Chapter 10:

10 1 0
                                    


Pagpasok ko sa bahay agad akong umakyat sa taas sabay pasok sa room ko.

Inilapag ko ang bag ko sa sofa at dumeretso sa banyo para maligo at magpalit.

Biglang may tumawag sa phone ko kaya tinignan ko yung caller ID.

Si Zairus.

Napakunot nalang ako ng noo, anong kaylangan nun?

Sinagot ko naman ito.

("Hello?")

"Zairus?"

("Cupcake!")

"Oh? Napatawag ka Zai? May kaylangan ka ba?"

("Magpapatulong lang hehe!")

"Sige lang, ano bang maitutulong ko?"

Tumahimik muna siya ng konti at nagsalita na rin.

("Wala pa akong ka-date sa Monday ang konek is.....kung pwede ko bang makadate yung best friend mong si Janine? Pati narin si Marky nagpapatulong, kay Rose daw siya bwahaha!")

Nanlaki naman ang mata ko.

"A-Ano? Weyt teka! Bat niyo pala kilala yun? At bakit siya pa? Diba marami namang iba jan?"

("So you mean ayaw mo? Teka nga din, nagseselos ka noh?")

What the.....hindi naman sa ganun.

Ok fine, date lang naman! Pero pano kung magkadevelopan? Eh alam ko naman yang si Zairus Playboy tch! Pero kay Marky ok lang, muka namang hindi chickboi yun.

"Hindi naman sa ganun Zai! Ok sige ako na magsasabi sa kanya basta walang kang balak sa kanya huh?"

I heard him laugh.

("Opo cupcake! Don't worry loyal ako sayo hehe")

kung nasa harapan ko lang tong lalakeng to, sinamaan ko na sana ng tingin.

"Gago!"

Tumawa naman ito.

("Ready for your punishment cuppycake, narinig yun ni Jayron, nagmumura ka wahahahahaha!!")

Bigla akong kinabahan dun. Waaahh ayoko.

"U-Uy sa-sandali---"

**tot**

Waaaaaaaah! Lagot T__T

Bahala na sa monday.

Sabado bukas makakapagpahinga na rin hayyyy.

Inilapag ko ang phone ko at kinuha yung laptop ko.

Minessage ko sila na pumunta dito sa Mansyon.

Then natulog na ako.

Next Morning:

8:45am.

"Tapos ka na magbreakfast?"- Kuya eroll.

Tumango nalang ako habang nanunuod ng fav kong Kdrama.

"Aalis kami ng kuya mo ngayon, pupunta lang kami  sa company ni Tito kasi may isisign lang kaming papeles, maiiwan kayo ni Kuya Aron mo dito, be good girl ha?"- sabay halik nito sa pisngi ko ganun din yung dalawa kong kuya.

"Opo, ingat po  kayo!"- sigaw ko nang makalakad na sila.

Narinig ko naman ang pagsara ng pintuan. Nanatili lang ako sa posisyon ko na nakatutok sa T.V.

*buzzzt..buzzzt*

Agad nakuha nito  ang atensyon ko kaya kinuha ko ito at inopen ang message na yun.

ISBK: It's Started with a Bad Boys Kiss(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon