Chapter Fifthteen

494 8 0
                                    

Grassya

Bukas na yung Role Play at isang linggo ko na rin hindi kinakausap at pinapansin si John. Feeling ko wala na ako gana na kausapin siya buhat ng sabihin niya na bagay sila ni Pristine. Yuk!!. Kami kaya ang bagay. Tama na nga Grassya sinabi na sa iyo ng harapan na bagay sila ni Pristine madala kana. Wag ka na sumiksik sa taong hindi ka gusto masasaktan ka lang. Isipin mo sarili mo. Kaso si John lang talaga ang nilalaman ng puso ko wala nang iba. Bahala na di ko naman hawak utak niya. Kung yung utak ko nga di ko mapagan yung utak pa kaya niya. Saka may sarili siya isip. Halata naman na gusto talaga niya si Pristine. Isang linggo ako walang buhay sa tuwing makikita ko sila John at Pristine na magkasama sa stage. Tapos yung mga kaibigan ko busy sa pagkabisado ng script nila. Ako busy sa paggawa ng props nila. Mukha ba akong wala kwentang tao. Ang tamad ko kasi tapos di ako marunong sumunod. Sa tingin ko isa akong patapon na lang kasi ang baba ng grades ko tapos lagi ako na papgalitan ng teachers. Pagkatapos ko gawin ang props binigay ko na agad kay ma'am Asuncion yung mga props. Saka kailangan ko na umuwi kasi ngayon na alis ni papa papunta America. Ilang taon na naman siya mawawala sa amin. Kami na naman ni mama ang tao sa bahay namin na ubod ng laki. Pagkalabas ko sa school pumara na ako ng tricycle. Matagal na din pala ako hindi na pupunta kila John. Hmmm, parang na miss kong gumising ng maaga tapos pupunta ako sa bahay nila para sabay kami pumasok. Kaso lagi niya ako iniiwasan pero minsan naman sinasabay niya ako. Pero bilang ko sa daliri yung pagsabay niya sa akin. Siguro mga apat or lima ganun. Pero okay na yun naranasan ko naman na makasabay siya. Pagkababa ko tricycle inabot ko na agad yung bayad tapos pumusok na ako sa loob ng bahay.

"Mama, andito na po ako."
Sabi ko.

"Oh, andiyan kana bilisan mo magbihis kana at baka malate pa papa mo sa flight niya."
Sabi ni mama.

Si mama naman parang excited pa siya sa pag-alis ni papa. Pagkapalit ko bumababa na ako tapos isinakay na namin yung mga bagahe ni papa. Paano na yan aalis na si papa parang gusto ko sumama kay papa para makalimutan ko na si John. Di ko kaya kalimutan si John pero kakayanin ko para di na ako masaktan. Buong byahe ko kayakap si papa kasi ilang taon na naman kami hindi magkikita. Kaya sinusulit ko na hanggang andito pa si papa. Pagkadating sa  Manila Airport doon na kami nag group hug tapos si mama iyak ng iyak pati ako. Kung pwedenlang talaga sumama kay papa. Sasama talaga ako.

"Papa sama na ako sa iyo."
Sabi ko.

"Anak kung pwede lang kinuha ko na kayo ng mama mo."
Sabi ni papa.

"Grassya baka malate pa papa mo." Sabi ni mama.

"Papa mag-ingat ka doon, wag mo pababayaan sa sarili mo."
Sabi ko.

"Ikaw din anak wag ka pasaway mama mo ah." Sabi ni papa.

"Narinig mo sabi ng papa mo."
Sabi ni mama.

"Di ko po masabi papa."
Sabi ko.

"Sige na papasok na ako doon, Ma kaw na bahala sa anak natin." Sabi ni papa.

Hanggang sa na ka pasok na nga si papa sa loob ng airport. Para ilang oras pa lang ang lumipas na miss ko na agad si papa. Papa miss na agad kita. Pagkadating namin sa bahay ay nagbihis na ako ng pantulog saka ako pumunta sa kwarto nila mama.

"Mama pwede sayo muna ako matulog?"

"Oo naman anak."

Niyakap ko siya tapos natulog na kami.

                    *********

Nagising ako ng wala si mama sa tabi ko asaan kaya si mama. Kaya naman bumababa ako sa kusina. Nakita ko si mama na naghahain ng almusal namin.

"Mama ang aga mo naman nagising?" Tanong ko.

"Nasanay kasi ako ng andito pa papa mo." Sabi ni mama.

Sabagay nung andito si papa lagi siya ang nagluluto ng almusal namin. Dati kasi ako ang nauuna magising kaya di tuloy ako makakain. Konti lang kasi alam ko sa pagluluto. Kaya kay manang Esting ako kumakain. Na miss ko na rin kumain doon.

"Anak ba't hindi ka pa na ka bihis di ba foundation day ninyo ngayon?" Tanong ni mama.

Ayy oo nga pala ngayon yun kaso hindi naman ako si juliet kaya magpalate na lang muna ako.

"Mama maaga pa naman."
Pagsisinungaling ko.

Ang bad ko talaga wala na ako nagawang tama. Masanay na kayo sa akin ganto talaga ako. Pagkatapos ko kumain pumanik na ako sa kwarto ko at naghanda sa pagpasok. Pagkabihis ko nag blower ako ng buhok ko at naglagay ng Olay yung natural white with UV protection. Maganda kasi siya gamitin saka trust me kahit magbabad ka sa araw hindi masusunog mukha mo. Pagkatapos nag polbo na ako at liptint. Pagkatapos nag paalam na ako kay mama. Nag decide ako na maglakad na lang saka gusto ko puntahan yung mga bata na lagi tinutulungan ni Noel. Dahil may 1k ako sa wallet bumili ako ng ilang balot ng tinapay at zesto. Tapos pinamigay ko sa mga bata. Ang sarap sa pakiramdam kasi ang saya nila sa kinakain nila. Kahit na tinapay at zesto lang sapat na sa kanila. Pagkatapos ko sila bigya ng konti pagkain ay umalis na ako. Pagkadating ko sa school na kita ko na busy ang lahat ako lang hindi. Malapit na ako sa room ng makita ko si John na kausap si Pristine. Tiningnan ko lang sila pero di ko pinansin. Parang na kita ako ni John pero parang wala lang din sa kanya. Okay kung yan ang gusto mo edi wag na tayo magpansinan. Okay lang sa akin kahit masakit. Tatanggapin ko ng bukal sa kalooban ko. Pagpasok ko sa room na kita ko sila Rizzy, Brixx at Noel na busy pa rin sa pagpractise para mamaya sa Role Play. Nakakatuwa naman sila panoorin para sa grade gagawin ang lahat.

"Grassya, ano na bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin?"
Tanong ni Brixx.

"Busy din ako tulad ninyo di ninyo alam?"
Sagot ko.

"Teka ilang araw ka din namin hindi nakikita." Sabi ni Rizzy.

"Busy ako sa paggawa ng props di ninyo alam?" Tanong ko.

"Teka sa tonong mong yan parang hindi ka okaya."
Sabi ni Noel.

"Ayos ka lang ba Bestfriend?"
Tanong ni Brixx.

"Ayos lang ako."
Sabi ko.

"Grassya nagtatampo ka ba?"
Tanong ni Rizzy.

"Hindi bakit ba ang dami ninyo tanong magpractise na lang kayo jan." Sabi ko.

Umalis ako sa harap nila tapos lumabas ako na ka salubong ko sila John at Pristine. Pero di ko pinansin parang tinitingnan ako ni John pero di ko siya pinansin. Pumunta ako sa library naiisipan ko na doon muna ko hanggang sa matapos ang Foundation Day.  Saka di naman nila ako mahahanap sa library kasi hindi naman ako mahilig sa libro. Bahala sila doon basta ako dito ko sa library.

My TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon