Chapter 18

13 1 0
                                    

Gymnasium Hall.

Graduation Day:

(Skip)

Matapos kaming tawagin para sa medalya ay bumalik na ang iba sa kanya-kanyang upuan, ang mga Top Achievers ay sa harap ng stage nakaupo kaya kabilang na kami ni Jayron dun, hindi parin kami nagkikibuan, magkatabi kasi kami at hindi pa namin naaayos yung kahapon nung nag away kami.

Maraming tao ngayon sa hall dahil na rin sa mga may magulang ang iba, nagtaka nga ako kung bakit may mga reporters dito, siguro nandito sila dahil sa apat kong kuya na artista, nung una nagulat ang mga istudyante dito nung pumunta silang apat dito kaya dinumog agad sila, mabuti naman may mga staff at guards na pumigil at pinaupo sila malapit sa stage.

Wala dito ang parents ko kaya yung mga Kuya ko lang ang nandito, si Kuya Eroll ang nag a-akyat sakin kapag may natatanggap akong medal o certificate. Nandito yung parents ni Jayron para naman sa kanya, nakakainggit nga eh buti pa siya hays.

"At ngayon mapapakinggan natin ang mensahe ni Mr. Lobertan Maquez"

Nagpalakpakan naman ang lahat saka dumako na sa tapat ng mic ito at bumati sa aming lahat at nagsimulang magsalita.

Habang pinapakinggan ko ang mensahe niya ay naramdaman kong may humahawak sa kamay ko, napatingin ako roon at nawala ang atensyon sa unahan.

Kita ko naman kung saan galing yung kamay na humawak sa kamay ko.

"Lhea, are you still mad at me?"- sabi niya.

Tinignan ko lang siya at inilihis ko kaagad ang tingin ko sa papunta sa unahan, ayoko muna siyang kausapin kahit ngayon lang, hinila ko na rin ang kamay ko sa kanya.

"I see, mag usap tayo pagkatapos at pagkatapos nito, let's fix this"- rinig kong sabi niya at tumahimik na rin.

Natapos na ang pananalita ni Mr. Marquez at nagsalita na muli si Ms. Cruz.

"Maraming salamat sa iyo Mr. Marquez, talagang napakagandang mensahe ang naibahagi mo sa amin lalo na sa mga magsisipagtapos"

Nagpalakpakan ulit ang mga tao.

"Muli nating a-anyayahan ang Valedictorian na nakakuha ng 98.30 average upang mag bigay mensahe sa lahat, siya walang iba kundi si Mr. Jayron Yron Bam Ferrier"

Muling namayani ang palakpakan ng mga tao sa hall at natigil din ito nang maka akyat si Jayron sa stage at nag salita.

Kailangan niyang magsalita ng pure tagalog eh naalala ko nga pala na hindi siya fluently, kundi English lang, pero alam kong pinagpraktisan niya yun.

Sa kanya lang ang atensyon ko.

"Uh..Magandang Gabi sa lahat, sa mga taong naririto. Una sa lahat nagpapasalamat ako kay God, Maraming salamat po, kung hindi po dahil sa gabay niyo hindi ko po matatahak ang daan ng tagumpay na makakamit ang aking inaasam, gayun din po ang aming mga guro at propesor na walang sawang pagtuturo ng mga leksyong nais naming matutunan, Bago ang iba, nais kong ibahagi sa inyo kung paano ako nagsikap nung nakaraan na akoy Pre-elem hanggang ngayong collage na, nagsimula ang kaalaman ko sa mga magulang ko, sila'y walang sawang nagtuturo sakin noon, sila ang pangalawang guro ko noon, nagsikap ako sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro at minsa'y inuunahan ko na ang susunod na papag-aralan namin, at kapag sa loob naman ng paaralan lagi akong nakikinig sa itinuturo ng guro namin, nasa sa atin lang yan, kailangan lang natin ng pakikinig at pagsisikap huwag lang susuko at pababayaan lang, ngayon ay gusto kong magpasalamat sa mga importante sakin, una sa mga magulang ko na nandyan ngayon, Mom, Dad, alam ko po na matigas ang ulo ko pagminsan sa inyo, sorry kung pinapakita ko sa inyo ang malamig kong ugali pero mahal na mahal ko po kayo, wag niyo pong isipin na hindi ko kayo mahal dahil simula nung maimulat ako   sa mundong ito ay mahal ko na po kayo kaya maraming salamat sa supporta niyong dalawa, sana makasama ko pa kayo sa mahabang panahon, Pangalawa ay ang mga kaibigan kong sina Marky, Zack, Heyvon, mga bro maraming salamat dahil pinakikisamahan niyo pa rin ako sa mga kalokohan ko pati na rin sa mga kalungkutan at kasiyahan ko, mga bro mahalaga din kayo saakin, isama ko na rin sina Janine at Rose, maraming salamat at naging parte na kayo sa amin, sa mga kaklase ko pati yung mga humahanga sa akin sa buong Unibersidad maraming salamat din. Nais ko ulit magpasalamat sa unang babaeng pumasok sa buhay ko na inspiration ko walang iba kundi si Lhea Merine Agustin, Maraming salamat Lhea dahil palagi kang nandyan sa tabi ko upang magmahal ng totoo sakin, ikaw ang buhay ko, hinding-hindi kita ipapagpalit sa iba kahit anumang mangyari....."

ISBK: It's Started with a Bad Boys Kiss(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon