20: Lovebirds
Baby <3 :
Goodmorning baby, i'll pick you up in a few minutes!Me:
Alright! See you :)Baby <3 :
^_^"Mom! Aalis na po ako! Bye po!" sigaw ko kay mommy na nasa garden area namin.
"Ingat anak, love you!" sagot ni Mommy.
Nang makalabas ako ay nakita ko na agad si Drey na nasa tapat ng bahay namin habang nakasandal sa kotse niya.
Bakit ba ang gwapo ng Drey na to?
"Good Morning my princess! Ang ganda mo naman!" sabi niya.
"Sige bolahin mo nanaman ako!" sagot ko.
"Hindi na, tara na nga sabi ko."
Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagpunta na kaming school.
One month mula nung sinagot ko si Drey. Palagi siyang caring saakin. We always talk to each other kung may problema.
Ang kinakatakot ko lang ay... baka sa sobrang pagmamahal niya saakin ay biglang umalis siya at maiwan ako mag-isa. Ganun kasi madalas nangyayari sa mga binabasa ko eh—
"Baby!"
"H-ha?" lutang na sagot ko.
"Ang sabi ko andito na tayo sa school."
"A-ah oo nga, di ko napansin ."
"Ano bang iniisip mo?"
"Wala, wala lang to."
Tinignan niya ako with a curious look.
"No, i'm literally fine Drey" natatawang sabi ko.
Syempre, as always hinahatid niya muna ako sa room kahit hindi naman kailangan.
"At ayan na ang lovebirds." sambit ni Eli.
"I'll go to my class, ingat ka, love you." sabi ni Drey at hinalikan ako sa pisngi.
"Yieeeeee!" hiyaw ng mga tao sa paligid.
"Ano ba?! Ang lalandi niyo!" sigaw naman ni Lori sa likod.
"Oh shut up, Lori." sabi ni Diana sa kanya.
Lesson, Quiz, Lesson, Lesson....
Natapos na ang nakakapagod na klase namin at naglakad na ako papuntang parking.
Maya-maya'y may naramdaman akong kamay na tinakpan ang mata ko.
"Hay nako alam kong ikaw yan." sabi ko at inaalis ang kamay ni Drey.
"Alam na alam ah." sambit ni Drey.
"Syempre, boyfriend kita eh." sabi ko.
"Ano? Pakiulit?"
"Sabi ko, boyfriend kasi kita."
"Ano? Paki–"
"Tama na! Pinagtitripan mo na naman ako!"
Pagkasabi ko non ay nilayuan ko siya at papasok na sana sa passenger seat ng kotse niya kaso naka-lock pa pala.
"Ugh!" inis kong sabi.
"Nagalit baby ko?" sabi ni Drey sa likod ko at niyakap ako.
"Tigilan mo ko Drey." pagtataray ko.
Hinila niya ako at sinandal sa likod ng kotse nya at kinulong ako sa dalawang braso niya.
Wala na akong kawala.
"Oops, bawal kang tumakas." seryosong sabi niya.
Tinitigan ko lang siya ng masama.
Dahan-dahang nilapit niya ang mukha niya sa akin at ninakawan ako ng halik.
Nanlaki ang mata ko at tinulak siya.
"Ano ba? Nasa school tayo? I told you–"
"Kissing in school is not allowed." Paggaya niya sa boses ko.
"Baliw." natatawa kong sabi.
"Sorry na kasi, ikaw kasi–" naputol ang pagsasalita niya nang may nagsalita sa gilid namin.
"Sammy."
Nilagay ako ni Drey sa likod niya.
"Uh, hey bro what's up?" matikas na sabi ni Drey.
"Chill. I just want to talk to her." tinuro ako ni Jake.
Yes, alam na ni Jake ang tungkol sa amin ni Drey. Hindi ko lang alam kung paano niya nalaman, well alam na rin naman ng lahat.
A/N: GUYSSSSS THIS IS IT SORRY SA SUPER DUPER LATE NA UPDATE!!! BABAWI AKO TALAGAAA TATAPUSIN KO TO HEHE, ENJOY READING!! <3
BINABASA MO ANG
The Campus Crush
Teen FictionSamantha Gonzalez, the campus crush. Hinahangaan ng marami dahil siya'y sinasabing "perpekto". Ngunit pagdating sa pagmamahal... ano na kaya? Pipiliin kaya niya ang pagkakaibigan o ang higit pa doon? Pipiliin kaya niya ang taong iniwan siya una pala...