"IF YOU walk away now, I'll never chase you again, Stone!"
Napahinto si Stone nang marinig niya ang pagbabanta ni Kisa. Magkahalong galit at desperasyon ang nahimigan niya sa tinig nito.
Napatiim-bagang siya. Ikinuyom niya ang mga kamay hanggang sa maramdaman niya ang pagbaon ng mga kuko niya sa kanyang mga palad. Kinagat din niya ang ibabang labi hanggang sa magdugo na iyon. Hurting himself was the only way to stop himself from running back to her. Damn! Every fiber of his being screamed to be with her.
He closed his eyes as he forced himself to walk away from her again. Bawat hakbang niya, pakiramdam niya ay ang sariling puso ang tinatapakan niya dahil sa tindi ng sakit na nadarama niya.
"Stone! 'Huwag mong gawin sa akin 'to!" umiiyak na sigaw ni Kisa. "Promise, hindi na kita kukulitin! Tatanggapin ko kahit magkaibigan na lang tayo! Huwag ka lang lumayo!"
Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad.
"Stone! I don't want to lose you!"
"I don't want to lose you either Kisa," bulong niya sa kanyang sarili.
"Come back here, Stone!"
"I want to, but I mustn't," pabulong na sagot niya, saka siya tumakbo nang mabilis.
Habang tumatakbo ay nagpanggap siya na hindi naririnig ang sigaw ni Kisa. Noon pumatak ang mga luha niya.
It's so painful to run away from you, Kisa. It really is. But I have to. This is for your own good. If hurting you now is the only way to save you from getting hurt further in the future, then I'll do it. I can't bear to break your heart any more than I already have. I'm sorry.
Sumigaw na siya habang tumatakbo para kahit paano ay mapagaan ang kanyang kalooban. Pakiramdam kasi niya ay may napakabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga dahil doon.
Malayo na siya sa court nang biglang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Sa pagbuhos niyon ay naalala niya ang pag-uusap nila ng isang mahalagang tao sa buhay niya noong bata pa siya.
"Gusto mo ba ang ulan, Stone?"
"Yes, Daddy! Wala po kasing pasok kapag umuulan!"
Tumawa ito. "Silly boy."
"Gusto mo rin ba ang ulan, Daddy?"
"Oo naman. But my daughter hates it. Madali kasi siyang magkasipon. Isa pa, lamigin ang batang 'yon."
Huminto siya sa pagtakbo. Pero para lang pumihit at tumakbo uli pabalik sa court. Ayaw ni Kisa sa ulan.
Pagdating niya sa court ay nalungkot siya sa kinalabasan ng candlelit dinner na inihanda ni Kisa para sa kanya. It looked like a mess now.
Nakita niya si Kisa na nakasilong sa isang saradong tindahan malapit sa court. Nakaupo ito habang yakap-yakap ang mga tuhod nito. Nanginginig ang buong katawan nito dala marahil ng lamig. Mukhang nabasa rin ito ng ulan dahil basa ang buhok nito. Nakayuko ito kaya hindi pa siya nito nakikita.
Naawa siya rito. Lumapit siya rito habang hinahanap sa backpack niya ang face towel na ibinigay nito sa kanya noon.
"Kisa."
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. The usual glow in her eyes had been replaced by sadness. Hindi ito nagsalita at sa halip ay nagbaba lang uli ng tingin. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam nito kapag hindi niya ito pinapansin.
Tumingkayad siya sa harap nito at marahang pinunasan ang basang mukha nito.
"Nilalamig ka ba?" tanong niya rito. "Of course you are. Dala mo ba ang sasakyan mo? May spare shirt ka ba?"
BINABASA MO ANG
Miss Ugly Duckling Chases Mr. Bangko (COMPLETE)
Roman d'amour"'Sabi mo, I deserve someone better. Sino ba 'yong 'someone better' na 'yon? Kamag-anak ba siya ni 'someone like you'? Well, pakisabi kay 'someone better' na hindi ko siya kailangan dahil meron na akong 'someone like you.'" Funny-walain si Kisa kaya...