Chapter Six

764 14 3
                                    

Grassya

Umagang kay ganda di ko talaga makalimutan yung sinabi ni john. Kulitin ko na daw siya, kung alam lang niya na mas miss ko siya. Kukulitin ko naman talaga siya kaso nauunahan ako ng tampo masakit kasi mga sinabi niya pero okay na yun. Atleast okay na kami, parang tinatamad na naman ako pumasok. Paano may regla ko kaasar pasabay-sabay kung kelan want ko kulitin si john sumabay ka pa. Bumangon na ko sa hinihigaan ko tapos naghanda na sa pagpasok. Wala ako sa mood mag-ayos ng mukha ko ngayon, kaya nag polbo at liptint na lang ako. Pagkababa ko nakita ko sila mama at papa na kumakain kaya kumain na rin ako.

" Grassya ba't wala ka kolorete sa mukha?
tanong ni mama.

" Kolorete?
ask ko.

" Make-up...
sabi ni mama.

" Tinatamad ako..
sabi ko.

" Wala ka na bang ibang dahilan?
tanong ni mama.

Natawa na lang ako at si papa, pagkatapos ko kumain nag-umpisa na ko maglakad. Balak ko sana sunduin si john kaso tinatamad talaga ako. Habang naglalakad ako may bigla tumawag sa akin.

" Grassya!!!!

Pagtingin ko si noel na hingal na hingal ang itsura.

" Oh, ba't ganyan itsura mo ha?
tanong ko.

" Nakita kasi kita kaya hinabol kita para makasabay sayo.
sabi niya.

" Ahhhh, ere panyo punas ka ng pawis mo..
sabi ko.

Kinuha naman niya yung panyo at nagpumas, nagpatuloy kami sa paglakad hanggang makarating kami sa sakayan ng jeep. Ang gentle man naman this boy ganto sana si john kaso madalang. Sa ibang babae gentle si john sa akin madalang mangyari. Magbabayad na sana ko ng bigla ko na kita si john, ba't kaya nag jeep siya may kotse naman siya.

" Hi john!!
bati ko.

Asual di niya ko pinansin balik sa dati ganon naman siya ehh. Malapit na kami sa school ng bigla pumara si noel.

"tara!!!!
aya ni noel.

"saan?
tanong ko.

Hinila niya ko pababa na parang na pilitan ako. Kaya no choice sumama na ko sa kanya. Pumunta kami sa lugar kung saan puro bata ang nakikita.

" Ano gagawin natin dito?
tanong ko.

" bibigyan ko lang sila ng pagkain.
sabi niya.

Wow ang bait niya, tinulungan ko siya sa pagbibigay sesa naman tumayo ako di ba?. Tamad ako pero mabait din naman, pagkatapos namin bigyan ng food yung mga bata umalis na kami.

" Kelan mo pa ginagawa yun?
tanong ko.

" Since noong lumipat kami dito.
sabi niya.

'' Ang bait mo naman..
sabi ko.

" Salamat....

Dahil sa na pahaba ang kwentuhan namin na late kami at now na ka tayo kami sa labas ng room.

"Sorry na damay ka pa dahil sa akin.
sabi niya.

" Okay lang yun, sanay na ko sa ganto..
sabi ko.

" Ganun ba?

" Dakilang tamad ako ng room 5, kaya masanay kana..

Natawa siya at natawa na rin ako ang saya pala niya kasama. Habang nag kwentuhan kami, pinapasok na kami ng teacher namin sa math.

" Don't be late next time okay?.
sabi ni  ma'am.

" Yes ma'am.
sabi namin.

Pagkapasok namin hinanap ko agad si john at na kita ko kausap siya ni Pristine Gumubat. Ala ba siya sariling utak at nagpapatulong pa siya sa my loves ko. Paupo na sana ko ng bigla sumigaw si brixx.

My TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon