6: Boyfriend?
This is an updated version of Chapeter 6, biglang nawala yung dati, idk why :<
————————————————————Hindi matanggal sa isip ko yung sinabi ng babaeng yan.
Naglalakad ako nang biglang umulan, umulan ng malakas.
"Sinasabayan mo talaga ako sa nararamdaman ko no?" natatawang sambit ko sa sarili ko.
Habang naglalakad ay napaiyak na rin ako dahil sa mga ala-alang pumasok sa isipan ko.
Akala ko siya na yun eh, akala ko siya na ang una't huli ko, pero ano?
Parang siya rin lang yung mga ibang lalake. Mga manloloko.
Habang naglalakad ay may ilaw na paparating, ang taas naman ng headlight neto.
"Sam?"
Hinayaan ko nalang ito at naglakad nalang.
Aba, hindi nagpatinag, sumusunod pa rin.
"Sam! Bakit ka nagpapaulan? Magkakasakit ka nyan!"
"Okay lang, para magkasabay sabay lahat ng sakit na nararamdaman ko." bulong ko.
"Sam, ano ba!"
"Don't follow me, Drey"
Maya- maya'y lumabas siya sa kotse at nabasa rin siya.
"Drey ano ba! Magkakasakit ka rin! Get inside the car and just leave me alone!"
"I won't go inside unless you go too."
Nakakainis talaga to eh.
"Oo na! I'll go!"
Hinila niya ako at pumasok kaming parehas sa kotse niya.
"Here" inabot niya saakin yung towel na nasa backseat.
"Lagi ka talagang may towel dito?"
"No, talagang may nagsabi lang saakin na nandito ka kaya nagdala na ako" he chuckled.
Pagkauwi ko ng bahay ay sinalubong ako ni mommy.
"Oh anak, bakit ka nagpaulan? and....." ani mom sabay tingin sa pinto.
"Ay, mom. This is Drey, friend ko po"
"Halika kayong dalawa dito! Basa kayong dalawa! Bakit kayo nagpaulan!"
"Okay lang po Mrs. Gonzalez, uuwi na rin po ako" sambit ni Drey.
"What? Don't go yet dear, have your dinner in our house since you're a friend of my daughter" wika ni mommy sabay ngiti.
"U-uh okay po Mrs. Gonzalez" sambit ni Drey.
"And oh! Call me Tita Synthia or Tita Sy, I prefer it that way." sambit ni mom.
"Sige, i'll just call Ate Mira to prepare the food. I'll leave you two alone here."
"Thanks Mom." sambit ko.
"Uhmm, so why were you out there walking?" pagbabasag ni Drey ng katahimikan.
"Uhh—" bago ko pa siya masagot ay biglang dumating si Ate Mira.
"Oh Sam! Ano yung gusto niyong kainin ng boyfriend mo? At nang maihanda ko na." sambit ni Ate Mira.
"Hindi ko po siya boyfriend."
"By the way, Any food will do po, masarap naman po kayo magluto! Thanks po." wika ko.
Nakahain na yung adobo, sinigang at menudo na iniluto ni Ate Mira. Mabilis talaga siya magluto, masarap pa!
We spent 2-3 hours talking about random things, hindi na inabalang itanong ni Drey yung nangyari kanina.
After eating, nagpaalam na si Drey kay mom at medyo gumagabi na.
"I'm hoping to see you soon again Drey!" wika ni Mom.
"Yes tita Sy, thanks po ulit" wika ni Drey sabay ngiti.
Bakit ba ganyan ka? Ang gwapo mo kahit anong anggulo tignan.
Wait what?! What am I thinking! Erase! Erase!
BINABASA MO ANG
The Campus Crush
Teen FictionSamantha Gonzalez, the campus crush. Hinahangaan ng marami dahil siya'y sinasabing "perpekto". Ngunit pagdating sa pagmamahal... ano na kaya? Pipiliin kaya niya ang pagkakaibigan o ang higit pa doon? Pipiliin kaya niya ang taong iniwan siya una pala...