Finals.
Today is the day of finals kaya masyado akong kinakabahan. Sana makapasa ako gusto ko makabawi kay John sa lahat ng paghihirap niya. Ilang oras na lang ang inaantay para mag-umpisa na ang final exam. Kanina pa ako handa kaya naiinip na ko. Habang nag-aantay kami nakita ko sila Baron at Pristine na masayang nag-uusap. Mukhang nagkaayos na sila. Mabuti naman kung ganon. Ang hirap kaya ng pinag daanan ni Baron. Halos pareho kaming ng pinagdaanan noon. Pero masaya ako para sa kanila kasi buo na ulit sila. Tapos nakita ko si John kaya naman pumunta ako sa may labas ng room. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko kay John. "Tinitingnan ka?"
Sabi niya. Ayiee. Okay tama na may inspirasyon na ko. "Galingan mo sa exam ha?" Sabi niya. "Oo naman para sa future at sayo." Sabi ko. "Sige na malapit na ang exam." Paalam niya. Hanggang sa nag-umpisa na nga ang test. Una namin test ay English kaya naman duguan ang labanan. Madali naman kasi halos lahat ng neriview namin andoon. Pangalawa naman namin test ay Math madugo din ang labanan kaya todo suma ang ginawa ko. Halos mangamote ako sa isang tanong pero nasagot ko naman. Pangatlo ay ang Science multiple choice naman kaya di ako masyado nahirapan. Pang-apat ay ang Recess kaya naman agad ako lumabas at pumunta sa Canteen. Biruin mo dinugo ako sa tatlong test na yun. Kaya pumunta ako sa tunay kong section. Para humingi ng napkin kay Rizzy. Di ko talaga akalain na magkakaroon ako sa araw na ito. Pasabay-sabay pa kasi yung regla ko. Pagkapunta ko doon nakita ko si John. "Baby si Rizzy?" Tanong ko agad. " Tawagin ko lang baby." Sabi niya. Kaya nag-antay ako ng mga ilang segundo lang. "Why my Friend?" Tanong niya. Kaya naman hinila ko siya palabas ng room. "May extra napkin ka ba diyan yung may wings.?" Bulong ko. "Meron ka?" Tanong ni Rizzy. "Oo talagang sumabay pa ngayon." Sabi ko kay Rizzy. "Teka lang wait mo ko at sasamahan kita sa cr." Sabi ni Rizzy. Isang minuto lang ako nag-antay at sinamahan na niya ako sa cr. Grabe ayoko talaga sa lahat yung may mens ako pahirap na sagabal pa. Tssk! No choice. Pagkatapos ay hinatid na niya ako sa room. Nag-umpisa ulit ang test at ang pang-apat ay Filipino madali lang yun kaya di ako nahirapan. Pang lima ay ang Mapeh easy lang ang mapeh para sa akin. Pang-anim ay ang TLE from food processing mahirap konti pero ayos lang. Pangpito ay ang Edukasyo Sa Pagkatao easy lang kaso nakakabagot ang test na ito ang dami babasahin na mahahaba kung pwede lang manghula kanina pa ko tapos kaso di pwede. At ang huli ay ang Araling Panlipuna what a nice world is this mas matindi pa ito sa Esp nakakainip ang test na ito. Pero ayos lang multiple choice lang din. Hanggang sa natapos kami sa lahat ng Test. Alas kuatro na pala kaya ayun bukas na lang daw ipapaskil sa pisara ang mga score namin. Bakit bukas pa? Nakakainip naman masyado pero excited ako sa score ko. Pagkatapos ng final pirmahan ng clearance at bakasyon na di ko alam kung saan kami sa bakasyon ni mama pupunta. Pero gusto ko sa may boracay lakas mangarap nuh? Pero kahit sa bahay na lang atleast okay na yun. Ngayon ko sana sasagutin si John kaso naisip ko bukas na lang. Ipagkabukas na lang natin ang lahat. Habang naglalakad ako bigla may kumalabit sa akin at si John yun. "Ano madali ba yung mga test?" Tanong niya. "Maybe?" Sagot ko. Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. Trip niya yung buhok ko ehhh. Hanggang sa nadaanan namin yung mga couple. Na kanina pa daw nag-aantay sa labas. Mga reklamador mga ito ehh. "Ang dali ng test ngayon sesa yung sa NCAE." Sabi ni Brixx. "Tssk! Nanghula ka lang kamo." Sabu ni Rizzy. ''Di kaya ako manghula baka ikaw." Sagot ni Brixx. Dalawa talaga ne're hilig magbangay sa harap namin. Buti di nagseselos yung mga syota nila. "Oyyy mahiya nga kayo sa mga syota ninyo." Sabi ko. "Ikaw kasi ehh." Sabi ni Brixx. " Bakit ako kaw kaya nanguna." Sabi ni Rizzy. Ayaw pa talaga magtigil ehhh. Hmm bahala nga sila. "Tama na nga babe masyado kanang high blood." Sabi ni Noel kay Rizzy. "Pandan inaaway ako ohh." Sumbong ni Brixx kay Athena. "Tssk! Nagsumbong pa ehh, Athena pagsabihan mo lang yang boygriend mo." Sabi ni Rizzy. Ang tapang talaga ng my friend ko. "Buko maglubay ka na nga kanina ka pa nakainom ka ba ng gamot mo?" Tanong ni Athena kay Brixx. "Hindi ata ehh." Sagot ni Brixx. Tssk! Kaya naman pala oo may iniinom na gamot si Brixx kasi Hyper yan at may sakit sa puso. Kaya bawal sa kanya ang malungkot kaya ayun hyper ang loko. "Kaya naman pala para kang na ka wala sa kural." Sabi ni John. "Kural naman daw baka sa Junggle." Sabi ni Rizzy. "Tama na nga kumain na lang tayo gutom lang yam sesa mag pagligsahan kayo diyan." Awat ni Brixx. Nag-aya ako na pumunta sa Mini Forest para tumambay pero bago kami tumambay doon dumaan muna kami sa park and shop na malapit sa mini forest. Puro kami tawanan kaya ang ending masaya kami umuwi sa aming mga kanya-kanyang bahay. Ito yung araw na halo-halo ang mga feelings na nararamdaman ko. Masaya na kabado pero lalo ako excited sa mangyayari bukas. Sana makapasa ako. I can't wait it.
BINABASA MO ANG
My Tutor
Novela Juvenil"Wala ako hilig mag-aral pero pag ganto ka gwapo ang mag tuturo sa akin why not?." -Grassya San Antonio-