Grassya.
Sabi ni ma'am Alma na kailangan ko daw magpakatino sa pag-aaral dahil di daw maganda ang kakahantungan ng pagbagsak ko. Baka di daw ako makapasa ayoko pa naman mangyari yun sa akin. Paano na yung future namin ni John. Ay este ako pala bakit ko ba naiisip yung lalaki na yun. Dahil sa kanya kaya ako nagkakaganito. Di sa sinisisi ko siya pero masyado na talaga ako na fall sa kanya. Erase. Dapat umuwi na ko para makipag-ayos kay mama. Miss ko na din kasi mama ko. Di mawawala sa akin yung galit pero nanay ko pa rin siya. Mama sorry kung may pasaway kang anak gaya ko. Sorry kung lagi kita binibigyan ng problema kayo ni papa. Pagkadating ko sa bahay nakita ko si mama sa labas na nag-aabang sa akin. Agad naman siya lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit tapos umiiyak.
"Anak ayos ka lang ba?"
Tanong ni mama."Opo mama ayos lang ako."
Sabi ko."Anak sorry kung na tampal kita sa harap ng mga kaibigan mo."
"Sorry din mama kung pasaway ako sa inyo ni papa."
"Ayos lang yun ganon naman talaga kami mga magulang laging nagpapasensya."
Sabi ni mama.Niyakap ko siya tapos hinalikan sa pisngi. Na miss ko talaga mama ko. Kahit isang araw at isang gabi lang kami hindi nagkita. Di man ako yung anak na matalino at masipag atleast mabait naman. Pagkatapos ng drama namin ni mama kumain kami sa labas kasi di na ka pagluto si mama sa kakaantay sa akin. Nagsisisi ako pero ayos na din yun. Magiging okay din naman ang lahat. Be Positive. Laban lang kahit ano pang mangyari. Pagkatapos namin kumain sa labas may message ako na recieve. Galing kay John.
"Pwede ka ba maka-usap kita tayo sa may mini forest."
Ano naman kaya pag-uusapan namin doon. Punta ba ako or what?. Bahala na si Dora. Pagkatapos namin kumain ni mama nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan lang ako. Pero di ko sinabi kung saan. Ang bait ko talaga anak. Di ko ma-imagine. ^_^ Pagpunta ko sa mini forest na kita ko si John na nakauupo sa ilalim ng puno.
"Problema mo?"
Bungad ko.Tumayo siya tapos niyakap ako. Ano na kain ne're. Parang na kakapanibago lang eh. Pero wag ka kinikilig ako.
"Ayos ka lang ba?"
Tanong niya."Sa ngayon medyo pero di pa ako okay." Sagot ko.
"Sorry nga pala sa lahat ng nagawa ko sa iyo na hindi maganda." Sabi niya.
"Magagawa ng Sorry mo?"
Tanong ko."Grassya matagal ko na din ito tinatago kaya lang parang di ko na kaya pa itago lang."
Sabi niya.Ano ba sinasabi niya ano ba tinatago niya. Saka ano kinalaman ko sa tinatago niya. Wala naman siya binibigay sa akin na ano man bagay.
"Ano ba sinasabi mo ha?"
Tanong ko."Grassya ano ka--kasi."
"Anong kasi ba trip mo ba ko?"
Sabi ko."Grassya hayaan mo sana na turuan kita." Sabi niya.
Turuan ng ano kala ko pa naman kung ano tinatago niya. Tssk. Kinabahan ako doon. Seriously ako tuturuan niya pwede ba yun?. Pero ano ba dapat gawin ko. Pag-iisipan ko muna ng mabuti kung ano sasagot ko. Kung tuturuan niya ko pwede din kaso di pa ako maka get over sa mga nangyari. Ano ba ang dapat na isagot ko mag-isip ka nga Grassya bilis. Nako wala ako maisip. Tssk. Ayaw talaga gumana ng isip ko. Gumana ka naman kahit ngayon lang bilis.
"Kung okay lang naman sayo kung hindi okay lang naman sa akin." Sabi niya.
"Bakit mo naman ako tuturuan saka di ba ayaw mo sa taong tamad?" Sabi ko.
"Grassya na sabi ko lang yun pero di totoo yun." Sabi niya.
"Di totoo kaya pala na saktan ako noon." Sabi ko.
"Grassya past is past forget the past." Sabi niya.
"Forget okay sige kakalimutan na din kita yun naman talaga gusto mo di ba?" Sabi ko.
Sa totoo lang hindi talaga iyon yung sasabihin ko kaso kusa na lang lumabas sa bibig ko. Masyado na ata tumaas ang pride ko. Na bigla ako doon pero iba na talaga ugali ko ngayon. Wala di ko na alam basta bahala na si Dora.
"Grassya ba't ka ba nagkakaganyan ha?"
Tanong niya."Nagkakaganito ako kasi dahil sa iyo alam mo naman siguro yun."
Sabi ko.Iniwan ko siya mag-isa sa mini forest saka ako umuwi na parang naglalakad sa kawalan. Tulala ako sa kakaisip sa mga nangyayare sa akin. Dahil ba sa mahal ko na si John kaya ba ako nagkakaganto. Di ko na macontrol yung sarili ko. Paano na di ko na alam ang gagawin ko. Nalilito na talaga ako ang gulo. Maaayos din ang lahat bahala na si Dora.
BINABASA MO ANG
My Tutor
Novela Juvenil"Wala ako hilig mag-aral pero pag ganto ka gwapo ang mag tuturo sa akin why not?." -Grassya San Antonio-