Me and John is now dating. Parang tanga lang paulit-ulit na lang sa bibig ko. Habang na nunuood ako ng cartoons bigla may kumatok kaya pumunta ako para tingnan kung sino. Pagbukas ko bigla ko na ibuga yung iniinom ko. Si my loves andito sa harap ng bahay namin mismo.
"Sorry di ko sadya kaw kasi masyado mo ko ginulat."
Pinapasok ko siya tapos pinunasan ko yung mukha niya.
Habang pinupunasan ko yung mukha niya bigla niya hinawakan yung kamay ko. Tapos bigla niya hinalikan.
Maginoo ang peg. Bigla dumating si mama. At nahuli kami ng hindi sinasadya ni mama."John ano ginagawa mo sa kamay ng anak ko?"
Tanong ni mama."Hello po tita"
Nagmano siya."Ahh mama may sasabihin po ako sa inyo." Sabi ko.
"Ahh, Tita nililigawan ko po ang anak ninyo sana po payagan ninyo ako." Sabi niya.
"Aba syempre naman kung saan sasaya ang anak ko." Masayang sabi ni mama.
"Yiee. Thank you mama."
Masaya kong sabi."Oh siya pupunta muna ako sa tita mo maiwan ko muna kayo di yan wag lang kayo gagawa ng di maganda ahh." Sabi ni Mama.
"Mama naman."
sabi ko.Umalis si mama na tumatawa si mama talaga kung ano-ano iniisip. Behave naman talaga kami saka ano ba ibig sabihin noon?.
"Nanonood ka pala ng Zig and Sharko?" Tanong niya.
"Favorite ko kasi yan ano naman masama doon?" Sabi ko.
"Wala nagtanong lang naman kaw talaga masyado kang palaban." Sabi niya.
So palaban pala bahala ka nga jan. Bahala ka mag-isa mo jan papanik na sana ako ng bigla niya ako hinila at niyakap.
"Sorry na po wag kana magalit nagsasabi lang naman ako ng totoo ehh." Sabi niya.
"Hmm, malaki na ba talaga pinagbago ko?" Tanong ko.
"Magbago ka man ikaw pa rin yung babae na minahal ko."
sabi niya."Talaga ba?"
"Oo naman."
Natawa na kinikilig ang awra ko sa ngayon. Tapos yun sinabi niya na mag-aaral daw kami ngayon. Sana kayanin ko. Tinuruan niya ako ng tamang gramar yun madugo-dugo ang labanan. Pagkatapos ay math jusko ang daming problem na dapat sagutin. Suko na ko.
"Kaya pa ba?"
Tanong niya."A-ahh oo naman kaya pa!"
sabi ko.Wala ako kahilig-hilig mag-aral pero pag ganto ka gwapo ang magtuturo sa akin why not?
Pagbubutihan ko na lang sesa naman mabagsak ako. Pogi naman yung magtuturo sa akin kaya kakayanin ko. My tutor is my soon to be my boyfriend. Tama ba sabi ko? Basta yun na yun."Tumatawa ka?"
tanong niya."A-ahh hehehe."
Pagkatapos namin mag-aral ng tutor ko naisipan kong kumuha ng makakain sa kusina. Sakto naman may nakita akong tinapay sa rep at juices. Yun na lang ang kinain namin habang kumakain ako bigla lumapit si John.
"May mugmog ka pa sa labi oh."
Sabi niya.Ayy tanga para talaga akong bata kung kumain. Pero ang sweet niya sa akin tinangal pa niya. Yung pangarap ko dati unti-unti na nagkakatotoo. Habang kumakain kami bigla nag ring yung cellphone ko.
"Hello, grassya pwede ka ba bukas hinahanap ka na kasi ng mga bata sa akin." Tanong ni Noel.
"Oo naman"
sagot ko."Sige abangan na lang kita bukas sa super market ng 8 ng maga."
"Sige"
Call end.
Ang tagal ko na rin pala hindi nakikita yung mga bata. Bawi na lang siguro ako sa kanila bukas. At Matagal ko na rin hindi na kakamusta sila Noel at Brixx. Paano na layo ako sa kanila sipag ko kasi mag-aral. Miss ko na yung mokong kong bestfriend na lalaki. Na miss ko na yung mapambarang lalaki na yun. Pati si Noel na kaibigan ko. Si Rizzy di ko siya na miss kakakita lang namin kahapon ehh. Saka tagal namin nag-usap kahapon di ko nga lang na enjoy dahil sa na ka tulala ako. Naalala ko tuloy yung sugat ko dahil sa katangahan medyo makirot pa pero gagaling din ito.
"Nga pala ayos na ba yung sugat mo?" Tanong ni John.
"Medyo makirot pa pero gagaling din naman ito." Sabi ko.
"Sa susunod ahh wag kana magkakasugat nasasaktan ako."
Sabi niya."Bakit nagkakasugat ka rin?"
Tanong ko."Hindi i mean na sasaktan ako pagnakikita kita na may pinagdadaan or kung ano pa man." Sabi niya.
Ayy tanga ang slow ko talaga mahirap kasi ako makagets.
Pagkatapos namin kumain ay dinala ko sa kusina yung mga baso. Naisipan ko na hugasan na para dadalawa lang naman ito. Habang binabanlawan ko bigla ako niyakap ni John."Ang sipag naman ng bee ko."
sabi niya."Bee?"
"Tawagan natin okay ba?"
tanong niya."Ahh, para dalawa lang naman ito" Sabi ko.
"Ano okay lang ba sa iyo yung Bee?" Tanong niya.
"Oo naman bee"
Feeling ko namumula na yung pisngi ko. Kasi naman lakas ng karisma ng lalaki na ito. Wala na ako hihilingin pa kung hindi si John lang na ngayon ay magiging nobyo ko na. Sana hindi na matapos ang lahat na ito.
Jossya<3Hello readers salamat sa inyo sa pagbasa ng MT sana po ay inyo nagustuhan. Salamat.
BINABASA MO ANG
My Tutor
Jugendliteratur"Wala ako hilig mag-aral pero pag ganto ka gwapo ang mag tuturo sa akin why not?." -Grassya San Antonio-