4: Unexpected
"Sam? Samantha? Sammy?"
Sammy?
Sammy?
Sammy?Nagpaulit-ulit 'yon sa utak ko. Hanggang sa marealize ko na nawala pala ako sa sarili ko.
Andito pa rin ako sa pwesto ko kanina, ang pinagkaiba lang, naka- indian seat ako. Pero may nakatayo sa harap ko.
"Sammy?" sambit ng nasa harap ko.
"I said don't call me Sam–" pasigaw kong sabi.
Natigilan ako nang makita ko si Drey sa harap ko.
"W-what are you doing here?!" sambit ko.
"No, what are you doing here. Uwian na, 15 minutes na ang nakalipas. Kanina ka pa nakatulala dyan." sambit ni Drey.
"Wait what?! 15 minutes?!"
"Yes. Fifteen minutes."
"Omg! Si Kuya!"
"Ha? Sinong kuya? Gusto mo hatid na kit–"
"Sorry I have to go. By the way, thanks."
"Thanks for what?"
Tumakbo na ako ng mabilis, narinig ko yung huling sinabi niya pero hindi ko na pinansin 'yun. Kailangan ko pumunta sa bahay.
Hingal na hingal akong pumasok sa loob ng bahay. Ang dilim. May kakaibang aura pagkapasok ko sa bahay.
Biglang bumukas ang ilaw at...
"SURPRISE!!" sigaw nilang lahat.
"Huh?" nagtataka kong tanong.
"Lil sis, uuwi na si Grandma Rosette." sambit ni kuya.
"Seriously ?!" sabi ko.
"Yes anak." sambit ni mommy.
"WAAAAAAAAH" tili ko.
"Nabasag ata eardrums ko." sabi ni kuya.
"Kuya! Ang ganda na ng moment ko sinira mo pa." sambit ko.
Andito ngayon si mommy, kuya at yaya. Yung dad ko nasa States para sa family business namin. 2 years na din siyang hindi umuuwi. Sana umabot siya sa 18th birthday ko.
Speaking of 18th birthday, 3 months na lang!!
Maaga akong nag-aral kaya ngayon, 1st Year College na ako.
— — — — —
"Good Morning Sunshine!!" sambit ko habang nag-uunat.
"Parang ang ganda ng gising ng lil sis ko ah." bungad ni kuya na nakasandal sa may pintuan.
Bigla akong sumimangot at si kuya nagtataka naman yung mukha.
"Oh, anong meron?" sabi ni kuya.
"Nasira araw ko dahil sa mukha mo." pabirong sinabi ko.
"Ikaw, ang galing mo rin magjoke eh no." sabay lapit ni kuya at ginulo yung buhok ko.
"Magulo na nga, guguluhin pa." sambit ko.
"Umalis ka na dito kuya maliligo na ko.""Bakit kaya hindi si Sam?"
"Ngayon lang 'to nangyari ah"
"Nakakagulat lang talaga na hindi siya this year."
"Sobrang unexpected."Habang dumadaan ako sa hallway, 'yan ang mga naririnig ko sa kanila.
Anong ngayon lang nangyari? May hindi ba 'ko alam?
"Sammy!" sigaw ni Eli at Diana.
"How many times do I have to tell you to not call me–"
"Nabalitaan mo na ba?" biglang putol sakin ni Elisha.
Anong nabalitaan? Connected ba 'to sa mga sinasabi nung mga nasa hallway?
Teka. Ano bang meron ngayon. Anong araw na ba?
Wait, may naaalala ata ako.
Last three weeks, nag-audition ako para sa play na gaganapin next month. The play was about 'Romeo and Juliet'. Yeah, that's a nice play. I auditioned for the role of Juliet.
"Come." pag-yaya ko sa dalawa.
Hinila ko sila hanggang makarating kami sa malaking bulletin board. Maraming tao ngayon dito. Sumingit na lang ako para makita yung results.
Oh no. This can't be.
BINABASA MO ANG
The Campus Crush
Teen FictionSamantha Gonzalez, the campus crush. Hinahangaan ng marami dahil siya'y sinasabing "perpekto". Ngunit pagdating sa pagmamahal... ano na kaya? Pipiliin kaya niya ang pagkakaibigan o ang higit pa doon? Pipiliin kaya niya ang taong iniwan siya una pala...