Noel.
Dami ko problema this month. Una di kami magkasundo ni papa. Pangalawa si mama sumama na sa bago niya. Pangatlo kami na lang ng kapatid ko ang natira sa bahay. Kaya need ko maghanap trabaho. Kala ko pa naman paglumipat kami ng bahay magbabago na buhay namin di pala. Lalo lumalala kasi nga si mama may iba na tapos si papa naman na adik sa sugal. Tssk! Anong buhay ba meron ako. Wala naman ako magagawa kasi ako ang panganay na anak. Kaya ako ang pag-asa ng kapatid ko. Habang naglalakad ako narinig ko yung boses ni Grassya.
Noel ayos ka lang?
Tanong niya.Ayy ikaw pala iyan, oo ayos lang ako. Sabi ko.
Ah ganun ba kasi parang iba ang awra mo ngayon. Sabi niya.
Wala ito ayos lang talaga ako.
Sabi ko.Sige sabay na tayo.
Sabi niya.Gusto ko man siya kausapin kaso wala ako sa mood. Kaya hanggang pagdating namin sa school tahimik lang kami. Kaso bigla nag paalam si Grassya na mauna na ako. Kaya nauna na ako pumunta sa room. Ilang oras din dumating na si John. Nahalata ko na parang hinahanap niya si Grassya. Sa tingin ko may gusto na siya kay Grassya. Napansin ko din kasi noon na lagi siya na ka tingin kay Grassya. Kaya na pagtanto ko na may gusto na siya kay Grassya. Kaso kung gusto na niya si Grassya bakit ayaw pa niya pormahan. Ano yun pinapaasa lang niya si Grassya. Para kasi sa akin si Grassya is the one. Si Grassya kasi tamad pero may laman. Kasi napansin ko noon na mahilig siya gumawa ng love letter. Puro english na basa ko. Saka iba si Grassya sa lahat ng babae na kilala ko. Maliit, maganda, mabait, madaldal, masiyahin at higit sa lahat masarap kasama. Kasi siya lang nagpapatawa sa akin. Sa lahat ng babae siya lang talaga ang iba para sa akin. Speaking of Grassya asaan na ba siya?. Kanina pa siya wala. Malapit na din dumating yung math teacher namin. Kaya natanong ko kay Brixx.
"Brixx asaan na si Grassya?."
Tanong ko."Wala pa ba?."
Tanong niya."Kasabay ko kanina kaso pinauna na ako?"
"Saan kaya na punta yun?"
Pati si Brixx hindi din na pansin. Si Rizzy naman kakarating lang.
"Rizzy si Grassya na pansin mo sa labas?" Tanong ni Brixx.
"Hindi ko napansin ehh"
Asaan na kaya yun. Habang inaabangan namin si Grassya dumating na yung Math teacher namin. Nako Grassya asaan ka na ba?. Asa kalagitnaan na ng klase wala pa siya. Saka na pansin ko si John na hinahanap din si Grassya. Hay na ko dumating din. Kaso bakit siya may fishball?.
"Ms, Grassya?. Bakit ka late?."
Tanong ni ma'am."May dinaanan lang po."
Sabi niya."May dinaanan o may binili?."
Tanong ni ma'am."May dinaanan po ma'am saka ako bumili ng fishball."
"Okay you may sit."
Mga dahilan talaga ni Grassya. Buti na pa upo siya. Ang dami ng fishball na kinakain niya. Halatang favorite niya.
"Oyy!, Grassya saan ka pumunta?" Tanong ni Brixx.
"Sa may kanto."
"Ano ginawa mo doon?."
Tanong ko."Oo nga saka hindi ka ba kumain at ganyan karami fishball mo?."
Sabi ni Rizzy."Favorite ko kasi ang fishball."
Sabi ni Grassya."Halata nga."
Sabi ni Brixx.Natapos ang tatlong subject na tahimik kami apat. Si Grassya tingin ng tingin kay John. Kung alam lang ni Grassya na may gusto sa kanya si John. Tiyak na mas masaya pa siya sa joker. Habang na ka tingin ako sa bintana may biglang inabot si Grassya. Isang balot ng pop corn na puro cheese powder.
"Ayan para mawala na lungkot mo." Sabi niya.
"Salamat, talaga na halata mo na malungkot ako." Sabi ko.
"Sa awra mo na iyan ba't hindi ko mahahalata." Sabi niya.
"May family problem lang."
Sabi ko."Aayos din yan tiwala lang."
Sabi niya."Sana nga Grassya"
Sabi ko.Tinapik niya likod ko na nagbibigay ng pagmamalasakit.
Tama si Grassya na maayos din yung problema namin not now but soon. Tiwala lang.
BINABASA MO ANG
My Tutor
Teen Fiction"Wala ako hilig mag-aral pero pag ganto ka gwapo ang mag tuturo sa akin why not?." -Grassya San Antonio-