Chapter 13

20 0 0
                                    

Christian's POV

Alas 2 na ng madaling araw kaya sa tingin ko ay tulog na ang tatay ko. Dahan dahan ako lumabas ng kwarto suot suot ang isang bag kung saan nanduon ang laptop at cellphone ko. Nagtungo ako sa gate para buksan to para madali akong makatakbo papalabas mamaya. Bumalik ako sa loob at hinanap ang remote ng tv dahil itinatago dun ni daddy ang emergency key papunta sa work room niya. Nang makuha ko ang susi agad akong nagtungo sa work room ng dahan dahan. Binuksan ko ito at naghalughog para hanapin ang mga papeles na magagamit ko pang laban sakanya. Saktong inilalagay ko na ang nga ito ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang tatay ko.

Sumugod siya para suntukin ako pero nakaiwas ako. Hindi na ko nag dalawang isp at lumaban. Nagawa ko siya masipa sa bay*g kaya naman napa luhod siya at agad ko siyang tinadyakan sa ulo niya na dahilan ng pag gulong niya sa sahig. Agad akong tumakbo papalabas ng bahay at ilang sandali lang ay narinig ko na tumakbo siya papunta sakin. Hinahabol niya ako ng makalabas ako ng gate at tumakbo. Nagtago ako imbis na tumakbo dahil alam kong aabutan niya ko. Umikot ako sa bahay at ngayon ay nasa likod ako ng bahay namin kung saan maraming puno. Nakarinig ako ng pagputok ng baril at sigaw ng tatay ko. Kinuha ko ang phone ko at itinext si Jester na ibukas na ang pinto ng kotse para madali akong makasakay. Pagkatapos kong maitext si Jester ay binuksan kk ang camera ng phons ko lara mag video. Isinabit ko ito sa bag ko at itinali. Sumigaw ako para marinig ng tatay ko.

"Nandito ko tanga!" sigaw ko sabay takbo papunta sa mga puno.

Magiging ebidensiya ko ang kahit na anong makunan ng video ng cellphone ko kaya naman  hinayaan ko na habulin niya ko. Alam ko ang daan papunta kila Jester dito sa mgs puno nato pero hindi niya alam yun kaya naman may advantage ako. Mahamog kaya naman mahirap makita kung may tao dito o wala. Nangmarinig ko ang sigasw ng tatay ko aya agad akong nag tago.

"Magpakita ka sakin! Papatayin kita!" sigaw niya.

Nakikita ko siya at malapit lang siya sakin. Kailangan ko siyang lituhin. Sa kabilang gilid niya ay may nakita akong aso. Pumulot ako ng bato para batuhin yun kaya nsman nag tatahol yun. Agad niyang tiningnan ang aso at sinundan to. Eto na ang pagkakataon ko para makatakas. Tumakbo ako at malapit na ako makalabas ng mapunong bahagi at malapit na ko kila Jester ng biglang lumabas si daddy sa harap ko.

"Akala mo ba matatakasan mo ko?" pagtawa niya.

"Hayaan mo na ko!" sigaw ko pabalik.

"Alam mo na ang sikreto ko. Alam mo na na isa akong leader ng sindikato. Kailangan na kitang iligpit" sabi niya habang lalong tumatawa ng mas malakas.

"Papatayin mo ako? Ang sarili mong anak! Hibang ka na!" sigaw ko sakanya.

"Simula nung pinili mong maging bakla, kinalimutan ko na na anak kita!" sigae niya

Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko nung marinig ko ang sinabi niya.

Dahan dahan niyang itinaas ang baril niya at itinutok ito sa ulo ko. "Any last word?" tanong niya

"Yes"

Tumawa siya at nag salita "Sabihin mo na ang mga huli mong salita bago ko kalabitin ang gatilyo"

"Dapat ng masunog sa impyerno ang mga katulad mo" sabi ko

"Mauuna ka" sagot niya

Bumagal ang lahat. Ang hirap huminga. Wala na akong magawa kundi hintayin ang bala na tumama sa ulo ko.

The Playboy fell in love with a,,,,,, Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon