Grassya Point of view.
Tama ba yung narinig ko ako ang may pinakamababa score. Pero nagreview naman ako ehh. Bakit ganon ang baba pa rin. Kaya malungkot kong kinuha yung test paper ko. Paano yan di na ata ako makakabalik sa section ko talaga. Ginawa ko naman ang lahat pero wala bagsak talaga ko.
"Grassya wag ka malungkot diyan di pa naman final yan."
Sabi ni Ma'am."Po?"
"Sa katunayan natutuwa nga ako kasi na aachive mo na ng konti."
"Talaga po?"
"Oo review pa lang naman yung test natin na yan but sa susunod dapat mataas na."
"Yes naman po"
Dahil sa narinig ko na pa ngiti ako ng sobrang laki. Buti na lang at hindi pa final pero pagbubutihan ko na talaga for my future. Magsisipag na ko promise di nga lang araw-araw. May araw kasi na tinatamad ako pero mag-aaral pa rin ako. Pagkaupo ko bigla ako nagulat kay Baron.
"Konti na lang makakaalis ka na sa section na ito Grassya."
Pabirong Sabi ni Baron."Sana"
Nakangiti kong sabi ko."So paano yan mang-iiwan ka na"
Sabi niya."Ano ka ba kaibigan pa rin naman kita kaya di kita kakalimutan."
"Sabi mo yan ahh."
Nakangiti niya sabi."Oo nga pala ayos na ba kayo ni Pristine?" Pag-iiba ko ng usapan matagal ko na rin kasi hindi na kakamusta itong si Baron at ang kanyang gf. Ano na nga balita sa dalawa na ito kasi kami ni John is everything okay na. Pero sila ano na nga balita?
"Hindi, hindi pa kami masyado ayos dahil sa gusto pa din niya si John. Kala ko nga pagnagkaayos kayo ni John ay magiging ayos na din kami ni Pristine kaso hindi mas lalo pa naging malala ang lahat. Pero alam mo Grassya masaya ako para sa inyo ni John kasi naging okay na kayo. Lalo't unti-unti ka na nag level up. Pero alam mo Grassya inggit din ako sa inyo ni John kasi ang saya ninyo pagmagkasama kayo tapos ako inaalala ko na lang yung masaya naming alaala. Grassya sana ikaw na lang si Pristine kasi ganyan siya nung una ko siya makilala. Sayo ko nakikita ang dating Pristine na nakilala ko."
Naiiyak niya sabi naiintindihan ko siya kasi minsan na akong naging ganon. Selos lang naman yung akin kaso yung selos na yun iba ang kinahantungan kasi naging iba ugali ko noon. Iba kasi pagnagmahal lahat nagbabago gaya ko. Pero sa nakikita ko kay Baron hindi siya basta- basta susuko hanggang kaya pa niya. Naihalintulad pa niya ako sa girlfriend niya tamad din kaya si Pristine tapos ng dahil kay Baron nagbago. Ha? ang layo naman baka naman kikay like me. Ayy ewan basta isa lang ako at wala maiihalintulad sa akin. Ang reyna ng mga tamad na nagbabago para sa future. I'm future Flight Attendant para hindi na mag-abroad si papa then malibot na din ang buong mundo like Korea, Japan, China, LA then ang Pinas na aking bansa. Pagnakatapos talaga ako ng pag-aaral gagawin ko lahat ng mga sinabi ko. Kaso naputol ang pangangarap ko ng bigla na umiyak at yumakap sa akin si Baron. Kawawang bata uhaw sa pagmamahal ng kanyang girlfriend.
BINABASA MO ANG
My Tutor
Teen Fiction"Wala ako hilig mag-aral pero pag ganto ka gwapo ang mag tuturo sa akin why not?." -Grassya San Antonio-