"GO, STONE!"
Napansin ni Kisa na nakakunot-noong napatingin sa kanya ang mga katabi niya sa bleachers. Marahil ay nalakasan ang mga ito sa boses niya kaya ganoon na langang pagkakakunot ng noo ng mga ito.
Well, wala siyang pakialam sa mga ito. Friendly match nang araw na iyon ng Sunray at Empire University kaya kailangan niyang ibigay ang buong suporta niya kay Stone na sa unang pagkakataon ay maglalaro bilang miyembro ng starting line ng Sunray.
"Kisa, mukhang maayos na talaga ang lagay mo, ha?" nakangising sabi ni Cloudie na katabi niya sa bleachers.
"Oo naman. Maayos na si Mama at ngayon naman, nararamdaman kong lalo kaming napalapit ni Stone sa isa't isa," nakangiting sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa court. Napatayo siya nang maagaw ni Stone ang bola mula sa kalaban. "Fighting, Stone!" buong lakas na sigaw niya.
Dumako ang paningin niya sa orasan. Dalawang minuto na lang ang natitira sa game. Dalawang puntos pa rin ang langng Empire sa Sunray. Kailangang makatatlong puntos pa ang Sunray.
Pinagdaop niya ang kanyang mga kamay. Kumakabog ang dibdib niya. Gusto niyang manalo ang Sunray dahil iyon ang unang laro ni Stone bilang miyembro ng starting line, kahit pa unofficial iyon dahil friendly match lang naman ang magaganap.
Nakikita niyang nagsisikap nang husto si Stone. Ayaw niyang panghinaan ito ng loob. Go, Stone! Kaya mo 'yan!
And there were only thirty seconds left! Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Halos pigilan na rin niya ang paghinga dala ng matinding antisipasyon.
Napapaligiran si Snap ng dalawang naglalakihang players mula sa kabilang team. Mabilis na gumalaw ito at ipinasa ang bola kay Stone.
Napasinghap siya. Walang nagbabantay kay Stone dahil halos lahat ng player ng kalabang team ay kay Snap nakatutok ang tingin dahil ito ang pinakamagaling na manlalaro.
Then when there were only ten seconds left, Stone jumped and swiftly made a three-point shot.
Napatayo at napasigaw silang mga taga-Sunray nang pumasok ang bola, kasabay ng pagtunog ng buzzer na senyales na tapos na ang laban. langang Sunray nang isang puntos sa kalaban.
"We won!" sigaw niya.
Nagkagulo na bigla sa court. Nagyakapan ang mga miyembro ng SBT at binuhat ng mga ito si Stone, dahil ang huling tira nito ang nagpanalo sa team.
Hindi na nag-isip na nilundag niya ang metal railing na naghihiwalay sa court at bleachers. Inihanda na niya ang best smile niya para sana i-congratulate si Stone, pero bago pa siya makalapit dito ay kumapal na nang kumapal ang mga tao sa palibot nito. Halos mabunggo na nga siya sa dami ng mga estudyanteng lumapit dito. Ni hindi nga rin siya nito tinatapunan ng tingin. He was happy. Too happy to notice her.
Parang ba binuhusan siya ng nagyeyelong tubig habang pinapanood ito. A painful realization suddenly struck her.
Ngayong miyembro na ito ng special five at ito pa ang nagpanalo sa team sa match ngayon, hindi na ito si "Mister Bangko." Samantalang siya, nananatiling si "Miss Ugly Duckling."
***
"KISA, ngayon ang interview ng classmates ko kay Stone, ha?" paalala ni Cloudie sa kanya.
Nasa cafeteria sila noon kung saan hinihintay nila ang live broadcast ng interview ng Broadcasting Club sa mga miyembro ng SBT, partikular na kay Stone na siyang nagpapanalo ng laban.
Dapat ay si Cloudie ang mag-i-interview sa SBT dahil ito ang pinakamatalinong Broadcasting student pero tumanggi ito dahil guwapo ang lahat ng miyembro ng SBT. Allergic si Cloudie sa mga guwapo.
BINABASA MO ANG
Miss Ugly Duckling Chases Mr. Bangko (COMPLETE)
Romance"'Sabi mo, I deserve someone better. Sino ba 'yong 'someone better' na 'yon? Kamag-anak ba siya ni 'someone like you'? Well, pakisabi kay 'someone better' na hindi ko siya kailangan dahil meron na akong 'someone like you.'" Funny-walain si Kisa kaya...