3: Past
"Lori."
Grabe, ang dilim ng aura niya. Kitang-kita mo sa mga mata niya na galit siya.
"Girls let's go." sambit ko.
Hinila ko si Diana at Elisha papunta sa girl's washroom.
"Eli, bakit mo naman sinigaw yun?" sabi ko.
"Hindi ka na ba sanay na makatanggap ng lett– love letters?" sabi ni Diana.
"Wait. Sorry Sam kung nasigaw ko yun. Nakita mo na ba yung nakalagay na number sa baba ng letter?" sabi ni Eli.
"Huh? Anong number?" nagtataka kong tanong.
"Dali! Tawagan natin!" sambit ni Diana.
"Sandali lang. Sigurado ba kayo dyan?" sambit ko.
"Wala namang mawawala kung tawagan natin 'tong number diba?" sambit ni Eli.
"Sige na." sambit ko.
Bago pa namin i-dial yung number, biglang tumawag si kuya.
"Hello kuya?"
"Umuwi ka na, Sammy"
"Bakit? Anong meron?"
"Basta, umuwi ka na ASAP"
"Sige, oo na by–"
Biglang in-end ni kuya yung call. Hays, si kuya talaga.
"Girls, bukas nalang ulit. Kailangan ako sa bahay ngayon. Bye!" sambit ko.
"Ingat!" sabay na sinabi ni Eli at Diana.
"Don't you dare to touch Sam!"
"Ano bang pakielam mo ha? Boyfriend ka ba niya?"
"Oh diba? Wala kang masagot. Hindi pa nga kayo, ang over protective mo na. Tss."Hinayaan ko nalang silang dalawa.
"Naririnig niyo ba yun? Si Drey pinagtatanggol si Sam?"
"Sila na ba?"
"Diba niligawan niya yun kanina?"
"Oo pero umalis siya agad nun."
"Nakakapagtaka lang, yung campus crush ng school natin walang boyfriend?"
"Bakit hindi nalang si Drey? Nililigawan na nga siya, ayaw pa niya.""Shut up." seryoso kong sinabi.
"A-ah, s-sorry Sammy."
"Don't ever call me that again!"
Ayokong-ayoko na tinatawag akong 'Sammy' sa school namin. Oo ganun ang tawag saakin ng kapatid ko, siya lang naman eh. Pero kapag sa school kasi... it brings back memories.
FLASHBACK.
2 years ago.
Nasa garden ako ng school namin. Nagbabasa ako ng favorite book ko, nang may biglang tumugtog ng gitara at may kumanta.
"Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?"Nagulat ako nang makita siyang may hawak ng gitara.
Hinayaan ko siyang kumanta hanggang sa lumapit siya saakin.
"Oh for I can't help falling inlove with you"
Lumuhod siya at nilabas ang maliit na box.
"Sammy, will you be my girlfriend?"
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inaasahan 'to.
"Yes." sambit ko.
"Yes?"
"Oo nga, yes I will"
Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.
He was my crush since 1st year high school. pero hindi ko inaasahang liligawan niya ako ngayong 3rd year na ng highschool namin.
Binuksan niya yung maliit na box at isinuot saakin yung necklace na may key charm.
"Ito naman ang saakin." sambit niya at nilabas niya ang necklace na may isang padlock charm na heart-shaped.
"I love you Sammy"
"I love you too, Jake."
BINABASA MO ANG
The Campus Crush
Teen FictionSamantha Gonzalez, the campus crush. Hinahangaan ng marami dahil siya'y sinasabing "perpekto". Ngunit pagdating sa pagmamahal... ano na kaya? Pipiliin kaya niya ang pagkakaibigan o ang higit pa doon? Pipiliin kaya niya ang taong iniwan siya una pala...