Chapter TwentySix

416 6 0
                                    

Pagkadating ko sa super market na kita ko agad si Noel. May kasama siya lalaki pero di ko makita kasi na ka cap tapos mask. Paglapit bigla ako inakbayan ni Noel halata na hindi niya ako na miss.

"Long time no see Grassya."
sabi niya.

Wala na lang ako nasabe kasi masyado siya excited na makita ako. Ganon ba ako ka tagal na nawala. Tiningnan ko lang yung lalaki na kasama niya. Teka si Brixx ba ito? Tinanggal ko yung cap na suot ng lalaki di nga ako nagkamali si Brixx nga. Tulog pala kaya naman pala na ka cap at mask. Tinapik ko siya tapos bigla niya ako niyakap gaya ng yakap ni Noel.

"Long time no see Bestfriend"
Sabi niya ng nakangiti.

"Kamusta na ba mga friend?"
Tanong ko.

"Okay lang ako/kami"
sabi ni Brixx.

"Ahh so kasama ba siya?"
Tanong ko.

"Oo nung wala ka kasi si Noel kasama ko si Rizzy naman busy."
Sabi ni Noel.

"Wow naman talaga ba?"
Bida ko.

"Grabe siya."
Sabi niya.

"Di joke lang kaw naman."
Na ka ngiti kong sabi.

"Mukhang maganda ang awra mo ngayon ahh?"
Tanong niya.

"Di masaya lang ako."
Sabi ko.

"Oh siya tara na baka inaantay na tayo ng mga bata."
Sabi ni Noel.

Pumunta kami sa lugar ng mga biscuit pumili kami ng mga ilang balot. Tapos pumunta kami sa drinking station bumili kami ng maiinom kasi kanina pa nauuhaw si Brixx alam mo naman yung lalaki na yun mareklamo. Bumili kami ng mango shake matagal na kasi ako hindi na kakainom nito. Grabe na miss ko talaga yung lasa ne're. Pagkatapos pumunta kami sa lugar ng mga mineral water saka kami pumunta sa lugar ng mga candies. Saka kami pumunta sa counter 1 konti lang kasi yung mga na bili namin mga 2 box siguro kaya sa counter 1. Ganun kasi dito by counter kunwari mga dalawa kahon doon ka sa counter 1 pagmarami siguro sa counter 2-10. Pagkatapos pumunta na kami sa mga bata grabe na miss ko sila kaya niyakap ko sila isa-isa. Habang kumakain sila bigla nagpatugtog si Brix ng baby shark tapos bigla natuwa yung mga bata. Tapos sumayaw si Brixx grabe ang tawa ko at ng mga bata kaloka si Brixx na miss ko yung kalokohan niya ehh. Nabusog ako sa kakatawa pati si Noel na ki sayaw na tapos ako hinila ni Brixx ayun na pa sayaw ako ng di oras. Pati yung mga bata sumayaw na din grabe ang saya sana ganto palagi. Di tulad ng mga nakakaraang araw na malungkot tapos puro problema ang iniisip ko. Pero ngayon isa na lang ang problema ko ang bumawi sa susunod na exam. Para makasama ko na si John of my life. Miss ko na nga siya agad ehh. After namin magpasaya ng mga bata naisipan namin mag bonding na magkakaibigan matagal na rin kasi kami hindi nagkikita. Kaya dali ko tinawagan si Rizzy ayun susunod na lang daw sila. Naisipan ko rin tawagan si John para maging part na siya ng tropa namin. Oopps magiging part na rin pala ako ng puso niya. Kinikilig tuloy ako para akong tanga dito kasi na papangiti ako ng di oras. Si John kasi masyado niya ako pinapakilig. Habang inaantay ko yung dalawa na bumili pa ng footlong naisipan ko pumunta sa may upuan at sa hindi inaasahan na kita ko si Baron.

"Hi Grassya."
Bati niya.

"Hello."
Sabi ko.

"Kamusta na okay ka na ba nabalitaan ko kasi dinala ka sa clinic." Sabi niya.

"Oo ayos na kayo ba?"
Tanong ko.

"Medyo di pa okay kasi alam mo na may gusto siya kay John di ba?" Tanong niya.

"Ahh okay lang yan tiwala ka lang di mawawala sayo si Pristine trust me."
Masaya kong sabi.

"Sa--"

"Grassya sino yan?"
Tanong ni Brixx.

"Ahh nga pala Brixx siya si Baron." Sabi ko.

"Hmmm, may gusto ka ba sa bestfriend ko?" Tanong niya.

"Grabe siya ohh, Kaibigan lang turing ko kay Grassya."
Sabi ni Baron.

"Mabuti naman."

Nagulat ako doon si John pala yung sumabat. Grabe makagulat para ako aatakihin sa puso. Ano kaya ibig sabihin noon selos siya. Ayiee si John may pinagseselosan na. Lalo tuloy ako na inlove sa kanya.

"Teka at bakit mabuti ahh?"
Tanong ni Brixx.

"Kasi Me and Grassya is now dating." Sabi niya.

Hala siya pinangalandakan talaga ehh. Proud siya na nagdadate na kami. Kaya na inlove ako sa lalaki na're ehh. Kaso si Brixx hindi makapaniwala.

"Di nga Grassya nag date na kayo?" Pangbente niyang tanong.

"Oo nga kahapon lang."
Sabi ko.

"DATE? Sino nagdadate?"
Tanong ni Noel.

"Si John at Grassya"
sabi ni Brixx.

"Wehhhh di nga?"
Nakakatawang sabi ni Noel.

Hirap kausap ng mga ito parang sirang plaka lang ehh. Paulit-ulit na lang nakakailang sabi na ko ehh. Teka asaan sila John at Baron sabi nila saglit lang sila eh ang tagal na nila wala. Asan kaya yung dalawa na yun.

Hello readers baka po malate ako ng update medyo busy ang lola ninyo. Pero babawi ako paghindi medyo busy. Salamat nga pala sa inyong pagbasa at sa vote ninyo. Nakakagalak po ang inyong pagsubaybay sa aking Likha. Salamat po.
#MyTutor

My TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon