Chapter 16

23 0 0
                                    

Christian's POV

Nagising ako at pag dilat ko ng mata ko ay nandun si Jester na halos wala ng 1 inch ang layo ng muka namin.

"Babe, kanina pa kita ginigising. Nagluto ako ng almusal at gumawa ng hot chocolate para sayo" sabi niya.

Dumadampi ang labi niya sa labi ko tuwing nag sasalita siya at ramdam na ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa bibig ko. Na aamoy ko ang hininga niya at mukang hindi pa siya nag totooth brush, hindi naman mabaho ang hininga niya pero wala akong mint na na aamoy. I have to admit, ang bango ng morning breath niya and that's really tempting. "Morning breath" bulong ko sakanya

"Sorry" sabi niya sabay ngisi.
Hindi parin siya umaalis at naka atong parin siya sakin. Hindi ko naman nararamdaman ang bigat niya dahil nasa mga siko niya ang bigat niya at wala sakatawan. "Don't be sorry. I foubd it attractive. I think I'll get addicted to your morning breath" sabi ko "Kain na tayo?"

Hindi ako kumakain ng almusal dahil di ako sanay pero kakain ako ngayon dahil siya naman ang nagluto. Culinary arts kasi ang kurso niya kaya sigurado ako na masarap ang luto niya.

Nakatapos kaming kumain at nagdiretso kami sa police station para magsampa ng kaso laban sa tatay ko. Saglit lang ang inintay namin at binigyan na ng warrant of arrest ang isa sa mga pulis na pinasama samin papunta sa bahay.

Nakarating kami sa bahay namin at binuksan ko ang pinto para makapasok kami. Nasakin naman ang susi at may karapatan ako sa bahay nato kaya hindi kami pwedeng baligtarin at kasuhan ng tress passing. Bago pa man kami maka pasok ay nakita namin sa bintana ang tatay ko na may hawak na baril. Nakatutok ito sa isang babae na inutusan niya para gamitin ako noong naka kulong ako sa storage room, hindi lang siya ang nandito, ang iba pang babae na gumamit sakin ay nandito din at wala ng buhay. Sumugod ang mga pulis at pinadapa ang tatay ko pero nanlaban siya. Ginawa niyang hostage ang nag iisang babaeng humihinga pa.

"Wag kayong lalapit kundi papatayin ko to!" sigaw niya

"Dad tumigil ka na! Nahihibang ka na talaga! Pano mo nasisikmura na pumatay ng tao?" sigas ko sakanya

"Tumahimik ka! Wala kang kwenta!" sigae niya sakin

"Ibaba mo yang baril mo at sumama ka samin!" sigas ng isa pang pulis

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makulong!" sigaw niya sabay kalabit sa gatilyo na agad na pumatay sa babaeng sinasakal niya

Bumagal ang pagikot ng mundo nangmarinig ko ang 2 magkasunod na putok ng baril. Bumagsak ang tatay ko sa sahig at ngayon ay binabalot na ng dugo. Tumakbo ako papunta sakanya kahit na pinipigilan ako ng mga pulis. Niyakap ko ang tatay ko at ipinatong ang ulo niya sa mga binti ko.

"Patawad" yan ang huling salitang binitawan niya.

"Dad, hindi. Wag kang pipikit. Dad! Tangina naman! Wag mo ko iwan! Dad. Alam kong galit ka sakin pero wag mo ko iwan! Dad! Dad!" sumisigaw na ako pero hindi na ako naririnig ng tatay ko

Niyakap ako ni Jester habang nakaluhod ako satabi ng tatay ko na wala ng buhay.

"Kasalanan ko to. Kung hindi ko sana pinapunta ang mga pulis para arestuhin siya hindi sana mangyayari to. Kasalan ko to. Kasalanan ko" sabi ko habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Jester

"Wag ka ng umiyak. Wala kang kasalanan. Ginawa mo lang ang tama. Wag mong sisihin ang sarili mo" pagpapatahan niya sakin

Dumating ang ambulansiya pero huli na ang lahat. Patay na ang tatay ko. Wala na siya

The Playboy fell in love with a,,,,,, Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon