Chapter TwentyOne

479 9 0
                                    

Grassya.

Pumasok ako sa condo ni Baron baka dito muna ako matulog dahil sa nangyari kanina. Sa totoo lang nagising talaga ako sa tampal ni mama. Naiiyak pa din ako sa nangyari.

"Ayos ka na ba?"
Tanong ni Baron.

"Oo ayos lang ako."
Sabi ko.

"Bakit ka ba nila sinusundan?"
Tanong ni Baron.

"Sa di lang pagkakaintindihan."
Sabi ko.

"Magiging okay din yan."
Sabi niya.

Mukhang malabo mangyari. Di ko maimagine yun. Matapos ng mga nangyari. Di ko talaga lubos akalain na magagawa ni mama yun sa akin. Di ko matanggap ang lahat ng iyon. Medyo masakit pa yung pisngi ko matapos ako sampalin ni mama.

"Magpalit ka muna ng damit tapos ako na ang maglalaba diyan." Sabi ni Baron.

Inihagis niya sa akin yung damit niya medyo malaki kasi nga lalaki siya. Pagkabihis ko ibinigay ko agad kay Baron yung school uniform ko. Baka iyon muna suotin ko bukas dahil di ako makauwi ngayon. Bakit ba kasi dumating pa si John imbis na magsaya ako nauwi sa sampal. Pwede naman kasi niya hindi tawagan si mama kaasar. Pati sila Rizzy,Brixx at Noel andoon wala na ko mukhang ihaharap sa mga kaibigan ko. Wala patapon na talaga ako. Magagawa ganun talaga buhay. Habang na ka tulala ako bigla ako tinapik ni Baron.

"Kanina pa nag ring yung phone mo." Sabi niya.

Tiningnan ko tapos si mama tumatawag. Sasagutin ko ba o hindi. Ewan di ko alam saka ayoko muna makausap si mama dahil sa nangyari kanina. 5 Missed Calls na pala si mama tapos 50 messeges yung dumating. Si john "Sorry sa nangyari di ko naman talaga alam na dadating mama mo." Si Rizzy "Grassya ano ba nangyayari sa iyo umayos ka nga." Umayos kelan ba ko naging maayos sa kanila. Si Brixx "Grassya sorry di namin talaga isasama mama mo kaso pinilit kami." Mapilit talaga si mama kahit ayaw mo gugustuhin niya. Si Mama "Anak sorry sa nagawa ko sayo kanina hindi sadya ni mama yun." Naiyak na lang ako bakit ba sila nagsosorry kasalanan ko din naman kasi yun. Kung hindi ako nagpunta doon di mangyayari yun. Mama sorry din kung pasaway ako. Habang umiiyak ako tinapik ni Baron yung likod ko.

"Kung ano man yang pinagdadaanan mo ngayon huhupa din yan." Sabi niya.

"Malaki na kasi ang pinagbago ko mula ng na realize ko na hindi ako mahal ni John, sa tuwing lalapit ako sa kanya lagi niya ako iniiwasan. Hanggang sa dumating sa point na baka hindi talaga niya ako gusto tulad ko na patay na patay sa kanya."

"Grassya kasi ganto yan ang mga lalaki hindi basta-basta nagmamahal yan parang doctor yan iconsult ka muna bago ka bigyan ng reseta. Titingnan muna namin kung paano kayo mapapakilig, mapapasaya tapos ayun paghanda na kami saka kami aamin sa babae."

"Di ko talaga alam kung gusto ba niya ako or what?"

"Sa tingin ko mag antay ka ng tamang panahon tapos saka doon mo malalaman ang lahat."

"Kung dadating ako sa point na iyon." Sabi ko.

"Dadating din yan."

Pagkatapos ko umiyak na kita ko may hawak sigarilyo si Baron. Pumunta ako sa terrace ng condo niya saka ako lumapit sa kanya.

"Bakit ka nagsisigarilyo?"
Tanong ko.

"Hobby ko lang."

"Hobby di ba masama sa kalusugan yan."
Sabi ko.

"Oo masama siya sa kalusugan pero ito talaga yung magpapakasaya sa akin."

"Masaya kana sa sigarilyo?"
Tanong ko.

"Oo kasi siya yung nagpapakalma ng kalooban ko pagbadtrip ako, tapos sigarilyo din ang dessert ko pagtapos na ako kumain. Pinapakalma ako ng sigarilyo."

"Alam ko alak yung nagpapakalma"

"Asa tao naman kung saan sila kakalma para kasi sa akin sigarilyo ang maganda."
Sabi niya.

"So dapat pala magsigarilyo din ako?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ka maninigarilyo babae ka kaya."

"Bakit lalaki lang ba ang dapat manigarilyo?"

"Panget kasi sa babae yung naninigarilyo hindi maganda tingnan." Sabi niya.

"Sabagay tama ka."

"Kitams saka di bagay sayo ang ganda mo pa naman."

Tumabi na lang ako sa kanya tapos tiningnan ko yung mga bituin. Habang ka tingala ako bigla ako niyakap ni Baron. Inalis ko naman yung pagkakayakap niya sa akin.

"Pasensya kana katulad mo din kasi ako madami pinagdadaanan."

"Bakit ano ba pinagdadaanan mo?" Tanong ko.

"Yung girlfriend ko kasi nahahalata ko na malapit siya ka John." Sabi niya.

Tama ba narinig ko yung girlfriend niya masyadong napapalapit kay Joh. So si Prisstine pala girlfriend niya di ko akalain na may boyfriend si Pristine. So mali pala ako ng akala kay John kala ko talaga girlfriend niya yun. Ang maling akala.

"Si Pristine ba?"
Tanong ko.

"Oo di ko alam kung bakit bigla siya lumamig sa relation ship na meron kami tapos nalaman ko na may Role Play sila ni John na yun."

"So selos ka you mean."
Sabi ko.

"Oo kasi nga di na siya tulad ng dati." Sabi niya.

"Alam mo pareho pala tayo nagseselos kahit wala kami ni John nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang nag-uusap or kung ano man."

"Malapit na ko sumuko pero dahil sa mahal ko siya kaya tinataasan ko yung pride ko kahit na nasasaktan na ako."
Sabi niya.

"Tama taasan natin yung Pride natin para sa taong mahal natin."
Sabi ko.

"Tama laban lang."

"Oo laban lang."

Pumasok kami sa loob doon ako na tulog sa sofa sa labas pero di siya pumayag siya na daw ang sa sofa at ako ang sa kama niya. Gentle man siya. Ang tanga na lang ni Pristine kung pakakawalan pa niya si Baron. Gwapo, matangkad, matangos ang  ilong, mabait at Gentleman pa.

My TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon