1: Lori
Nagising ako dahil sa napakaingay kong kuya na si Kuya Carlo.
"Sammy! Gising na! 7:30 na! 30 minutes nalang magsisimula na klase niyo" sigaw ni kuya.
"Ano ba kuya ang ingay ingay mo naman eh. 7:30 pa la—"
Wait. 7:30?
"Ano?! 7:30 na? Malalate na ko nyan kuya!! Bakit hindi mo naman ako ginising?" sabi ko.
"Kanina pa nag-aalarm cellphone mo."
Bumangon na ako, nagmadali akong nagbihis para hindi ako ma-late. Ayokong ma-detention.
Mabilis akong pumunta sa classroom. Buti wala pa si Ms.Wendy.
"Sam! Bakit ang tagal mo? Mabuti nalang at wala pa si Ms.Wen" sabi ni Diana.
"Syempre nagpaganda pa yan para kay Drey" mataray na sagot ni Lori.
"Ay, hello ikaw pala si Sam!" sabi ko kay Lori.
"Huh? Parang ewan 'to. Ilang taon na tayong magkaklase di mo parin alam? Di bale, yung atensyon mo laging nakay Drey" sabi ni Lori.
Minsan gusto ko nalang talagang mauntog 'tong si Lori sa pader para di maging slow. Magtataray na nga lang shushunga-shunga pa.
"Minsan, mag-isip-isip ka rin noh?" sabi ko.
Magsasalita pa sana 'tong btch na to pero biglang pumasok si Ms.Wen.
Nagturo ng nagturo si Ms. Wendy at.....
Lunch time na, finally.
Nauna na akong lumabas.
Hinihintay kong lumabas si Elisha at Diana, kaya nasa tapat ako ng pinto. Maya maya ay may narinig akong sumigaw kaya napatingin ako dun.
"Ano ka ba?! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh! Nadumihan tuloy yung Louis Vuitton kong bag!! Tatanga-tanga kasi!" sigaw ni btch Lori.
Asus. Akala mo naman original yang bag niya. Makapanglait pa dun sa tao, kala mo kung sinong hindi slow.
Nagmadali akong lumapit dun para kausapin 'tong nababaliw na 'to.
"Ano bang nangyayari dito?!" sigaw ko.
"Hoy ikaw! Wag ka na nga makielam dito!" sigaw niya at humarap siya dun sa babae. "Ikaw! Pag maglalakad ka, tignan mo dinadaanan mo! Natapon pa 'yang juice mo sa bag ko!"
Sasampalin na sana ni Lori yung babae, pero bigla kong hinawakan yung braso niya.
"Stop it Lori." seryosong sabi ko.
Pinaalis ko na si Lori kasi baka kung ano pa magawa ko. Tinulungan kong tumayo yung babae.
"Thank you so much, Samantha. Nga pala, I'm Avian Villaflor, you can call me Avy." sabi niya.
"No problem. Epal lang talaga yung babaeng 'yon"
Nakita ko na si Elisha at Diana kaya umalis na ako.
"Sige goodbye." sabi ko.
Sabay kaming naglalakad, and as usual may sinasabi sila saakin.
"Hello Sam!"
"Ang ganda mo talaga"
"Idol papicture!"Sabi nila habang naglalakad kami sa hallway. Pero may narinig ata ako.
"Uy! Si Drey ba yun?"
"Bakit may hawak siyang teddy bear at mga rosas?"Bigla naman akong kinalabit ni Diana at Elisha.
"Hmm?" sabi ko habang naglalakad.
Lumingon ako kasi napansin kong ako nalang naglalakad.
"Uy Eli, Diana bakit ang tag—"
Woah. Ano ba to.
BINABASA MO ANG
The Campus Crush
Teen FictionSamantha Gonzalez, the campus crush. Hinahangaan ng marami dahil siya'y sinasabing "perpekto". Ngunit pagdating sa pagmamahal... ano na kaya? Pipiliin kaya niya ang pagkakaibigan o ang higit pa doon? Pipiliin kaya niya ang taong iniwan siya una pala...