GRASSYA
5 days na lang debut ko na kaya naman busy sila mama at papa sa pagliligpit ng bahay. At ako pa upo-upo lang ang peg, masipag kasi ko alam mo yun. Habang naglilinis si mama bigla na vibrate yung phone ko number lang yung na ka lagay. Sino naman kaya ito at nag text na "Kamusta?". Manigas ka di kita rereplyan di ko ugali na mang who you lalo na't di ko kilala masyado. Mamaya pa ko papasok ng tanghale kasi mag half day lang ako. Tinanghale kasi ko ng gising kaya mamaya 12 na ko papasok. Habang na ka upo ako nag text ulit yung number na yun. "Noel at your screen 😊". Sus si noel lang pala kala ko may nang trip na naman. Reply sana ko kaso wala pala ko load. 10:30 na pala kaya maliligo na ko, matagal kasi ko maligo. Tapos ang kupad ko pa kumilos, pag ka bihis ko nag polbo at liptint na ko then umalis na ko. Pagkadating ko sa school pinagbibigyan ko na ng invetation sila john, brixx, rizzy, noel at yung iba ko pa mga kilala. Habang namimigay ako bigla dumating yung teacher namin sa math. Pero ang alam ko tapos na yung math namin ehh.
"Okay class, ang teacher ninyo sa p.e ay wala dahil may importante siya pinuntahan kaya naman ang sabi niya linisin na lang daw ninyo ang p.e room...
sabi ng teacher.Linis iyon pa naman ang ayaw ko sa lahat sa bahay nga di ako naglilinis sa school pa kaya. Umiiral na naman yung katamaran ko, ay ou nga pala tamad na nga pala ako. Pumunta kami sa p.e room para linisin nga daw pero tinatamad talaga ako.
"Grassya mag linis ka nga jan!!
sigaw ni brixx."Tinatamad ako!!!
sigaw ko."Sipag mo talaga!!!
sigaw ni rizzy.Masipag naman talaga ako, masipag mang bwesset. Wala talaga ako ka hilig-hilig sa mga ganyan. Habang na ka upo ako bigla lumapit si john.
" Hoy, maglinis ka nga!!!
sigaw niya."Kaya na ninyo yan..
sabi ko." Wag ka nga feeling princess jan.
sabi niya."Ou na kikilos na po!!!
sigaw ko.Tumayo ako at pumunta sa bintana at pinunasan ko. Grabe wag daw ako feeling kaasar princess naman talaga ako sa bahay namin kaso sa school hindi. Alam naman nila na masmasahol pa ko kay juan tamad ehh. Maganda na sana yung pagpupunas ko ng bintana ng bigla ako nahulog sa upuan na kinakatayuan ko.
" Grassya, are you okay?
tanong ng teacher." Ma'am sa tingin ninyo po ba okay ako?
tanong ko.Aray ang sakit pala mahulog lalo't sa taong di ka naman mahal este sa sahig pala. Habang na ka upo ako sa sahig bigla dumating si noel.
" Ayos ka lang ba?
tanong niya." Ano sa palagay mo?
tanong ko." Tara dalhin na kita sa clinic..
sabi niya.Binuhat niya mala beauty and the beast. Pagkadating namin sa clinic hinilot ng nurse yung likuran ko at doon naglabasan ang butiki sa ingay ko. May pilay na pala ko para nahulog lang naman ako sa sahig ang masama pa doon na pagalitan pa ko. Paano ang ingay ko daw sila kaya mahulog at mapilayan. Pagkatapos ako hilutin ng nurse pumasok na sila rizzy, brixx at noel.
" Ang hirap pala maging T.A.N.G.A...
kanta ni brixx." Nang iinis ka ba?
tanong ko." Grassya pansin ko parang ba't ang init ng ulo mo ngayon?
tanong ni rizzy." Tinatanong pa ba yun?
tanong ko." Wag ka nga highblood jan.?
sabi ni noel.Tumahimik ako at nahiga ulit, bakit nga ba ang init ng ulo ko ngayon. Parang kasi may kulang sa paningin ko ay ayun si john. Di man pumunta dito alam naman niya na na fall ako sa kanya ay este sa sahig. Ilang oras din pala ako na ka tulog nagising na ako ng may katabi sa gilid ko.
"Gising kana pala?
tanong ni john."Oh ba't andito ka?
tanong ko."Inaantay ka?!!
sabi ni john.Teka parang kinilig ako sa sinabi niya hala nag blush na pala ako. Tapos ayun tinawanan pa ko ng mahilig mag pa asa.
" Teka ba't nag blush ka?
tanong niya." Ako nag blush di kaya!!
sigaw ko." Hahaha nag blush siya!!!
sigaw niya.Ang weird naman ba't ang close niya sa akin ngayon. Parang may di ako alam dahil ba malapit na kaarawan ko o wala lang siya sa mood ngayon. Ewan basta ang sweet niya ngaun. Babangon sana ko kaso ang sakit parin talaga ng likuran ko.
" Ba't ba kasi sa bintana ka pa lumugar pwedi ka naman mag walis na lang?
tanong ni john.'' Wala na kaya walis kaya ayun basahan na lang dinampot ko.
sabi ko." Ano kaya mo ba maglakad?
tanong niya.Tumayo ako at sinubukan ko maglakad carry naman kaso ang sakit lang talaga ng likod ko. Pinauna niya ko maglakad lagi naman ako nauuna ehhh. Habang naglalakad kami bigla nag ring yun cellphone ko. Sasagutin ko na sana kaso namatay.
'' Sino yung tumawag?
tanong niya." Si noel bakit?
tanong ko." Ahhh may number kana pala niya?
tanong niya." Bakit selos ka?
sabi ko." Ba't ako magseselos girlfriend ba kita?
tanong niya.Ayaw mo pa kasi mahulog sa akin ehh. Para naman maging gf mo na ko ay ano ba yan ang assuming ko talaga. Minadali ko na lang mag lakad baka mamaya ano pa masabi niya na masama. Habang nagmamadali ako maglakad bigla dumating si noel.
"grassya, uuwi kana ba?
tanong ni noel."ou bakit?
tanong ko." sabay na tayo?
sabi niya." may kasabay kasi ko ehh.
sabi ko." Ahhh si john sige sa susunod na lang..
sabi niya."Di sumabay kana sa amin...
sabi ni john."Sige..
Teka dalawa lalaki pala kasabay ko na papagitnaan pa talaga ako ehhh. Feeling ko tuloy pinag-aagawan nila ko, teka nga ang assuming ka na ata masyado ngayon. Grassya wag ka nga assuming jan.....
BINABASA MO ANG
My Tutor
Novela Juvenil"Wala ako hilig mag-aral pero pag ganto ka gwapo ang mag tuturo sa akin why not?." -Grassya San Antonio-