10: Courting
Jake hugged me.
Tinulak ko siya palayo.
The bell rang. It means, lunch time is done.
Nakakainis 'tong Jake na 'to! Hindi tuloy ako nakakain ng lunch.
"Uhh, let's eat lunch?" tanong ni Jake.
"Narinig mo ba yung bell ha?" mataray kong sabi.
Hindi ko pa rin talaga makalimutan yung ginawa niyang pag-iwan saakin, dahil kasi sa—
"Sammy! Ba't ka natulala dyan?" biglang singit ni Jake habang nag-iisip ako.
"Will you please stop calling me Sammy?!" naiinis kong sabi.
"Okay, Sam Sam ko."
"So you're the—"
May bumukas ng pintuan.
"D-Drey?" sambit ko.
"Come with me Sam." sambit ni Jake sabay hila saakin palabas.
"W-what?"
Nakarating kami sa labas ng school. Naglalakad parin kami habang hawak niya ang kamay ko.
"Hey!" sigaw ko, sabay hila ng kamay kong nakahawak sa kamay niya.
"We have to talk Sam." sambit ni Jake.
"Wala na tayong pag-uusapan pa. Tapos na tayo diba? Iniwan mo ako." sambit ko.
"Pero ikaw ang nakipag-break saakin."
"Jake? Seryoso? Iniwan mo ako tapos ayaw mong maghiwalay tayo? Magpapakatanga lang ako?"
"Samantha, kasi—"
"You don't need to explain anything now. Alam kong may iba k—"
"WALA AKONG IBA SAMANTHA!"
"Pero ano yung sinabi saakin ng kapatid mo?!"
"Gusto lang ni Jainne na masira tayo! At, naniniwala ka sakanya? Gusto niyang mapaghiwalay tayo! Silang tatlo nila Lori ang nagplano nun Samantha!"
"Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo? Nandon na lahat ng impormasyon sa video na yun, Jake! Tama na!" sabay pag-uwi ko.
Alam ko. Nagcu-cutting class ako. Ayoko namang makita kong namamaga yung mata sa school, tsaka isang oras nalang mag-uuwian na.
Drey calling...
"Hmm?" tamad kong tanong sa telepono.
[Where are you?]
"Home."
[What? Bakit mo nga pala kasama si Lou–]
"Drey, I'm tired. Not today, please."
[O-oh, fine. ]
Mabilis na lumipas ang panahon, weekends na agad.
Habang nanonood ako ng tv sa sala namin may biglang kumatok sa pintuan. Tumayo ako para tignan kung sino iyon.
"J-jake?"
"Hi Sam!"
"Anong ginaga—"
"Jake?!" sigaw ng kapatid ko.
"Diba iniwan mo yung kapatid ko?! Aba! Ang lakas din ng loob mong pumunta dito sa pamamahay namin! Umalis ka dito!" sigaw ni kuya.
"Kuya, it's nothing."
I don't know why, pero kung dati ay iiyak ako kapag maririnig ko ang pangalan niya. Pero ngayon nakita ko na siya ng harap-harapan. I feel normal. Maybe it's because I moved on? To be honest, ang unexpected ng pagdating niya.
"Ano bang ginagawa mo dito Jake?" tanong ko.
"Aakyat sana ng ligaw." sambit ni Jake.
"Ano?! Pwes! Hindi ako papayag na ligawan mo yang kapatid ko!"sigaw ng kapatid ko.
"Well, whether you like it or not. I will court you Sammy. I will make you mine again."
"Anong pinagsasabi mo Jake?! Umalis ka na muna dito, baka kung ano pa gawin ni kuya. I'm sorry but please not now." naiirita kong sabi.
"Well then, see you at school." sambit ni Jake at umalis na.
BINABASA MO ANG
The Campus Crush
Teen FictionSamantha Gonzalez, the campus crush. Hinahangaan ng marami dahil siya'y sinasabing "perpekto". Ngunit pagdating sa pagmamahal... ano na kaya? Pipiliin kaya niya ang pagkakaibigan o ang higit pa doon? Pipiliin kaya niya ang taong iniwan siya una pala...