Chapter 10

260 13 0
                                    

IRENE's POV

"Irene, tara na!" Rinig kong sigaw ni Taehyung sa baba. Napairap ako.

Bakit ba siya nagmamadali? Ang aga aga pa nga masyado tapos siya naman gustong umalis agad. Dinadabugan na ako kanina kaya naligo ako ng wala sa oras.

Bumaba ako ng nakakunot ang noo. Nilagpasan ko siya na naghihintay sa may hagdan at lumabas agad para sumakay ng kotse. Padabog kong sinara ang pintuan nito at agad na tumingin sa may bintana.

Rinig ko ang pagsara ng pintuan ng sasakyan hudyat na nakapasok na siya. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang tumingin sa akin. Hindi ko siya tinignan pabalik at mas lalong hinarap na lamang ang sarili ko sa bintana.

Dumaan na ang isang linggo mula nang mangyari ang kay Jimin at Samantha. Ang grupo namin ay tila nawalan ng buhay dahil sa problema. This is not just their problem, not just Jimin and Sam, but it's also ours. Barkada kami, and what Jimin did? It's unforgiveable.

Ngayon sabado na ulit, inimbitahan kami ni mama (mama ni Taehyung) na pumunta sakanila ngayon at doon muna ngayong araw. Naiintindihan ko naman na gusto ng makitang ni Taehyung ang magulang niya pero what the hell!

Alas sais palang ng umaga!!

Ginising niya pa ako ng alas singko para makapagluto na ng breakfast namin, at minadali na ako sa pagligo. Anong oras nalang ako natulog kagabi dahil tinapos ko lahat ng assignments ko, para wala na akong intindihin sa sabado at linggong pahinga ko, pero eto ang bumungad sa akin ngayon.

"Galit ka ba?" Tanong niya. Hindi ako sumagot.

"Irene naman," Aniya. Umirap ako at tumingin sa daan sa harap ko.

"Excited lang naman ako eh," Dagdag niya pa.

Well, halatang halata naman. Sa pagmamadali mo palang kanina at sa bilis ng pagpapatakbo mo ng kotse ngayon.

Dumating kami don ng hindi ko padin siya kinakausap. Lumabas agad ako ng kotse at padabog na sinara ito. Nauna na ako sa front door at nag doorbell.

"Oh! Ang aga niyo?" Gulat na bati sa amin ni mama. Hinalikan ko siya sa pisngi at ganon din kay papa na nasa likod lang niya.

"Ewan ko diyan kay Taehyung, Ma." Umirap ako kay Taehyung na nasa tabi ko na. Binati niya na din sila.

Nagtinginan si mama at papa. Pagkatapos ay tinignan si Taehyung.

"Pumasok na tayo at malamig pa sa labas." Ani mama at pumasok na kami.

Dumiretso kaming lahat sa sala at pinaghanda kami ni mama ng maiinom. Si papa naman ay nakipag-kwentuhan sa amin.

"Kamusta naman kayong dalawa?"

"Okay naman kami pa, sweet sweet nga ni Irene ko eh." Aniya at hinapit ang bewang ko papalapit sakanya.

Ngumiti nalang akong pilit kay papa at nakita ko ang tingin niya sa kamay ni Taehyung na nasa bewang ko.

"Mabuti naman at ganon! Eh ikaw ba, inaalagaan mo naman ba ng maayos si Irene?" Tanong niya ulit.

Napairap ako sa isip ko. Kung alam mo lang pa kung gaano 'kaalaga' yan sa akin. Ang bait nga niyan eh, ang bait kapag tulog.

Kung alam lang nila kung gaano kahirap ang dinadanas ko sa bahay araw-araw! Walang araw na hindi ako nagluto sa bahay, kasi gusto niya lagi mainit yung kakainin niya at lutong bahay. Ako ang taga ligpit at tagapulot niya sa mga damit na pinagsuotan niya. Ako ang nagf-flush sa toilet bowl na iniihan niya. Ako ang taga plantsa ng damit niya.

Instant yaya yata ang nakuha ni Taehyung hindi asawa.

"Syempre naman pa!"

Halos mapairap ako nang halikan niya ang gilid ng ulo ko pero ngiting pilit nalang ang pinakita ko kay papa.

Magsasalita na sana ulit si papa nang dumating na si mama dala ang juice na hinanda niya at cookies.

Nang ilapag iyon ni mama ay agad dumampot doon si Taehyung. Kakakain lang niya sa bahay ah? But I like it better that way. He's not that type of guy that is muscular, he's kind of chubby and I like it.

Malambot kapag niyayakap ko siya. Kumportable ako lagi kapag nasa bisig niya ako. It feels good hugging him. And I want it to stay that way. I want him to stay that way.

Umupo si mama sa tabi ni papa at nakita agad ang pagpulupot ng kamay ni papa sa bewang niya. Palihim akong napangisi at tinignan ang kamay ni Taehyung na nakapahinga sa bewang ko. Alam ko na kung kanina siya nagmana ng pagiging clingy.

Nang umangat ang paningin ko ay nakita ko ang pagsulyap ni mama sa kamay ni Taehyung sa bewang ko. Nakita ko ang pag ngisi niya kaya umiwas ako ng tingin at kumuha ng juice at uminom.

"Hindi ka pa ba buntis, Irene?"

Muntik ko ng maibuga ang inumin ko kina mama dahil sa pagkabigla!

"Ma! Binibigla mo naman si Irene!" Ani Taehyung at pinunasan ang bibig ko.

"Aba! Dapat ay aware na kayo diyan, wala pa bang nangyayari sainyo?" Nanlaki ang mata ko kay mama.

"Ma!" Pigil sakanya ni Taehyung.

Natawa sa amin si papa at nagsalita.

"Nagbibiro lang kami, pero hindi na kame pabata, gusto pa naming makita ang apo namin."

"Hindi naman namin kayo minamadali, pero okay lang kahit madaliin niyo." Dagdag pa ni papa.

Naubo na naman ako sa sinabi ni papa. Hindi pa ako handa! I mean, yes me and Taehyung make out a lot, pero hindi pa pumapasok sa isip namin iyon bagay na iyon. Or is it?

"Papa naman, bata pa kami, tsaka ayaw ko muna magkaroon ng anak. Gusto ko pang masolo si Irene." Napatingin ako kay Taehyung at naginit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Asus, hindi ka yata nagmana sa akin. Tignan mo kami ng mama mo, hindi pa man kami kasal ay binuntis ko na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni papa.

"And that's the right way to do it, kung ayaw mo ng mawala buntisin mo."

What the hell.


Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon