mo ba yung luto ko?" Tanong niya. Tumango ako kaagad at ngumiti.
"Masarap! Medyo sunog lang, pero konting practice nalang 'yon!" Ngiti ko sakanya. Ngumiti siya pabalik at niyakap ako.
Napawi ang ngiti ko sa susunod niyang sinabi.
"Forgiven. Pero gusto ko ng anak na babae."

BINABASA MO ANG
Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)
Romance"Irene koooooo, goodbye kiss ko?" "Tigilan mo ko, Kim Taehyung." Date started: May 31, 2018 Date ended: --