Agonymfah's POV:
" A-rraa-y! Nasasaktan po ako"
umiiyak kong saad ko habang kinakaladkad niya ko. Natutulog pa ko ng hablutin niya ng napaka lakas ang buhok ko. Nahulog tuloy ako sa Kama at nabundol ba sa kilid ng lamesa. Magkakabukol yata ako >,<
"Masasaktan ka talagang bata ka!" Nanggigil na sigaw ni mama.
"Maa-aa-aa! Tama na po!"
Ang mas malala pa don, ay kinaladkad niya ako pababa ng hagdan. Parang mahihiwalay ang ulo ko sa katawan. Sobrang sakit!
"Alam mong bata ka! Wala ka ng ginawa kundi ang matulog!! Hala!!!!Walisan mo ang buong bahay!! Labhan mo ang mga labahan! Hugasan mo ang pinggan! Aalis ako! Siguraduhin mong nakapag luto ka na pag dating ko! Kundi tatamaan ka sakin!!! Naiintidihan mo?!!!!!"
Mahaba niyang lintanya.
"O-ppo!" Agad kong sagot, tska yumuko. Naiiyak na naman ako.
Hayss! Lagi nalang.Pagkatapos nun, ay umalis na siya ng nakataas ang kilay. Magsusugal na naman yata siya. Sana manalo siya.
Pinunasan ko ang luha ko tsaka sinabi sa sariling
" Pain will end. Not now but soon"
Inumpisahan ko na ang Gawain sa bahay, tinodohan ko talaga kasi ayokong mapagalitan. Napaka sungit kasi nun. Sabi kasi nila, isa daw akong pabigat. Isa daw akong sumpa na hinahabol habol sila. Araw araw nila saking pinararamdam yun. Araw araw nila saking pinararamdam kung gaano sila nasusuklam sa presensya ko.
Hindi ito ang pinaka malala sa lahat ng ginawa niya sa akin. Minsan noong nalate lang ako ng uwi sa eskwelahan dahil sa project namin, kinulong nya ako ng tatlong araw sa kwarto. Hindi niya ko pinapalabas at lalong Hindi ako pinakain ni katiting. Wala akong magawa. Parang nasa selda ako ng kamatayan. Halos mamatay na ako sa gutom pero di nila ako pinakain. Wala akong choice noon kundi maghalungkat ng makakain. Kahit na nasa basurahan sa kwarto ko na nanggaling ang pagkain, tiniis ko. Makasurvive lamang ako.
Pero meron pang mas malala don.Flashback~
"NYMPAAAAHHH!!!!!" Sigaw na saad ni mama.
"B-ba-aki-t p-po m-maa?"
Natatakot na ko talaga."Ano tong narinig ko na nag bo-boyprend ka na?!"
Nanlilisik ang kanyang mga Mata sa sobrang galit na nagdulot sa akin ng kilabot.
"H-hin-di po yun to too ma! Maniwala kayo!" Pagsusumamo ko.
"At hindi mo pa talaga sa akin sasabihin?! Sa ibang tao ko pa nalaman?! Sino yang lalaking kinakalantari mo?!"
Nangangalaiti niyang sabi. Kulang nalang maglabas siya ng patalim at saksakin ako ng napakaraming beses.
"Ako patunay dun. Nakita ko kayo ni xavier na naglalandian! At ang mas malala ay sa eskwelahan pa!" Sabat naman ng kapatid Kong si krisiyana.
"ha-a? Di po totoo yun!. Maniwala po kayo!" Pag mamakaawa ko.
"at ano ang akala mo sakin?! Sinungaling?! Ikaw ang sinungaling dito!!! Penerwisyo mo na nga kami ng iyong sumpa tapos ipagkakalat mo pa sa iba?!" Singhal ni krisiyana.
" h-hindi sa ganon yana, Hindi ako yun" sabi ko sa kanya ng mangiyak-ngiyak.
"Kita mo na? Kapatid mo na ang nagsabi!! Halika nga dito"
Sigaw na naman ni mama sa akin at kinaladkad ako papasok sa kwarto ko tsaka pa tulak na hinagis sa kama. Eto na naman tayo
Umalis siya saglit at pagkabalik niya ay may dala na siyang lighter at sigarilyo. Sinindihan niya iyong mismo sa harap ko. Natatakot na ko. Matapos ng ilang hithit niya ay humarap siya sa akin. Yosi lang ang nagpapa-kalma sa kanya.
Sinarado niya ang pinto tsaka ako sinampal ng pagka lakas lakas.