Agad akong tumayo.
"Ja-Jayron?"
Nilapasan lang ako nito ng tingin at ibinaling kay Zein. Matagal itong tumitig sa kanya na parang naguusap lang sa isipan.
Iba ang mga tingin nila kaya pinigilan ko sila baka mag sapakan pa itong dalawa.
Nagulat ako dahil agad kong naramdaman ang paghawak ni Jauron sa braso ko at kinaladkad ako sa labas hanggang sa makarating kami sa walang halos mga tao.
"Jayron! A-Anong problema?" -nag aalala kong sabi sa kanya.
Nakatingin lang ito ng deretso sakin na walang emosyon sa kanyang muka. Pakiramdam ko bumalik na siya Sa pagka sobrang cold niya, siya na si Mr Ice.
"Hey! May sasabihin ka ba?? Sorry kung hindi ko agad sinagot ang mga tawag mo at hindi ko nareplayan ang mga text mo, hindi ko naman kasi alam na may practice pala tayo para sa Music Club e, sorry talaga Jayron"
Nalulungkot nanaman ako dahil parang mag-aaway nanaman kami.
Huhuhu T__T
"Wala ka bang naaalala kagabi?"
Napatingin ulit ako sa kanya. Anong walang naaalala??
"Huh? Ma-May nangyari ba sakin kagabi!??? Om---"
Bigla niyang sinipa ang basurahan sa gilid nang dahilan ng pagkagulat ko.
"Talaga? Wala kang naaalala kahit isang pangyayare?"
Yung tono niya parang maiiyak na, ano ba kasi ang nangyari. Sorry.
"Jayron....sorry, hindi ko pala nasabi sayo na kapag nalasing ako at kapag nagising ako hindi ko maaalala ang mga pinaggagawa ko pero..ramdam ko"
Lumapit siya sakin at ako naman napaatras, nakakatakot ang mga titig niya.
"Ja-Jayron, A-Anong---"
Agad ako nitong hinawakan sa magkabilang braso.
"Kaya pala hindi mo naaalala na ikaw ang kumuha ng unang halik ko nung matagpuan kitang lasing sa daan! At kaya pala hindi mo alam na nagconfess ka saakin kagabi at muntik ka nang malunod pero sinagip kita! Seriously? Wala ka bang naaalala niyan?!?"
Napapikit ako sa sigaw niyang mga salitang binibitawan niya.
Ginawa ko yon!?? Halik? Confess? Nalunod? Sinagip???
Ibig sabihin yung konting naalala ko nung pangatlong beses akong maglasing sa bar is totoo? At yung pilit kong inaalala kanina na nakita ko daw silang dalawa ni Althea na naghahlikan nang dahilan ng pagkalasing ko?
"Jayron."
"Pero kahit hindi mo naaalala yun kagabi, sinabi mong mahal mo ako kaya ikaw mismong tatanungin ko ng derektahan."
Tinignan ko lang siya habang nakatitig din siya sakin.
"Lhea! M-Mahal mo ba Ako?"
Biglang nagwala ang puso ko nang tinanong niya yun sakin.
Hindi ako makaimik, pero gusto kong umimik.
"Lhea please! Do you Love me?? I want to hear the answer from your voice, please tell me the truth!"
Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak niya sa braso ko. Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Mahal kita Jayron natatakot lang ako baka sabihin mo saakin ang salitang 'sorry'.
Napasinghot nalang ako dahil marami nang luhang lumalabas sa mata ko. Nagmulat ulit ako at nakatingin pa rin sakin si Jayron, hinihintay niya ang sagot ko.
BINABASA MO ANG
ISBK: It's Started with a Bad Boys Kiss(ON HOLD)
RomanceMay mga bagay talaga na kapag naumpisahan na ay hindi mo na pwedeng takasan pa. "Hindi ako makapaniwalang hahantong tayo sa ganito, hindi na ako makakatakas sa buhay mong puro pagsubok dahil wala na akong magagawa pa" --- "Once You enter my life and...