Christian's POV
Andito ako ngayon kila Ace. Nirigalo sakanya yung bahay na to ng tatay niya nung 18 years old na siya. Mayaman kasi sila pero hindi parin siya masaya dahil hindi na umuuwi ang tatay at nanay niya na nasa Germany. Pero kahit na hindi na sila umuuwi, nagpapadala parin sila ng napakaraming pera buwan buwan.
Lumabas si Ace mula sa banyo dahil naligo muna siya pagdating namin.
"Pre, papuntahin mo na dito si Jester. Wag mo sabihin na nandito ko, jan muna ko sa kwarto mo. Pinagiisipan ko pa kasi kung ano gagawin ko" sabi ko sakanya.
"Sige pre. Itetxt ko na si Jes" sabi niya at kinuha niya ang phone niya.
"Pre" tinawag ko siya kaya napalingon siya sakin "Pwede ko bang kunin number ni Jester? Wag mo sasabihin saknya na kinuha ko" dugtong ko pa
Binigay niya yung number sakin ni Jester at agad akong pumunta sa kwarto. Mukang naimpluwensyahan yata ako ni kuya. Mukang bibigay na nga ako. Mukang nahuhulog na ko. Isang oras din ang lumipas at nakapag desisyon na ko. Mahirap to at alam kong ikagagalit ng tatay ko pero pinakinggan ko ng mabuti ang puso ko at isa lng ang sinabi nito. Jester. Paulit ulit na pangalan lng niya ang sinabi ng puso ko at pumasok sa utak ko. Desidido na ko.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita si Ace at Jester na nanunuod ng tv. Lumabas ako sa kwarto ng dahan dahan at lumapit sakanya.
Nasalikod ako ni Jester at wala siyang ka alamalam "Jester" pag tawag ko sakanya
Lumingon siya sakin at nagtagpo ang mata namin pero ilang segundo lng at ibinaling niya ang tingin niya sa tv.
"Magluluto lng ako" sabi ni ace at agad pumunta sa kusina.
Pinatay ko ang tv at muling kinausap si Jester "Pwede ka bang makausap?" tanong ko ng mahinahon at mababa ang boses ko
"Kinakausap mo na ko diba?" pamimilosopo niya pero bakas ang inis sa muka niya
"Sorry. Sorry na ginawa ko yun kanina dahil alam ko na nakikita mo ko. Sorry kung nasaktan kita dahil sa ginawa ko. Alam ko na hindi mo nmn kasalanan yung nangyari satin pero pinili ko parin na isisi sayo" sabi ko habang unti unting naiipon ang luha sa gilid ng mga mata ko.
Humarap siya sakin at hinawakan ako sa kamay. "Mahal kita" sabi niya na ikinagulat ko.
"Pero lalaki ka, lalaki ako. Pano nmn ang gagawin na-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nag dikit ang mga labi namin.
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Alam ko ngayon na walang bahid ng pagkalasing ang utak niya pero hinalikan parin niya ko. Nakita ko na tumulo ang luha niya mula sa mga nakapikit niyang mata. Dinurog nun ang puso ko at binuo muli ng may panibagong anyo. Ang dating bato bato kong puso ay isa ng puso na puro bulaklak. Ilang segundo din ang lumipas bago ko natagpuan ang sarili ko na sumasabay sa pag halik niya.
Pinutol niya ang halik na ilang minuto din tumagal at nag salita "Mahal kita, at kung bibigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan yun, gagawin ko ang lahat" sabi niya habang pinupunasan ang mga luha na tumulo mula sa mata niya
Nagsimulang kumawala ang mga luha na kanina pa nag pupumiglas sa gilid ng mata ko "Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Papatayin ako ng tatay ko pag sumunod ako sa landas ni kuya at naging bading din. Hindi ko alam kung pano kita mamahalin" pagiyak ko sakanya
"Mamahalin kita, ipagtatanggol kita sa kahit na sino na mananakit sayo. Hahamakin ko ang buong mundo dahil mahal kita" yan ang mga katagang binitawan niya habang pinupunasan ang luha ko "Ngayon may tanong ako sayo. Hahayaan mo ba ko na mahalin ka at ligawan ka para sa pagdating ng panahon ay pakasalan kita?"
Huminto ang lahat. Parang tumigil ang oras. Nakakulong ngayon ako sa mga kataga na nagaahirap sakin pero nagpaparamdam sakin na minamahal ako at nag mamahal ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi. Hindi muna. Hindi muna ngayon.
"Hindi muna ngayon. Pero pangako ko sayo na saglit lng ang hihintayin mo. Hintayin mo lng ako" yan ang nga katagang binitawan ko sakabya bago ko tumakbo papalabas at papunta sa kotse ko na nakaparada sa garahe nila Ace. Dali dali akong umuwi.
Nakarating ako sa bahay at naligo agad ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang magisip kung ano ang gagawin ko. Ilang oras din ang lumipas at na alala ko na ibinigay sakin ni Ace ang number ni Jester. Dali dali kong kinuha ang phone ko at hinanap ang number ni Jester sa contacts. Nang matagpuan ko ito, alam ko sa sarili ko na nahulog na ko. Love at first s*x. Nakakagago pakinggan pero mukang yun nga ang nangyari. Tinext ko siya ng hindi pinapaalam na ako ang nag text.
-Oo ang sagot ko sa tanong mo. Alam kong hindi mo alam kung ano yung sinasabi ko pero subukan mo na alalahanin ang lahat ng tinanong mo sa lahat ng kinausap mo kanina at baka malaman mo kung ano tong text message nato.-
Yan ang itinext ko sakanya bago ako matulog ng napaka himbing.
BINABASA MO ANG
The Playboy fell in love with a,,,,,, Guy?
RomanceWhat could happen if a playboy fall in love? What could happen if he fall in love with a Guy? Lets find out!