Grassya.
Buti na lang hindi nagalit sa akin sila Brixx kasi na tarayan ko ata sila noon. Pero okay naman na kami apat pwera lang kay John. Ayoko muna siya pansinin at kausapin kasi di naman niya ako pinapansin ihh. Ganon pala siya siguro masaya siya ngayon kasi hindi ko na siya inaabala. Baka nga mag thank you pa siya. Oo wala na manggugulo sa iyo tandaan mo yan John Tenison. Papunta ako ngayon sa bahay nila Noel para sa Project namin dalawa na Tawid Gutom para sa mga Bata. Iyan yung plano namin na tuwing umaga ay pupunta kami doon para mamigay ng konting makakain yung mga batang kalye. Na approve kay mama kasi sabi ni mama na tama daw na tumulong kami sa mga batang lansangan. Sa totoo nga niyan si mama na yung producer namin. Pagkadating ko sa bahay nila Noel agad naman lumabas siya.
"Tara na"
Aya niya."Tara."
Sabi ko.Pumunta kami sa Super Market tapos bumili kami ng mga biscuits at mineral water. Tapos pumunta kami sa Jollibee para bumili ng Yum Burger at Fries. Dahil sa favorite ko ang fries ay kumain ako ng isang Large. Grabe sarap talaga ng Fries sa Jollibee. Pagkatapos namin bumili ay pumunta na kami sa mga bata sa may malapit sa school. Habang naglalakad kami sinalubong agad kami ng mga bata. Grabe close na close na agad sila sa akin. Hindi ko iniinda yung amoy at itsura nila ang tanging hangad ko lang naman ay makatulong ako. Pinamigay namin yung mga foods tapos pinasaya namin yung mga bata. Sa totoo lang ang sarap tumulong lalo na't bukal sa kalooban mo. Pagkatapos namin pasayahin at busugin ang mga bata ay umalis na kami.
"Gusto mo kumain?"
Tanong ni Noel."Sige busog pa naman ako."
Sabi ko."Tara sabayan mo na ako kumain." Aya niya.
"Sige na nga."
Pagkatapos namin kumain ay hinatid na ako ni Noel. Pagod pero masaya naman. Ni hindi ko nga naalala si John. Kaso ngayon na alala ko na naman siya. Ang hirap talaga lalo't na sanay na ako na lagi siya nakikita. Na ka ka panibago. Itulog ko na lang ito sesa isipin ko siya.
BINABASA MO ANG
My Tutor
Genç Kurgu"Wala ako hilig mag-aral pero pag ganto ka gwapo ang mag tuturo sa akin why not?." -Grassya San Antonio-