Chapter Twelve

6.4K 239 32
                                    

NOTE: HI. Ipa-private ko ang chapters 14-15. Kung followers ko kayo, no problem. Magiging visible sa inyo ang chapters na 'yon. Kung hindi pa, click the follow button lang para hindi niyo ma-miss. Thank you. :)

***

STONE felt his heart shattering to pieces once more as he watched Kisa speeding away. Wala siyang magawa upang pahupain ang galit nito. Gusto niyang protektahan ito na huwag masaktan uli pero tama ito, kung mayroon mang mananakit dito, siya iyon. Kaya nga sa umpisa pa lang ay umiwas na siya rito. Dahil alam niyang magkakasakitan lang sila sa bandang huli.

Pero matigas ang ulo niya. Kasintigas iyon ng puso niya. Hindi niya nagawang lumayo rito. Dahil kung gaano kasakit isipin na siya ang dahilan ng kalungkutan nito, ganoon din kasakit ang paglayo rito. And how could he stay away from her if every fiber of his being ached to be with her?

"Tama ka, Kisa, ito talaga ang gusto ko. And now, Miss Ugly Duckling won't chase me anymore." Ngumiti siya nang mapait. "Pero wala na ring Kisa na magmamahal sa akin. Nakakatawa, hindi ba? Tinanggihan ko ang pag-ibig mo no'ng una pa lang. So why do I feel like I can't live without your love now?"

Mga bata pa lang sila ay kilala na niya si Kisa. Kilala niya ito dahil sa mga litrato at kuwento sa kanya ng stepfather niya. Kaya nang makita niya ito sa Sunray University isang taon na ang nakararaan, alam na niyang ito ang batang inagawan niya ng ama.

Natakot siyang malaman nito ang katotohanan dahil natatakot siyang masaktan uli niya ito, kaya naman naging suplado siya rito at itinaboy ito. He didn't deserve her love. Pero hindi pa rin niya naiwasang maging masaya sa ipinaparamdam nitong pagmamahal sa kanya.

Naisipan niyang maging mabait dito dahil hindi rin niya kinayang makita na nasasaktan niya ito tuwing itinataboy niya. But he never expected that he would fall in love with her. Gayunman, ginawa niya ang lahat para pigilan iyon. He didn't deserve her. Wala siyang karapatang mahalin ito. Kaya nga nitong huli, pati si Monique ay ginamit niya upang pasakitan si Kisa para tuluyan na siyang sukuan nito. Alam ni Monique ang plano niya dahil nagpaliwanag siya rito. But in the end, he just hurt himself because he had hurt Kisa.

Pagbalik niya sa condo unit niya ay naabutan niya ang kanyang stepfather na nakaupo sa couch. Nakayuko ito at pisil-pisil ang pagitan ng mga mata nito. Umiiyak ito. Na naman. Walang pagkakataong hindi ito umiyak tuwing ikukuwento nito sa kanya kung gaano nito kamahal si Kisa at kung gaano ito nagsisising nasaktan ang prinsesa nito.

"Ang laki-laki na ng anak ko, 'no?" sabi nito. Marahil ay naramdaman nito ang presensiya niya. "Ang ganda-ganda niya. Hindi ko akalaing mayayakap ko uli siya. Kahit sandali lang 'yon, nayakap ko pa rin ang prinsesa ko. Stone, matagal mo na ba siyang kilala?"

"Opo. Mula nang lumipat ako sa Sunray University isang taon na ang nakalilipas."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Dahil naisip ko na kung lalayo tayo sa kanya, hindi na natin siya masasaktan uli. Do you know how bright her smile was the first day I met her? She looked so happy. Natakot akong mawala 'yon. Noon pa lang, nakapagdesisyon na ako na mas gusto ko ang nakangiti niyang mukha. To protect her heart, naisip kong hindi magpakilala sa kanya. Nagkamali ho ba ako ng ginawa? Galit ho ba kayo dahil hindi ko sinabi sa inyo na nakilala ko na ang anak n'yo?"

"Son, no. Hindi ako galit." Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Pero ano ang ibig sabihin nito?" May kung ano itong pinahid sa pisngi niya, pagkatapos ay ipinakita nito sa kanya ang basa nitong daliri.

Pinunasan niya gamit ang likod ng kanyang palad ang magkabilang pisngi niya. Hindi niya namalayan na umiiyak na naman siya. "Alam n'yo ho ba kung gaano kasakit para sa akin ang pigilan ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa kasalanan ng mga magulang ko? I want to hug her. I want to touch her. I want to make her feel that I love her more than she loves me. Dammit! All I want is to be with her!"

Miss Ugly Duckling Chases Mr. Bangko (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon