"ANO BA, 'ling! Ibalik mo na ang ID ko!"
Napahinto si Kisa sa akmang pagtaktak ng sitsirya sa kanyang bibig. Kanina pa niya hinihintay si Stone sa park ng Sunray University. Katulad ng inaasahan niya, hinanap nga siya nito para bawiin mula sa kanya ang school ID nito. Kapag may estudyante kasing nahuli na hindi suot ang ID ay dinadala ito sa guidance office.
Si Snap ang kumuha ng ID ni Stone sa locker room ng mga player ng SBT at ibinigay iyon sa kanya upang ma-blackmail niya si Stone.
"Hi, Stone! Kanina pa kita hinihintay," masiglang bati niya rito.
"Bakit mo kinuha ang ID ko?" galit na tanong nito.
"Relax. Ginawa ko 'yon dahil gusto kitang tulungan."
Kumunot ang noo nito. "Tulungan?"
Tumango siya. "Oo. Isasauli ko sa 'yo ang ID mo sa isang kondisyon."
Tumaas ang isang kilay nito. "At anong kondisyon naman 'yon?"
"Mag-a-undergo ka ng secret training with me para ma-improve ang paglalaro mo ng basketball. Para sa susunod na game ay mapasama ka na sa starting line."
"Magpapagawa na lang uli ako ng ID," sabi nito at tinalikuran na siya.
Napasinghap siya. Hindi niya naisip na puwede nga pala uling magpagawa ng school ID kapag nawala iyon. "Wait, Stone!" Umagapay siya ng lakad dito. "Para sa 'yo rin naman 'to. Bakit ayaw mong tanggapin ang tulong ko?"
"Hindi ko kailangan ang tulong ninuman."
"Well, bad news, Mr. Marasigan. You badly need help. Gusto mong makapasok sa special five, 'di ba? Kung gano'n, bakit ayaw mong tanggapin ang tulong ko?"
"Kaya ko ang sarili ko."
"Hindi kaya. Ni hindi ka nga sumusubok, eh," kontra niya.
Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. "Ano'ng sinabi mo?"
"Kung gusto mong makuha ang isang bagay, hindi ba dapat ay nagsusumikap ka na maabot iyon sa halip na nagmumukmok ka? At kung may nag-aalok ng tulong sa 'yo para makuha mo ang pinapangarap mo, bakit ka magmamataas at tatanggihan iyon? Kung totoong kaya mo ang sarili mo, bakit nandito ka pa rin kung nasaan ka noong isang taon?" Hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang saloobin niya dahil naiinis na siya sa katigasan ng ulo nito.
"What do you care, Kisa?" tanong nito sa malamig na tinig. "We're not even friends. Wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko. You're just a nuisance." Tumalikod na uli ito at naglakad palayo.
Mabilis na tumulo ang mga luha niya. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang pagtakas ang hikbi. Pero kumawala pa rin ang mga iyon. Gusto lang naman niyang makatulong. Pero tama si Stone. Wala siyang karapatang gawin iyon. She was just a nuisance. Masakit lang isipin na sa halip na makatulong ay nakadagdag pa siya sa problema nito.
Yumuko siya at pinahid ng mga kamay ang mga luha niya. "I'm sorry," pabulong na sabi niya.
"Why are you being such a crybaby?"
Gulat na tumingala siya nang marinig ang nagsalita sa harap niya. "Stone!"
He snorted. Pagkatapos ay maingat na tinuyo nito ang mga luha niya gamit ang sleeve ng jacket nito. "Huwag mo 'kong iyakan. I don't deserve your tears."
Lalo siyang napahikbi. "Nuisance ba talaga ako sa 'yo?"
Bumuga ito ng hangin. "Mainit lang ang ulo ko. Ayoko kasing pinapakialaman ang mga gamit ko."
Was that an indirect apology? Kung ganoon, hindi nito sinasadyang sabihin ang sinabi nito. Bigla tuloy siyang nakonsiyensiya. Nakakapikon naman na kasi talaga ang kakulitan niya.
BINABASA MO ANG
Miss Ugly Duckling Chases Mr. Bangko (COMPLETE)
Romance"'Sabi mo, I deserve someone better. Sino ba 'yong 'someone better' na 'yon? Kamag-anak ba siya ni 'someone like you'? Well, pakisabi kay 'someone better' na hindi ko siya kailangan dahil meron na akong 'someone like you.'" Funny-walain si Kisa kaya...