IRENE's POV
"Sinabi niya talaga yon?!" Ani Samantha habang nanlalaki ang mata.
"Bingi lang te? Normal lang naman yon. 'Yon nga lang ay madyado pang maaga ang pagka-sabi niya." Ani Jass.
Tama si Jass. Deep inside me knows that "that" time will come. Na paguusapan namin kung ilang anak ang gusto namin, kung babae ba o lalaki, at syempre kung kailan kami gagawa.
Napaaga lang ang pag banggit ni Taehyung don. Sobrang aga pa para don, at isa pa wala pa kaming ipon at hindi pa kami graduate. Hindi pa kami handa para maging isang magulang. We haven't reached our dreams yet, so how? Obviously, not now.
"Omg girl, ano ready ka na bang ma-devirginized?" Tanong ni Wella dahipan kung bakit napabaling silang lima sa akin.
"Hell no! Bata pa ako no! Ayoko munang mag-alaga ng anak, hindi pa ako handa para don." Tumango tango si Yvonne sa sagot ko.
"It's way too early for that. But are you sure na kaya mong pigilan?" Tanong niya.
I know what she's talking about. Pigilan. The urge of him touching me, the urge of him kissing me passionately and, the urge of feeling him.
Noong una ay hanggang halik lang kami, pero ngayon.. hindi na. We went over that. We make out, a lot.
Hindi naman sa nape-pressure ako dahil sa binanggit niya pero paano kung isang gabi ay may mangyari sa amin at bigla niya akong mabuntis? Diba?
Pero, sabi nina mama ay sila na daw ang bahala sa lahat ng gastos.
PERO HINDE! HINDI PWEDE!
"Speaking of the devil," Ani Jass.
Napapikit ako at huminga ng malalim. Hinintay ko silang makalapit sa amin at hindi ko na sila nilingon pa. Biglang may tumabi sa akin at hindi ko na kailangan alamin pa kung sino iyon. Amoy niya palang ay kilala ko na.
"Hi," Bati niya sa akin.
Nilingon ko siya at nakitang nakapatong ang ulo niya sa kanyang kamao at nakatingin sa akin. Napalunok ako at napapikit ng ilang beses.
Ramdam ko ang pintig ng dibdib ko. Hindi na yata tama to. Bakit sobrang bilis naman yata? Para akong hinahabol ng aso sa sobrang bilis at lakas ng pintig nito.
5 Umiwas agad ako ng tingin sakanya at nag salumbaba na din.
Nakita ko kaagad si Jungkook at Yvonne na nagchichikahan. Si Yoongi at si Wella na mukhang naga-away na naman. Si Jimin at si Samantha na nagtatawan. Si Jass at Seokjin naman na nagyayakapan, at syempre ang dalawang single sa grupong to. Si Hoseok at Namjoon.
"Hoy kayong dalawa." Tawag ko sakanila, pero parang nakuha ko lahat ng atensyon nila.
"Kelan ba kayo magkaka-girlfriend?" Tanong ko at nakita ko agad ang ngiting aso ni Namjoon.
Aba! Mukhang improving tong isang to ah. Parang may something na yata na hindi niya sinasabi sa amin.
"Ayon, nabasted ang gago HAHAHAHA!" Tawa sakanya ni Hoseok kaya nakatanggap ng sapak kay Namjoon.
"Nabasted?" Tanong naming lahat.
"Sinong babae ang sasagot sakanya kung pinick-up-an niya ng.. Miss ketchup ka ba? Hinahanap-hanap ka kasi ng hotdog ko eh." Tumawa ulit si Hoseok at halos mahimatay na siya sa kakatawa at sa sobrang pula ng mukha niya.
Natawa din ako dahio kahit kailan talaga ay palpak si Namjoon. Kahit ano pa yan, palpak lagi ang kinakalabasan.
"Ulol, galing ko sayo yun kaya nabasted ka din eh." Sapak sakanya ni Namjoon.
"Gusto niyo ba talaga magkaron ng girlfriend? Eh bakit ganyan banatan niyo?!" Sigaw sakanila ni Wella.
"Oo nga naman, ang bastos naman nung pick up niyo!" Ani Jass.
"Kung ako siguro yung nililigawan niyo, baka nakatanggap na kayo ng sapak sakin." Irap ni Yvonne sakanila.
"I would laugh my ass off!" Sabi ko at tumawa ulit nang naalala ko yung mukha ni Hoseok kanina.
Tinignan ako ng tatlong babae at napa face palm nalang. Naluluha na ang mata ko kaya kinagat ko na ang labi ko para maiwasan ang pagtawa.
"By the way, saan ba tayo mag-aayos para mamaya? Time is ticking girls, hindi biro ang paga-ayos natin." Pagpapa-alala ni Yvonne sa amin.
Tonight is the ball. May pasok kaming umaga at ang oras na binigay sa amin ay limang oras lang para sa paga-ayos. Well, kapag ganyang may event ay mga babae lang naman ang kailangan ng mahabang oras.
Mamaya ay kailangan pa namin pumunta sa spa, that would be two hours. Kailangan din naming dumaan sa nail salon, isang oras din kami doon.
And finally two hours of getting ready for ourselves. That won't be enough. Kaya palagay ko ay male-late kami ng dating mamaya.
I suddenly remembered Sehun at sakto naman napadaan siya sa harap namin kasama si Kai.
"Se!" Tawag ko sakanya at tumayo.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako, ngumiti agad siya kaya ngumiti din ako.
"Pick me up at 6, okay? Sa bahay nina Wella. You know her house?" Tanong ko sakanya.
"Yes, so.. See you tonight?" Ngumisi siya.
"See you," Ngumisi din ako.
Tumango siya sakin at tumalikod na, nang tatalikod na ako ay tinawag niya ako.
"Make sure to be extraordinary beautiful tonight, Miss Irene." Kindat niya sakin kaya natawa nalang ako at kumaway bago bumalik sa mga kaibigan kong nakatingin sa amin.
Nanahimik. Ang iba ay naka-ngisi at ang iba ay binibigyan ako ng tingin na para bang nananakot. Tumingin ako kay Taehyung at nakitang madilim ang expression niya.
"What? He's my date." Ani ko at umupo na ulit.
"Well, have fun with your fucking date." Tumayo siya at nagdabog na umalis. Sinundan ko siya ng tingin.
Napailing nalang ako ng bumalik siya para kunin ang sandwich niya sa table. Inirapan niya pa ako bago umalis ulit.
"You don't start with me Kim Taehyung." Tumayo ako para sundan siya.Hindi siya tumigil sa paglalakad. "Taehyung!" Binilisan ko ang lakad ko pero sadyang maliit talaga ang paa ko kaya't hindi ko siya maabutan.
"We've talk about this already!" Sigaw ko.
"Yeah, whatever." Sagot niya sakin kaya nainis ako. Tinakbo ko ang pagitan namin at sinakyan siya sa likod.
"Ack!" Umubo siya at humarap sa akin.
"Baliw ka ba?! Nabulunan ako!" Aniya at binaba ako.
"Hindi mo kasi ako hinihintay!" Sagot ko sakanya. Hinagod ko ang likod niya dahil inuubo parin siya. Katakawan ba naman kasi.
"Bakit mo ba ako sinundan?!" Tanong niya sa akin.
"Because you're acting like a child again! Napagusapan na natin to diba?!" Na-mewang ako sa harap niya. Umangat ang tingin niya sakin at blangko nalang ang tanging nakikita ko sa mukha niya.
"I only agreed because I have no win against at everything you say. I always lose, Irene. Kasi kahit kailan ay hindi kita kayang labanan. Laging ako ang talo, ako lagi ang nahuhulog."
Natulala ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Have fun with your date, but always remember that I'm still your husband and I have my limits." He walks away, leaving me with my heart beating loudly.

BINABASA MO ANG
Loving Kim Taehyung | (Loving Series #2)
Romance"Irene koooooo, goodbye kiss ko?" "Tigilan mo ko, Kim Taehyung." Date started: May 31, 2018 Date ended: --