"TSINELAS"
Naging Anino ko na
Saan man magpunta
Laging dala at kasama
Tsinelas na suot ko
Init ang nilalabanan nito
Isang matapang na mandirigma
Kung maging salita ay napaka talinhaga
Nandiyan ito na gabay ako
Ngunit, sa Araw na di inaasahan
Isang tsinelas tila lumisan
Napagtanto na pangit tignan pag-isa
Kailangan kumpleto ang dal'wa
Ihapit nalang ito sa atin
Ikaw at ako'y pagdikitin
Hindi ba't Kay gandang tanawin?
Ngunit, Kung tayo'y tsinelas
Magandang Dalawa, at magkasama
Dahil Tayo'y pinares talaga

BINABASA MO ANG
Salita ng aking PUSO
PoetryHalika at pakinggan mga salitang nais kong ipaalam sayo. Damhin mo ang sakit na nakatanim sa puso ko. Handa kana ba? #7 rejected Keep fighting