"KISA, let's talk," seryosong sabi ng kanyang ina habang nagmamaneho ito.
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin, 'Ma?" nababagot na tanong niya.
"Sana ay kinausap mo ang papa mo. Hindi tamang tinakbuhan mo siya. Maraming taon na ang lumipas. Oras na para patawarin mo siya."
Nilingon niya ito. "Bakit ganyan ka kadaling makalimot, 'Ma? Iniwan niya tayo para sumama sa babae niya!"
"Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo alam ang katotohanan."
Pumikit siya nang mariin. "I'm tired, 'Ma. Ayoko nang makinig sa kahit ano." Paghinto ng kotse sa tapat ng bahay nila ay agad siyang bumaba mula roon. She was too hurt and angry to listen to her mother. Hindi rin niya gusto ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanyang ama.
Nagulat pa siya nang pagdating niya sa sala ng bahay nila ay nakita niya si Oreo na may kausap na may-edad na lalaki. The man, who was probably the same age as her father, stood up when he saw them.
"Magandang araw," nakangiting bati ng lalaki.
Bumaling siya kay Oreo na mabilis namang nagpaliwanag. "Kisa, this is my father, Raul. Dad, siya po si Kisa, ang anak ni Tita Klaris."
Dumating na rin ang kanyang ina. "O, Raul, nandito ka na pala."
Pilit siyang ngumiti. "Hello, Tito Raul. Pasensiya na po kayo pero magpapahinga muna ako sa kuwarto ko. Excuse me," sabi niya nang hindi nililingon ang kanyang ina.
"Oreo, pakisamahan nga muna si Kisa. Kailangan niya ng kausap," narinig niyang sabi ng kanyang ina.
Hindi niya narinig na sumagot si Oreo pero naramdaman niyang nakasunod ito sa kanya kaya hindi niya isinara ang pinto ng kuwarto niya pagpasok niya roon. Padapa siyang humiga sa kama at doon umiyak.
"Magbihis ka muna, Kisa. Basa ka. Magkakasakit ka niyan," sabi ni Oreo.
Bumangon siya at hinarap ito. "Oreo, si Stone ang batang umagaw sa papa ko. Paano nangyari 'yon? I thought that child was a girl."
"Huminahon ka, Kisa." Umupo ito sa tabi niya at marahang tinapik-tapik ang likod niya. "Paano mo nalamang si Stone ang batang 'yon?"
"Nagkikita-kita kami sa court kanina. Ako, si Mama, si Stone, at ang papa ko. Alam ni Stone kung sino ako. Sa umpisa pa lang, alam na niyang ako ang anak ng lalaking inagaw ng nanay niya. Alam niya ang lahat pero hindi niya sinabi sa akin."
Matagal bago nagsalita si Oreo. "Hindi nga niya sinabi sa 'yo, pero hindi mo ba naisip na iyon ang maaaring dahilan kung bakit pilit ka niyang itinataboy noon?"
Natahimik siya. May punto si Oreo. Maaaring hindi masabi-sabi ni Stone sa kanya ang bagay na iyon dahil alam nitong mananariwa ang sugat sa puso niya, kaya pilit siya nitong itinaboy upang marahil mapigilan nito ang pagtuklas niya sa katotohanan. Kaya naman pala parang takot na takot ito nang sabihin niyang nakita niya ang animal clinic ng mommy nito. Natakot itong makilala niya ang ina nito, ang babaeng umagaw sa kanyang ama.
Muli na namang tumulo ang mga luha niya. "I fell in love with the son of the woman who destroyed my family." Humikbi siya. "I fell in love with the boy who stole my father." Hindi siya makapaniwalang ang batang kinamumuhian niya ay ang lalaki rin na minamahal niya. If fate was playing a joke on her, it wasn't funny.
Ang buong akala niya ay babae ang batang iyon kaya nagtataka siya kung paanong naging si Stone iyon. Hanggang sa maalala niya ang sinabi ni Snap.
"May play kasi kami na ginawa no'ng nasa elementary kami. Nakakahiya ang role na napunta kay Stone noon. Luckily, meron akong picture niya habang naka-costume siya at iyon ang ginagamit ko para mapasunod siya sa mga gusto ko."
BINABASA MO ANG
Miss Ugly Duckling Chases Mr. Bangko (COMPLETE)
Romance"'Sabi mo, I deserve someone better. Sino ba 'yong 'someone better' na 'yon? Kamag-anak ba siya ni 'someone like you'? Well, pakisabi kay 'someone better' na hindi ko siya kailangan dahil meron na akong 'someone like you.'" Funny-walain si Kisa kaya...